Lumaktaw sa pangunahing content

Hindi Lang Islogan ang Burukrata Kapitalismo

Kung ikaw ay dating aktibista, o kaya'y nakaranas lumahok sa mga protesta sa lansangan, o nakisali sa mga ED (educational discussion) kasama ang mga aktibista, maaaring narinig mo na ang salitang Burukrata Kapitalismo.


Ayon sa librong Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guerrero, ang Burukrata Kapitalismo ang isa sa batayang suliranin ng lipunang Filipino. Isa ito sa mga ugat na problemang nagpapahirap sa Filipinas.


Marami akong kakilala -- mga kamag-anak, mga kaibigan, kababata, mga dating kasamahan sa unibersidad -- na napapangiwi kung mababanggit ang katagang Burukrata Kapitalismo. Anila, laos na ang konseptong ito at hindi na dapat ginagamit na islogan.


Sa kainitan ng mga diskusyon at link posting ukol sa isyu ng pork barrel scam, may nabasa akong isang komento na animo'y nangungutya pa. Sabi ng nag-komento, ang iskandalo hinggil sa pangungulimbat ng mga mambabatas sa pondo ng gobyerno ang dapat gawing susing isyu na makapagpapakilos sa maraming Filipino. Dinugtungan niya pa ang komento na: "hindi na dapat 'ismo-ismo' ang isinisigaw ngayon," wala naman daw katuturan ang mga iyon at laos na.


Hindi ko alam kung tanga lang talaga ang taong nagkomentong iyon o malisyoso lang siya at nais lamang tudyuhin at kutyain ang kilusang Pambansa Demokratiko. Sa palagay ko ay pareho. Tanga siya sa tunay na kalagayang pampolitika ng bansa at malisyoso rin na nagnanais lamang mangutya ng mga aktibista.


Ang konseptong Burukrata Kapitalismo ay hindi lamang simpleng islogan na maaaring patok sa isang takdang panahon at nalalaos kapag lumaon. Ang ideyang ito ay pinatining sa pamamagitan ng praktikal na pagsusuri at pagsisiyasat sa mga kongkretong kalagayan ng lipunang Filipino, lalo na sa larangan ng politika, burukrasya, at pamamahala.


Kung hihimayin, mayroong dalawang pangunahing pampolitikang konsepto ang sistemang Burukrata Kapitalismo.


Una, ang konsepto ng burukrasya at mga kaakibat na burukrata. Pinatutungkulan nito ang sistema ng pamamahala sa isang modernong estado na pinangungunahan ng mga burukrata. Sila ang mga matataas na opisyal ng gobyerno -- halal man o hindi.


Ikalawa ay ang konsepto ng kapitalismo, na batid nating isang sistemang pang-ekonomiko. Sa sistemang kapitalismo, namamayani ang pag-iral ng kapital at tubo. Sa madaling salita ay pagnenegosyo at pagkamal ng ganansiyang pinansiyal.


Kapag ang interes ng mga burukrata ay nakabalangkas sa sistema ng pagnenegosyo, iiral ang sistemang Burukrata Kapitalismo -- ang pagturing sa gobyerno bilang isang malaking empresa o negosyo. Sa 'negosyong' ito, natural na ang mga burukrata ay maghahangad ng ganansyang pinansiyal.


Samakatuwid, imbes na ang burukrasya ay ituring na instrumento ng pagsisilbi sa mamamayan, itinuturing ng mga burukrata kapitalista ang gobyerno bilang instrumento na makapagbibigay sa kanila ng personal na yaman, prestihiyo, at kapangyarihan.


(Hindi pa tapos ang sanaysay na ito. Durugtungan pa sa susunod na mga araw.)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon

Introduksiyon UPDATE: Ang librong Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon ay maaari nang mabili sa lokal na online shop ng JMP Creative Media. Sundan lamang ang link na ito: BUY NOW: MGA KUWENTONG BAYAN NG BUKIDNON.   Ang pagbabasa ng mga katutubong kuwentong bayan ang isa sa pinakamabisang paraan upang maunawaan ang kultura ng isang bansa. Ayon kay William Bascom, isang kilalang Amerikanong kuwentista at antropolohista, ang mga kuwentong bayan ay salamin ng mga katutubong kaugalian, tradisyon, ritwal, at kultura. Nilalaman ng mga katutubong kuwento ang buod ng pagkatao ng isang partikular na grupo sa lipunan. Ang paglalathala ng e-Book na ito ay isang pagtatangka na maibahagi sa buong daigdig ang ilang piling kuwentong bayan ng tribung Bukidnon sa Hilagang Mindanao, sa wikang madaling maintindihan ng kabataang Filipino. Sa gayon, magiging mas nakaaaliw ang kanilang pagbabasa. Marami na ang nalimbag na mga kuwentong bayan ng tribung Bukidnon. Subalit kadalasan, ang mga kuwento ay nakasulat

Uri ng Mga Adobo sa Filipinas

Adobo ang isa sa mga pinakapaboritong ulam ng mga Filipino. Ayon sa ilang pananaliksik, ang adobo ay mula sa salitang Kastilang "adobar," na ang ibig sabihin sa Ingles ay "to marinade." Subalit bago pa man sakupin ng mga Kastila ang Filipinas, nag-aadobo na ang mga Filipino. Dahil lubhang mainit sa bansa at madaling mapanis o mabulok ang mga di-lutong pagkain, natutunan ng mga katutubo na ibabad sa suka at asin ang kanilang pagkain at pagkatapos ay pakukuluan hanggang maluto. Napakatagal ng shelf-life ng mga pagkaing dumaan sa ganitong paraan ng pagluluto. Ngayon nga ay bantog pa rin ang adobo sa Filipinas at halos bawat rehiyon ay may kani-kaniyang bersiyon nito. Sa kabutihang palad, natikman ko na halos lahat ng iba't-ibang uri ng adobo sa Filipinas at natutunan na rin kung paano ito lutuin. Adobong Manok / Adobong Baboy / Adobong manok at baboy - Bersiyong Tagalog Manok o baboy ang karaniwang pangunahing sangkap ng adobo. Minsa'y pinaghahalo ang dalaw

Forced Haircut in Schools is Corporal Punishment

Forced Haircut in Schools is Corporal Punishment (Why This Policy Is Unjust and Violates Basic Child Rights) Valencia City, BUKIDNON.  The Department of Education (DepEd) has a long-standing policy that governs good grooming. This includes prescribing a so-called proper haircut for male pupils in both private and public schools.  According to Undersecretary Yolanda Quijano, “the prescribed haircut for boys is at least one inch above the ear and three inches above the collar line.” Schools under the supervision of DepEd are required to follow such standard. Unfortunately, this “haircut policy” has no clear implementing guidelines.  As a general practice, school principals and administrators have the authority to define their own sets of rules on how to implement the policy, including the enforcement of disciplinary actions on erring pupils.