Friday, December 23, 2011

Mga Itim na Tagapagbando


Mga Itim na Tagapagbando

Kayraming kasakit ng buhay, marubdob... hindi ko batid!
Mga hampas na animo’y ngitngit ng langit; kung haharapin,
ay tila ragasa ng lahat ng pagdurusang
bumubukal sa kaibuturan ng diwa... hindi ko batid!

Sila’y katiting lamang, subalit... Binubuksan nito ang maitim na trensera
nang mababangis na hulagway at pinakamatitikas na gulugod.
Marahil, sila ang mga bisiro ng mga barbaro
o itim na tagapagbando ni Kamatayan.

Sila ang matatarik na talon sa kaluluwa ng mga kristo,
na sumamba sa nilapastangang Kapalaran.
Iyang mga hampas na tigmak ng dugo ay hagupit ng
nagbabagang tinapay na nalulusaw sa pugon.

At ang sangkatauhan... Kalunos-lunos... kaawa-awa! Ibinaling niya ang paningin,
mistulang tumutugon sa isang tapik sa balikat;
itinitig ang nauulol na mata, at ang buod ng kaniyang buhay
ay sumilay, animo’y lawa ng kasalanan, sa kaniyang gunita.

Kayraming kasakit ng buhay, marubdob... hindi ko batid!

Salin ni Jay Pascual
July 21, 2011


The Black Heralds


There are blows in life, so powerful . . . I don’t know!
Blows as from the hatred of God; as if, facing them,
the undertow of everything suffered
welled up in the soul . . . I don’t know!


They are few; but they are . . . They open dark trenches
in the fiercest face and in the strongest back.
Perhaps they are the colts of barbaric Attilas;
or the black heralds sent to us by Death.


They are the deep falls of the Christs of the soul,
of some adored faith blasphemed by Destiny.
Those bloodstained blows are the crackling of
bread burning up at the oven door.


And man . . . Poor . . . poor! He turns his eyes, as
when a slap on the shoulder summons us;
turns his crazed eyes, and everything lived
wells up, like a pool of guilt, in his look.


There are blows in life, so powerful . . . I don’t know!

--C├ęsar Vallejo (Peru)

Kuyom na Kaluluwa


Kuyom na Kaluluwa

Nawala na sa atin ang dapithapon
Walang nakapansin sa pagniniig ng ating mga palad
Habang nilulukob ng gabi ang sanlibutan.

Tanaw ko mula sa bintana
Ang lagablab ng takipsilim sa matatayog na kabundukan.

Ang kapirasong araw
Ay mistulang baryang pumapaso sa aking kamay.

Naalala kita habang nagkukuyom ang kaluluwa
Sa gitna ng aking lumbay na tanging ikaw ang nakababatid.

Nasaan ka na nga pala?
Sino-sino pa ang naroroon?
Ano ang inuusal?
Kung bakit rumagasa ang laksang pag-ibig sa akin
Sa panahon ng kalungkutan habang dama ko ang iyong paglayo.

Nahulog na ang aklat na palagiang ipinipinid sa dapithapon
At tulad ng hintakot na aso, ang bughaw na balabal ay bumalumbon sa aking mga paa.

Palagi, palagi kang naglalaho sa gitna ng gabi
Tungo sa dapithapong bumabaklas ng bantayog.

Salin ni Jay Pascual 
July 2011


Clenched Soul
 
We have lost even this twilight.
No one saw us this evening hand in hand
while the blue night dropped on the world.


I have seen from my window
the fiesta of sunset in the distant mountain tops.


Sometimes a piece of sun
burned like a coin in my hand.


I remembered you with my soul clenched
in that sadness of mine that you know.


Where were you then?
Who else was there?
Saying what?
Why will the whole of love come on me suddenly
when I am sad and feel you are far away?


The book fell that always closed at twilight
and my blue sweater rolled like a hurt dog at my feet.


Always, always you recede through the evenings
toward the twilight erasing statues.

--Pablo Neruda