Lumaktaw sa pangunahing content

Magpi-Filipino Ka Lang, Magso-sorry Ka Pa!


Nainis ako sa panonood ng ikatlong araw ng paglilitis ng impeachment court hindi dahil sa angas ni Cuevas o sa pagkamali-mali ng prosekusyon.  Nainis ako dahil sa isang maikling komento ni Senador Jinggoy Estrada.  Dangan naman kasi, magpi-Filipino lang, hihingi pa ng paumanhin.  Ani Estrada, “humihingi po ako nang paumanhin, dahil magsasalita ako sa sarili nating wika...”

Bakit? Nakakahiya bang magsalita ng Filipino kaya dapat humingi ng paumanhin? Mababawasan ba ang bigat ng iyong opinyon kung Filipino ang wikang gamit? Magmumukha ka bang tanga kung nagpi-Filipino ka? Bakit kailangan mong mag-sorry, nakaiintindi naman kami ng Filipino.  Pinoy naman ang mga kausap mo, kaya wala kang dapat ipagpaumanhin.  Sa katunayan, dapat kang magmalaki Ginoong Estrada dahil ginagamit mo ang sariling wika.



Maaaring maraming magtaas nang kilay dahil binigyang pansin ko pa ang komento ni Estrada.  “What’s the big deal,” ika nga.  Subalit napakalaking bagay ng ganitong uri komento dahil may implikasyon ito sa pagtingin natin sa wikang Filipino.  Higit sa lahat, hindi lamang unang beses nangyari ito sa Senado.  Matatandaan na medyo nabalisa o nahiya si Senador Lapid (a.k.a.Leon Guerrero) na makibahagi sa debate higgil sa RH Bill dahil hindi siya makapag-ingles.  Nag-atubili siyang tumayo at magsalita dahil Filipino lang ang alam ng kaniyang dila.  Ibabalik ko ang tanong: magmumukha ka bang tanga kung nagpi-Filipino ka? Hindi naman, di ba? Susmaryahosep! Mag-Filipino kayo nang kayo’y maintindihan ng mamamayan, iyon ang mahalaga.

Malalim ang dahilan kung bakit marami sa Filipino ang atubili o nahihiyang magsalita ng sariling wika lalo na sa mga pormal na pagtitipon.  Itinuturing kasi na ang Filipino ay isang hindi intelektuwalisadong wika.  Aminin man natin o hindi, segunda klase ang turing sa wikang Filipino kung itatapat ito sa wikang ingles.  Kapag matatas kang mag-ingles, ang husay mo.  Ang taas nang pinag-aralan mo.  Ang tali-talino mo. “In na In” ka.  Kung nagpi-Filipino ka naman, okey, ang galing mong mag-Filipino... ‘yun lang.  Wala itong kaakibat na intelektuwalisasyon.

Panahon nang baguhin natin ang pagtingin sa sariling wika.  Kung pinahahalagahan natin ang ating kalayaan bilang isang nagsasariling bansa, marapat lamang na pahalagahan natin ang sariling wika.  Huwag kang mag-sorry kung magpi-Filipino ka. Magmumukha ka lang tanga.

Mga Komento

  1. Tama! Tayong Pinoy lang ang ganito. Westernized na kasi tayo. Guilty rin ako dito pero hindi dahil nahihiya ako but because iyon ang ating nakalakihan. Hay.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Matagal kasing nakondisyon ang marami sa atin na 'cool' mag-ingles. Salamat sa pagbisita sa blog.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon

Introduksiyon UPDATE: Ang librong Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon ay maaari nang mabili sa lokal na online shop ng JMP Creative Media. Sundan lamang ang link na ito: BUY NOW: MGA KUWENTONG BAYAN NG BUKIDNON.   Ang pagbabasa ng mga katutubong kuwentong bayan ang isa sa pinakamabisang paraan upang maunawaan ang kultura ng isang bansa. Ayon kay William Bascom, isang kilalang Amerikanong kuwentista at antropolohista, ang mga kuwentong bayan ay salamin ng mga katutubong kaugalian, tradisyon, ritwal, at kultura. Nilalaman ng mga katutubong kuwento ang buod ng pagkatao ng isang partikular na grupo sa lipunan. Ang paglalathala ng e-Book na ito ay isang pagtatangka na maibahagi sa buong daigdig ang ilang piling kuwentong bayan ng tribung Bukidnon sa Hilagang Mindanao, sa wikang madaling maintindihan ng kabataang Filipino. Sa gayon, magiging mas nakaaaliw ang kanilang pagbabasa. Marami na ang nalimbag na mga kuwentong bayan ng tribung Bukidnon. Subalit kadalasan, ang mga kuwento ay nakasulat

Uri ng Mga Adobo sa Filipinas

Adobo ang isa sa mga pinakapaboritong ulam ng mga Filipino. Ayon sa ilang pananaliksik, ang adobo ay mula sa salitang Kastilang "adobar," na ang ibig sabihin sa Ingles ay "to marinade." Subalit bago pa man sakupin ng mga Kastila ang Filipinas, nag-aadobo na ang mga Filipino. Dahil lubhang mainit sa bansa at madaling mapanis o mabulok ang mga di-lutong pagkain, natutunan ng mga katutubo na ibabad sa suka at asin ang kanilang pagkain at pagkatapos ay pakukuluan hanggang maluto. Napakatagal ng shelf-life ng mga pagkaing dumaan sa ganitong paraan ng pagluluto. Ngayon nga ay bantog pa rin ang adobo sa Filipinas at halos bawat rehiyon ay may kani-kaniyang bersiyon nito. Sa kabutihang palad, natikman ko na halos lahat ng iba't-ibang uri ng adobo sa Filipinas at natutunan na rin kung paano ito lutuin. Adobong Manok / Adobong Baboy / Adobong manok at baboy - Bersiyong Tagalog Manok o baboy ang karaniwang pangunahing sangkap ng adobo. Minsa'y pinaghahalo ang dalaw

Forced Haircut in Schools is Corporal Punishment

Forced Haircut in Schools is Corporal Punishment (Why This Policy Is Unjust and Violates Basic Child Rights) Valencia City, BUKIDNON.  The Department of Education (DepEd) has a long-standing policy that governs good grooming. This includes prescribing a so-called proper haircut for male pupils in both private and public schools.  According to Undersecretary Yolanda Quijano, “the prescribed haircut for boys is at least one inch above the ear and three inches above the collar line.” Schools under the supervision of DepEd are required to follow such standard. Unfortunately, this “haircut policy” has no clear implementing guidelines.  As a general practice, school principals and administrators have the authority to define their own sets of rules on how to implement the policy, including the enforcement of disciplinary actions on erring pupils.