Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2011

Mga Itim na Tagapagbando

Mga Itim na Tagapagbando Kayraming kasakit ng buhay, marubdob... hindi ko batid! Mga hampas na animo’y ngitngit ng langit; kung haharapin, ay tila ragasa ng lahat ng pagdurusang bumubukal sa kaibuturan ng diwa... hindi ko batid! Sila’y katiting lamang, subalit... Binubuksan nito ang maitim na trensera nang mababangis na hulagway at pinakamatitikas na gulugod. Marahil, sila ang mga bisiro ng mga barbaro o itim na tagapagbando ni Kamatayan. Sila ang matatarik na talon sa kaluluwa ng mga kristo, na sumamba sa nilapastangang Kapalaran. Iyang mga hampas na tigmak ng dugo ay hagupit ng nagbabagang tinapay na nalulusaw sa pugon. At ang sangkatauhan... Kalunos-lunos... kaawa-awa! Ibinaling niya ang paningin, mistulang tumutugon sa isang tapik sa balikat; itinitig ang nauulol na mata, at ang buod ng kaniyang buhay ay sumilay, animo’y lawa ng kasalanan, sa kaniyang gunita. Kayraming kasakit ng buhay, marubdob... hindi ko batid! Salin ni Jay Pascual July 21, 2011 The

Kuyom na Kaluluwa

Kuyom na Kaluluwa Nawala na sa atin ang dapithapon Walang nakapansin sa pagniniig ng ating mga palad Habang nilulukob ng gabi ang sanlibutan. Tanaw ko mula sa bintana Ang lagablab ng takipsilim sa matatayog na kabundukan. Ang kapirasong araw Ay mistulang baryang pumapaso sa aking kamay. Naalala kita habang nagkukuyom ang kaluluwa Sa gitna ng aking lumbay na tanging ikaw ang nakababatid. Nasaan ka na nga pala? Sino-sino pa ang naroroon? Ano ang inuusal? Kung bakit rumagasa ang laksang pag-ibig sa akin Sa panahon ng kalungkutan habang dama ko ang iyong paglayo. Nahulog na ang aklat na palagiang ipinipinid sa dapithapon At tulad ng hintakot na aso, ang bughaw na balabal ay bumalumbon sa aking mga paa. Palagi, palagi kang naglalaho sa gitna ng gabi Tungo sa dapithapong bumabaklas ng bantayog. Salin ni Jay Pascual  July 2011 Clenched Soul   We have lost even this twilight. No one saw us this evening hand in hand while the blue night dropped on the world.

Untitled I

It's not about knowing you when we were there, wandering, in gardens of youthful freedom. What matters is that I've known you, as you are. It's not about seeing you transformed in full splendor palpably radiant and  blinding mortal  eyes. What matters is that I’ve seen you, as you are. It’s not about hearing you, angelic rhythm of imagined voices  wallowing in bitter-sweet laughter. What matters is that I’ve heard you, as you are. It is not about touching you in the deepest  recesses of your uncharted nakedness, utterly lost  in the celebration  of your beauty and passion. What matters most is that I’ve touched you, as you are. It is not about feeling your stormy thoughts and calm contemplations though these are far constellations reached only by stellar signals. What matters most is that I’ve felt you, as you are. ‘Tis not about loving you, sweet rose-petal of dreams,