tag:blogger.com,1999:blog-65475450303362545812024-03-14T17:56:05.368+08:00Jay M. PascualPersonal na blog sa wikang Filipino. Talakayan sa kultura, politika, balita, tula, kuwento, negosyo, reklamo, at kung ano-ano pa.Unknownnoreply@blogger.comBlogger87125tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-56939526186651323602020-07-15T14:23:00.000+08:002020-07-15T14:23:32.104+08:00Ano Ba Ang Oligarchy
Sumambulat na naman sa bokabularyo ng maraming Filipino ang salitang oligarchy, oligarch, o sa atin pa ay oligarkiya, oligarko.
Subukan mo lang pumunta sa Facebook at Twitter. Maraming balita, status, at comments ang bumabanggit ng salitang oligarch o oligarchy. Minsan mapapaisip tayo kung tunay nga bang naiintindihan ng mga tao ang mga terminolohiyang ito.
Sa punto de bista ng political science, hindi simple ang pakahulugan sa oligarkiya. Marami itong sanga-sangang depenisyon. Magkagayunman, nakatutuwang makita ang tumataas na interes ng mga tao sa konsepto ng oligarchy / oligarkiya.
Pansinin ang screenshot galing sa Google Trends. Makikita ang biglang paghirit ng interes sa search term na oligarchy noong mga nakaraang araw. Marahil dahil na rin ito sa pahayag ng panggulo ng Pilipinas na nabuwag na niya ang oligarkiya kahit walang Martial Law.
Nagbunyi ang iba; ang iba nama’y napakamot ang ulo. Kaya pumunta sila sa Google para magsearch kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng oligarchy / oligarkiya.
Ano nga ba ang Oligarchy at sino ang mga oligarch?
Ang oligarchy ay isang porma ng gobyerno na binubuo ng elitistang seksyon ng lipunan, kadalasa’y mayayaman at dominante sa ekonomiya. Ang mga oligarch ay ang mga tao na kabilang sa oligarchy.
May dalawang elemento ang oligarchy. Una, ito ay isang manipestasyon ng pampulitikang kapangyarihan. Ikalawa, ang humahawak ng kapangyarihan ay kabilang sa mayayamang elite o mga dominante sa ekonomiya.
Kailangang buo palagi ang dalawang elementong ito upang tumpak na mailarawan ang oligarkiya. Kailangan din linawin na ang kapangyarihang tinutukoy dito ay “State Power” at hindi lamang petty power. Umiiral ang “state power” kapag ang kapangyarihan ay nagtatakda sa direksiyon, buhay, at kalakaran ng isang buong lipunan.
Kaya naman, kung ang isang angkang mayaman ay walang kapangyarihang pampulitika (state power), mayaman lang sila at hindi sila oligarch. Sa isang banda, ang isang karaniwang magsasaka na nanalong meyor ng isang maliit na bayan ay mayroon lang “petty power,” hindi rin siya oligarch.
Sa modernong nation-state, kadalasang nagtatago ang oligarch sa tabing ng estadong burges-demokrasya. Hindi na kasi katanggap-tanggap ngayon ang absolutong pamumuno ng isa o iilang pamilya. Kaya naman ginagawa nilang pantabing ang “demokratikong eleksiyon” upang masabi na ang mga pinuno ay kumakatawan sa karaniwang mamamayan.
Kadalasan din, ang mga pamilya/angkan na ubod ng yaman ay nagtatalaga ng kanilang pulitikong representate na siyang hahawak ng state power. Sa ganitong paraan, napananatili ng oligarkiya ang kanilang mahigpit na hawak at kontrol sa larangan ng ekonomiya at politika.
Maraming anyo ang mga pulitikong representante ng oligarkiya. Maaaring sila ay bahagi rin ng angkan ng oligarkiya. Maaaaring sila ay masugid na alila ng oligarch. Maaari din naman na mersenaryo ang pulitiko at naghihintay lamang ng malaking pabuya na ibibigay ng mayamang angkan kung isusulong niya ang interes na pabor sa kanila.
Sa konteksto ng Pilipinas, napakatagal nang panahon na umiiral ang oligarchy. Tingnan lamang ang mga nananalo sa eleksiyon. Lahat sila ay milyonaryo at bilyonaryo pa nga ang iba. Kung may lumusot mang galing sa mahihirap, iilan lang ito at hindi mababago ang karakter ng state power.
Pansinin din na ang halos lahat ng may pampulitikang kapangyarihan ay may signipikanteng interes sa buhay ekonomiya ng bansa. Sila ay may-ari ng malalawak na lupain, may-ari o may kontrol ng malaking industriya, o di kaya’y isang local na political dynasty na maraming koneksiyon sa malalaking negosyo, korporasyong multi-nasyunal, at/o mga hasyenda.
Tinatabingan ng “demokratikong eleksiyon” ang mga oligarch ng Pilipinas. Nagkukubli sila sa mga katagang “people’s representative.” Upang matanggal ang kanilang balatkayo, dapat na masusing suriin ang pang-ekonomiyang interes na nasa likod ng isang pulitiko. Tingnan ang kanilang yaman, (tagong-yaman), ari-arian, kawing sa malalaki at estratehikong negosyo, at mga aktuwal na ‘backer’ o tagapondo ng kanilang karerang pampulitika.
Sabi nga: “kung ang isang bibe ay naglalakad ng parang bibe, umaatungal na parang bibe, at umaastang bibe; tunay na makasisiguro ka na iyon ay isang bibe.” Ganyan din naman sa oligarkiya. Lagi at laging isusulong ng mga oligarch ang interes ng kanilang uri sa lipunan. Itaga mo pa iyan sa bato.
Kaya ang tanong: Ano nga ulit ang binuwag ng pangulo?
Kung interesado ka sa dagdag paliwang, panoorin ang bidyo dangan nga lang ay konteksto sa Estados Unidos ang nilalaman nito.
Baka naman gusto ninyo ng dagdag babasahin ukol sa pagpapalalim ng konsepto ng oligarchy, inequality, at modernong kapitalismo. Narito ang ilan sa magagandang reference na mabibili sa Amazon.
Paano Ba Gumawa ng Tsaang Malunggay / Homemade Moringa Tea
Karaniwan nang makita ang puno ng malunggay sa mga bakuran ng bahay, lalo na sa mga probinsya. Madali kasi itong itanim at patubuin. Hindi rin nangangailangan ng matinding pag-aalaga ang punong ito. Kahit iwan mo lang at diligan paminsan-minsan ay yayabong na siya nang kusa.
Sa mga palengke, limang piso hanggang sampung piso ang isang bungkos ng dahon ng malunggay. Dito sa amin, pupunta lang kami sa likod bahay at pipitas ng dahon. Ayos na. Puwede na magluto ng sinabawang ulam na may malunggay.
Tulad ng ibang gulay, maraming mabuting naidudulot sa kalusugan ang dahon ng malunggay. Maganda itong ipainom sa may sakit, sa mga sinisipon, sa mga may lagnat. Marami na rin kasing pag-aaral na nagpapatunay na nakatutulong ang malunggay sa pagpapalakas ng katawan.
Kaya naman naisipan kong gumawa ng tsaa gamit ang dahon ng malunggay. Madali lang naman gawin ito. Kukuha ka lang ng dahon at patutuyuin. Dudurugin ang pinatuyong dahon at mayroon ka nang maititimplang tsaa.
Gumawa ako ng isang instructional article tungkol dito. Mababasa mo ito sa Delishably na may titulong How to Make Homemade Malunggay Tea - Homemade Moringa Tea. Sundan lamang ang link na iyan upang malaman ang kumpletong mga hakbang sa paggawa at paghahanda ng tsaang malunggay.
Masarap ang tsaang malunggay. Magugustuhan ito kahit ng mga bata. Maaaring lagyan ng asukal o honey ang tinimplang tsaa para mas maging malasa.
Panoorin ang maikling bidyo para sa mga dagling hakbang sa paggawa ng tsaang malunggay o Moringa tea.
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-13461085592363828502020-06-03T00:01:00.002+08:002020-06-03T01:52:02.193+08:00Ikalabingwalong Taon Sa Ikatlo ng Hunyo, kahapon
May mga pangyayari sa ating buhay na hindi malilimutan, ultimong kaliitliitang detalye. Gaya nang panliligaw sa iyong mahal. O ang unang halik at yakap. O kaya’y ang araw ng iyong kasal. Ito ang mga pangyayaring nagkakaroon ng espesyal na puwang sa iyong isip. Nariyan lamang ang mga alaala, mistulang lumang larawan o bidyo na muli’t muli mong binabalikan kung gusto mong mangiti saglit o kiligin nang bahagya kaya.
Kagaya noong mga panahong wala pang social media dahil hindi pa uso ang internet. Text message lang ang palitan ng mga ‘sweet nothings’ ika nga. Kailangan pang bumili ng call and text card sa halagang 300 para walang humpay ang pagtetext at tawagan sa gabi.
Dahil kung nawalan ng load ang cellphone, paano maitetext ang isang tanong na nakapagpabago sa takbo ng buhay: “tayo na ba?” Na sinagot mo naman ng: “oo, tayo na.”
Ganoong kasimple lang iyon. Pero bawat letra ng mensaheng iyon ay punong-puno ng emosyon. Ang simpleng tanong at sagot na iyon ay humantong di kalaunan sa altar.
Pero bago noon ay sumakay muna ng tricycle papuntang munisipyo. Doon naghihintay na ang huwes na magbabasbas ng pag-iisang dibdib. Pagbaba pa lamang ng tricycle ay sumalubong na ang tatayong “ninang.” Siya rin kasi ang nag-ayos ng dokumento ng kasal. Bago pumasok sa sala ng huwes ay hinila ng “ninang” ang isa niyang katrabaho upang tumayong “ninong.”
Marahil ay ‘di na alintana ang napakaimpormal na prosesong dinaanan ng kasal. Ang naging mahalaga kasi ay naroon ang ikakasal. Nakangiti, magkahawak palad, may kaunting kaba, at umaapaw ang saya. Iyon lang ay sapat na.
At pumasok na nga ang ‘entourage’ sa loob ng sala ng huwes. Maliit lang ang kuwartong iyon. May isang sofa, may malaking mesa at punong-puno ng bungkos na dokumento. Naroon na si Judge, nakaupo sa kaniyang swivel chair na kulay brown, suot ang kaniyang pormal na pang-opisinang damit at malugod na nakangiti sa mga ikakasal.
Ang unang tanong ni Judge ay: “sigurado na ba kayo?” Natawa nang bahagya ang ikakasal, nagkatinginan saglit at halos sabay na tumango. “Opo.”
Tumayo na si Judge at binasa ang karaniwan nang binabasa sa mga taong ikakasal. Magkadaupang palad pa rin ang magkasintahan habang nakikinig sa mga payo ng huwes. Matapos nito’y isinuot na ang mga singsing at tinuldukan ang seremonya ng pagpapalitan ng matamis na halik sa labi.
Sang-iglap lamang ang naging pirmahan ng lisensiya sa kasal. Nagpaalam na ang bagong mag-asawa sa huwes at sa kanilang “ninang” at “ninong.” Nagpasalamatan at nag-iwan ng mga pagbati.
Pagbaba sa munisipyo ay nagkatinginan ang bagong kasal, ngumiti sa isa’t-isa at pasimpleng nagdampi ang isang mabilis na halik. Magkahawak kamay pa rin habang naghihintay ng tricycle pabalik sa syudad. Magkahawak kamay habang nakaupo sa tricycle. Magkahawak kamay hanggang makarating sa sentro ng lungsod.
Sa maikling pagbiyaheng iyon ay walang imikan. Tila ang magkadaop lang na palad ang nag-uusap. Kapwa nakatingin sa malayo na tila ninanamnam ang banayad na dampi ng hangin sa mga pisngi. Paminsan-minsang magtatama ang mga mata, at magpapalitan ng ngiti ang bagong kasal.
Habang naglalakad sa syudad upang umuwi na sa boarding house ay napadaan ang bagong kasal sa isang simbahan. Tila ba doon itinulak ang kanilang mga yapak. At malamang ay may dahilan kung bakit sila pumasok ng simbahan.
Sa loob ng simbahan ay kasalukuyang may ikinakasal. Ang pari ay nagsisimula pa lamang magsabing: “ikaw lalaki, buong puso mo bang tinatanggap si _________ bilang asawa na mamahalin habambuhay?”
Nagkatinginan ang bagong kasal at mahinang natawa dahil ikakasal na naman sila, kahit na sila’y usyusero lamang sa pagkakataong iyon. Kaya’t nagdaup na naman ang kanilang mga palad at tinanggap ang bendisyon ng pari.
Pagkatapos ng seremonya’y umalis na rin ang bagong kasal. Dumaan sa tindahan ng cake at bumili ng choco mousse na may ginayat na tsokolate sa ibabaw. Dinala nila ito sa boarding house at doon pinagsaluhan ang handa – isang cake, isang bote ng Coke, at simpleng ulam.
Hunyo 3 noon, labingwalong taon na ang nakalilipas. Pero parang kahapon lang iyon.
Unknownnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-85857815553443480202018-05-25T13:47:00.000+08:002018-05-25T13:47:20.761+08:00Your pain is my painEach cut is a cut through my heart.
Like a teardrop overflowing.
A slice. A lash.Tearing my soul.
I think of you each night.
Through smoke-filled dreams
of never-ending nightmares.
Ang dalamhati mo ay akin
Bawat hiwa ay laslas sa aking puso.
Tulad ng naguumapaw na luha.
Bawat hiwa. Bawat hagupit. Pumupunit sa kaluluwa.
Tuwing gabi ikaw ay nasa gunita.
Sa gitna ng mausok na panaginip
ng walang katapusang bangungot.
-- Jay M. Pascual, May 2018Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-20461195996717962932017-11-27T22:34:00.000+08:002017-11-27T22:34:10.019+08:00HAIKUS PAIN
Like a lash, it hits.
Tearing flesh from anguished soul.
And I cried, red blood.
MELANCHOLY
On a night like this.
When darkness embraces me.
I long for moonlight.
LEAVING
Shall I say, farewell.
To the petals of my dreams.
And drift with the wind?
Jay M. Pascual
November 27, 2017Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-19108762145320507712017-06-28T22:37:00.001+08:002017-06-28T23:19:54.495+08:00Higit sa Lahat, Maglingkod sa Bayan(Talumpating binigkas sa okasyong Tribute to Parents ng College of Forestry and Environmental Science, Central Mindanao University, Maramag Bukidnon, Hunyo 18, 2017)
Ang araw na ito ay okasyon upang bigyang papuri ang mga magulang. Ang mga nanay, mga tatay, at guardians na naglaan ng kanilang panahon, pagmamahal, at pag-aalaga upang masiguro na magkaroon ng magandang edukasyon ang ating mga anak.
In behalf of the parents present now, malugod naming tinatanggap ang pagkilalang ito.
Pagkakataon na rin ang okasyon ngayon upang magpasalamat sa mga mahuhusay na propesor ng kolehiyong ito. Sa mga panahong hindi natin kasama ang ating mga anak, ang mga propesor -- ang mga dalubguro ng kolehiyo ang nagsilbing ikalawang magulang.
Sila ang naghubog sa ating mga anak mula sa pagiging mga batang jejemon nang unang pumasok sila sa unibersidad, at ngayon nga’y maituturing na rin na mga eksperto sa kani-kanilang larangan.
Ngunit higit sa lahat, ang tunay na bida sa okasyong ito ay kayong mga graduates. Sa inyo ang tagumpay.
Subalit ang graduation ay simula pa lamang. Lalabas na kayo ng unibersidad at haharapin ang mga tunay na hamon ng buhay.
Bilang mga Iskolar ng Bayan, tandaan ninyo sana na ang inyong obligasyon ay di lamang pansarili o pampamilya.
Gamitin ninyo ang talino at kasanayan upang paglingkuran ang sambayanan. To Serve the People, that should be foremost in your minds when you pursue your careers.
Sa huli, gusto kong ipaalaala sa inyo ang sinabi ng bayaning si Emilio Jacinto, na tulad ninyo ay isa ring kabataan na punong-puno ng idealismo. Ang paalaala niya sa atin ay ganito:
“Ang halaga ng isang tao ay wala sa kapangyarihan; wala sa tangus ng ilong o puti ng balat; wala sa pagkabanal, wala sa yaman, o posisyon sa pamahalaan. Ang tunay na mahalaga ay iyong may magandang asal, may isang salita, may dangal at puri, iyong hindi nagpapaapi at hindi nang-aapi, at iyong marunong magdamdam at may malasakit sa bayang tinubuan.”
Maraming Salamat po.
Jay M. Pascual
Hunyo 18, 2017
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-92129434526414838362017-03-21T08:12:00.001+08:002017-03-21T08:12:16.719+08:00Para sa aking Naneng, salamat.
Linggo ng gabi nang huli kitang makita. Ginupo na ng sakit ang iyong dating sigla. Ang yayat mong katawan ay mistulang kandilang nauupos; umaandap sa pakikipaglaban sa kumakalat na dilim.
Buong tatag kong ibinubulong sa iyo ang himig ng pagmamahal. Batid ko kasing naririnig mo pa rin ako, at nag-aalala sa aking kalagayan. Palagi ka naman kasing nag-aalala. Katangian mo na ang maging maaalalahanin. Tinangka kong ipanatag ka, kahit man lamang sa huling sandali ng iyong buhay, upang mayakap mo nang payapa ang liwanang na naghihintay sa dulo ng karimlan.
Bago ako magpaalam ay isang mapait na luha ang nangilid sa aking mata. Pilit ko iyong iwinaksi. Nais ko kasing maghiwalay tayo nang may giliw, nang masaya… katulad noong tayo’y magkasama pa.
Kasabay sa pagputol ng bidyo sa telepono ay ang ragasa ng laksang hinagpis. Iyon na ang huli nating pagkikita. Iyon na ang huli kong pakikipag-usap sa iyo.
At bago maghating-gabi, ilang oras matapos kitang makita, ay iniwan mo na kami. Alam kong magiging maligaya ka sa iyong patutunguhan. Naghihintay doon ang iyong mga magulang at kapatid. Ang paglisan mo ay pagluluksa sa lupa subalit pagsasaya rin ito sapagkat makadadalo ka na sa piging na walang hanggan.
Pilit kong binubura sa isipan ang larawan ng iyong pagkakaratay. Ayaw kong alalahanin ka sa ganoong kalagayan. Nais kong manatili sa aking alaala ang mga panahong larawan ka nang sigla, sigasig, at saya.
Tulad noong tinuturuan mo pa akong magbasa ng abakada gamit ang isang polyetong nabili natin sa bayan. Pauupuin mo ako sa ibabaw ng mesa habang buong ingat mong binubuklat ang mga pahina upang ipakita sa akin ang mga larawan doon. Buong tiyaga mong iniisa-isa ang mga titik hanggang makabisa ko ang alfabeto.
Minsan nga’y hindi ko mapigilan ang maghikab habang ika’y nagtuturo. Buong giliw mo naman akong kakargahin, ihihiga sa kutson, at hahayaan nang matulog. Pagmulat ng mata ko’y ikaw agad ang hanap. Lagi at lagi’y nariyan ka sa aking tabi. Papahiran mo ng basang bimpo ang natuyong laway sa aking pisngi, paliliguan ako ng pulbos gamit ang alpombra, at tayo’y mananaog na upang magminandal ng tinapay, minatamis, tsokolate, o gatas. Napakasaya ko sa mga oras na iyon. Ihinihilig ko ang aking ulo sa iyong balikat upang magpasalamat at lubos na damhin ang ipinagkaloob na kalinga.
Kaya naman ayaw kong mawalay sa iyo noon. Bumibiyahe tayo sa malalayong lugar at sumasakay sa bus na may kahoy na upuan at kahoy na bintana. Ipinapasyal mo ako sa mga naglalakihang tindahan na may malamig na pasilyo. Kumakain tayo ng sorbetes, popcorn, siopao, at mami. Bibilhan mo ako ng mga laruan, maliliit na kotse, mga eroplanong umiilaw, at marami pang iba. Pagkadaka’y uuwi na tayo na masayang-masaya, tangan-tangan mo ang munti kong kamay habang nakayapos ako sa iyong bisig.
Ganoon ka naman palagi, mapagbigay. Masaya ka na kung nakikita mong masaya ako sa mga handog mong regalo. Tatalon ako sa tuwa sa tuwing ika’y dumarating sapagkat alam kong may espesyal kang dala para sa akin. LIliwanag ang iyong mukha kapag narinig mo ang aking tili ng pagkagalak. Mistulang sinag iyon ng bukangliwayway na lumalatay sa nabubuhay na umaga.
HIgit walong dekada kang nanatili sa piling namin. Kalakhan noon ay inilagak mo sa pagbibigay; sa pag-aaruga sa akin, sa amin, sa iyong mga pamangkin, sa iyong mga apo. Anong higit pang pagbibigay kundi ang pagbibigay sa sarili -- ang paggugol sa iyong panahon upang kalingain ang mga musmos na isip nang sa gayo’y lumaki kaming mabuting nilalang.
Ngayon nga’y lumisan ka na. Tutungo ka na sa hardin ng pangarap. Madalas na maikuwento mo sa akin noon ang tungkol sa langit. Ang sabi mo, lahat ay masaya sa langit. Naliligiran ito ng mga bulaklak, may malalawak na damuhan, at ang mga tao’y palaging nakangiti. Natutuwa akong nariyan ka na. Nariyan ka na sa lugar ng luwalhati. Malaya sa sakit, malaya sa pighati.
Para sa aking Naneng, salamat.
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-75238671228716706032017-01-25T11:55:00.001+08:002017-01-25T11:55:54.939+08:00Bagong Bonnet Gang
Naging bantog sa barangay
ang ginawang pagsalakay
ng kinatatakutang
Bonnet Gang.
Bahay ni Mang Igan,
nilimas ang laman.
Walang pinatawad,
ultimong kalendaryong hubad.
Matinding ligalig
ang bumalot sa paligid.
Usap-usapan ng mga ka-barangay,
mga kawata’y muling sasalakay.
At nagdilang anghel nga,
ang mga matabil ang dila.
Sa amin ay bumuluga,
isa na namang balita.
Sa dampa ni Mang Kadyo
sa gilid ng estero,
narinig ang mga putok,
isa, dalawa, tatlo.
Mga tambay nagpulasan,
animo’y sinisilihan.
Sila’y naghiyawan,
“Bonnet Gang! Bonnet Gang! ‘Ayan na naman.”
Mga tao’y nagkumpulan,
sa pag-uusyoso’y nag-unahan.
At kanilang nasaksihan,
palahaw ng kawawang nilalang.
Ang asawa ng matandang Kadyo,
sapo-sapo ang sumabog na bungo.
Naghahalo ang laway at dugo,
Habang sinisigaw ang alboroto.
“Naka-bonnet sila, naka-bonnet sila!
Binalya pintuan naming nakasara.
‘Pulis kami, pulis kami, anila.
Sabay dakma kay Kadyong tulog na.”
“Hinila nila ang asawa ko.
Ako nama’y tinutukan ng kuwarenta’y singko.
Huwag po, huwag po, sabi ng Kadyo.
At pumutok na po, isa dalawa tatlo.”
Ang sabi ni Kapitan,
si Kadyo daw ay nasa listahan.
“Hindi iyon Bonnet Gang.
Pawang mga naka-bonnet lang.”
Di pa man natutuyo
ang sumargong dugo.
sumalakay na naman,
ang mga naka-bonnet na nilalang.
Doon sa may tambakan.
Sa bahay ng mag-amang Juan.
Narinig ang mga putukan.
At bumulagta dalawang katawan.
Si Juan daw ay nasa listahan
at nadamay lamang
ang bunsong walang muwang
habang sila’y naghahapunan.
“Huwag kayong mag-alala,”
sabi ng Kapitang dakila.
“Hindi iyon Bonnet Gang.
Pawang mga naka-bonnet lang.”
“Matulog kayo nang mahimbing.
Wala nang magnanakaw sa atin.
Walang dapat alalahanin,
payapa ang barangay natin.”
Matapos niya itong sabihin,
umuwi na ang Kapitan namin.
Tatlong araw siyang nawala.
Nang makita’y may balot na ang mukha.
Wala na daw ang Bonnet Gang.
Pinalitan lang ito ng mga naka-bonnet lang.
--Jay M. Pascual, Enero 24, 2017
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-66265775574189234552016-06-21T01:20:00.001+08:002016-06-21T01:20:39.886+08:00Enero Tres
ang iyong mga kaway
ang indayog ng iyong munting kamay
ay tagpas ng tabak sa aking dibdib
papaalis ka na
papaalis ka nang muli
tungo sa dalampasigan ng iyong kamusmusan
ang iyong ngiting
sintamis ng umaga
ay punglo sa aking dibdib
ang iyong mga kaway
ang iyong mga ngiti
ay kumikitil
sa puso kong
namimighati.
-- Jay M. Pascual, 2003
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-81484474857001855102016-06-21T01:16:00.001+08:002016-06-21T01:16:13.332+08:003 Haikus, 3 Thoughts of You
(I)
She walks in beauty
Feet ablaze in stellar warmth
Scorching path of hearts
(II)
Solitary Pearl
My name is Melancholy
Let me lie and die
(III)
Forbidden Rose bud
In garden of weeds and thorns
Pick it and shed blood
-- Jay M. Pascual, 2001
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-30821522932294026902016-05-14T00:48:00.001+08:002016-05-14T00:48:35.501+08:00Open Live Writer Test Post
This is a test post using the open source blogging client, Open Live Writer. OLW is the so-called “spiritual reincarnation” of Microsoft-abandoned blogging client, Windows Live Writer.
Let’s see how images will render:
Of course, I’d like to see if the formatting tools will work:
Bold Face
Underline
Italic
HEADING 1
Centered Text
Right Aligned
In case you want to try Open Live Writer, just download the installation file HERE.
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-81779433564934100942016-01-11T22:33:00.000+08:002016-01-11T22:33:08.068+08:00MONUMENTO SA TAKIPSILIMIto ang oras ng pag-aagawan
binababag ng gabi ang umaga
nilalamon ng dilim ang liwanag ng araw
pinapupusyaw ng sinag ng buwan
ang paghihingalo ng kanluran.
Ito ang oras ng pagsisiksikan
ng laksang nilalang
sa mga estribo ng sasakyan
dahil nais nang manaig ng pamamahinga
sa kanilang katawang bugbog sa maghapong pagpapagod.
ito ang oras ng pagsuong
sa daluyong ng balisang talampakan
na nag-aapurang makauwi
dahil mahapdi na ang kalyong
nakipagtunggali sa de-gomang sapatos.
Ito ang oras ng paglipad
ng mga bituin ng gabing
naninirahan sa bahay alitaptap
upang makipagbuno sa libog ng mga parokyanong
naghahanap ng kaligtasan sa panandaling kaligayahan.
Ito ang oras ng pagtalas
ng mga mata ng buwitreng
nakaunipormeng asul
at may bota't silbato
upang may pangmeryenda sa gagawing pagpupuyat.
Ito ang oras na pumapailanlang
ang mga makabagong agilang
dumadagit ng cellphone at bag
upang may maiuwing
pantawid gutom o pantawid bisyo?
Ito ang kasukalan
sa ganitong oras pagbaba ng telon.
May tamis na malalasap
sa kumukulapol na maitim na usok.
May pait na matitikman
sa maling akala ng pulutong
na sila'y makapagpapahinga na
ng payapa.
-Jay M. Pascual
Ang Monumento sa Takipsilim ay bahagi ng kalipunan ng mga tula na libreng mada-download sa SmashWords. Mangyari lamang sundan ang link na ito: MGA TULA SA BAUL ni Jay M. Pascual
Format: ePub, PDF, RTF, Mobi, Text, OnlineUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-87868306234491472852016-01-03T21:35:00.001+08:002016-01-03T23:34:56.248+08:00Walang Pamagat na Tula ni George Calaor
I
Siya na plauta, siya
na lagi kong inibig.
Siya na alaala ng
tubig, sa uhaw kong isip.
Ang lunggati ng
lunggati,
Ang samyo ng
siphayo.
Siya na Hininga ng
bukangliwayway,
Alaala ng
kasaganahan ng ginapas na palay.
Usok ng piging ng
alaalang 'di magmaliw.
Siya ang lahat ng
kailanman,
Na hindi kailanman
magiging ngayon.
At nauunawaan ko ang
mga tala,
Sa kanilang
kalungkutan.
II
Kumusta na si
Chairman Gonzalo at Commander Zero?
Nagising na ba sila
sa pagkakahimbing sa hardin?
Tagay para kay Amado
Guerrero!
Tagay para kay
Armando Liwanag!
Pero huwag
kalilimutan-
Isang marangyang
tagay para kay Dagohoy,
At sa isangdaan taon
niyang pag-aaklas!
Naalala ko si
Hikmet, Neruda, at Uncle Ho-
Isang marangyang
piging sila ng pag-aalay sa sarili.
Sinta,
Hayaan akong
magtampisaw sa Ilog Lena
At tumula nang may
asupre sa bibig,
Asero sa dibdib,
At may pagpaslang sa
panaginip.
Pagdaka'y babagtasin
ang daan papuntang Yenan,
Inaawit ang iyong
pangalan na tila hibang.
Naaalala ang mga
baywang na iyan,
Ang mga baywang,
Na hinahaplos sa
bukangliwayway.
III
Pagkatapos ng
Rebolusyon,
Sa panahon ng
Rekonstruksiyon,
Nariyan ka pa kaya?
Maaalala mo pa kaya
tayong dalawa?
Mga manlalakbay ng
malay,
Mga pangahas ng
bukas?
-- George Tumaob
Calaor
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-86520342708607144662015-02-03T17:19:00.001+08:002020-07-05T12:28:32.463+08:00Uri ng Mga Adobo sa Filipinas
Adobo ang isa sa mga pinakapaboritong ulam ng mga Filipino. Ayon sa ilang pananaliksik, ang adobo ay mula sa salitang Kastilang "adobar," na ang ibig sabihin sa Ingles ay "to marinade."
Subalit bago pa man sakupin ng mga Kastila ang Filipinas, nag-aadobo na ang mga Filipino. Dahil lubhang mainit sa bansa at madaling mapanis o mabulok ang mga di-lutong pagkain, natutunan ng mga katutubo na ibabad sa suka at asin ang kanilang pagkain at pagkatapos ay pakukuluan hanggang maluto. Napakatagal ng shelf-life ng mga pagkaing dumaan sa ganitong paraan ng pagluluto.
Ngayon nga ay bantog pa rin ang adobo sa Filipinas at halos bawat rehiyon ay may kani-kaniyang bersiyon nito. Sa kabutihang palad, natikman ko na halos lahat ng iba't-ibang uri ng adobo sa Filipinas at natutunan na rin kung paano ito lutuin.
Adobong Manok / Adobong Baboy / Adobong manok at baboy - Bersiyong Tagalog
Manok o baboy ang karaniwang pangunahing sangkap ng adobo. Minsa'y pinaghahalo ang dalawa para maging "chicken-pork" adobo. Pero para sa akin, adobong manok na yata ang pinakamasarap na pagkain.
Adobong manok. Larawan mula sa Wikimedia.org
Tinawag kong adobong Tagalog ito sapagkat natutunan ko itong lutuin sa Bulakan, salamat sa aking Mommy. Madali lang ang paghahanda at pagluluto nito:
Magpitpit ng maraming bawang. Gisahin at ihalo ang manok o baboy sa kawali. Buhusan ng suka at toyo. Budburan ng pamintang durog. Lagyan ng katiting na bayleaf. Pakuluan o sangkutsahin.
Sa unang kulo, kunin ang sabaw at itabi muna. Lakasan ang apoy ng kalan upang maprito ang manok o baboy sa sariling mantika. Hintayin na maging golden brown at saka ihalong muli ang sabaw. Patuyin hanggang magsarsa na medyo mamantika-mantika.
At kumain ng masarap!
Adobong Visayas
Una kong natikman sa Iloilo ang Adobong Visayas. Tinuruan ako ng aking kaibigan sa pagluluto nito.
Adobong Visayas. Larawan mula sa Wikimedia.Org.
Tinatawag din minsan itong sinangkutsang adobo. Manok o baboy din ang pangunahing sangkap. Mas madali itong lutuin.
Ilagay ang manok o baboy sa kaldero. Buhusan ng suka, toyo, at kaunting tubig. Budburan ng durog na paminta, lagyan ng ilang piraso ng buong paminta at maliit na putol ng laurel. Lagyan ng asukal na pula. Pakuluan.
Habang nagpapakulo, kumuha ng kaunting atsuwete at ibabad sa mainit na tubig. Pigapigain ang atsuwete hanggang magkakulay ang tubig.
Kapag malapit nang maluto ang adobo, ibuhos ang kinulayang tubig mula sa atsuwete. Huwag hayaang matuyo. At kumain ulit ng masarap!
Humba: Ang Adobo ng Mindanao
Una kong natikman ang Humba sa Cagayan De Oro City. Malupit ang adobong ito; sa kapal at linamnam ng taba ay talagang maglalaway ka.
Baboy na may makapal na taba ang pinakamainam na sangkap sa Humba. Masarap ding gamitin ang pata ng baboy. Maaari din itong lutuin sa pressure cooker upang maging malambot ang laman at kapag kinai'y unti-unting matutunaw sa iyong bibig ang taba.
Humba ng Mindanao. Larawan mula sa http://jeansrecipes.com
Paano ito lutuin? Ilagay sa kaldero ang baboy. Buhusan ng toyo, suka, at kaunting tubig. Budburan ng asukal at kaunting paminta. Lagyan ng maraming bawang. Ihalo ang laurel o anise. Haluan ng itim na beans. Pakuluan ng matagal hanggang maluto. Huwag hayaang matuyuan; mas mainam kung masarsa ang Humba.
Ihanda at kumain ng masarap… ulit-ulitin ang pagkain!
Mga Kakaibang Luto ng Adobo
Sa mga paggagala ko sa iba't-bang lugar sa Filipinas, marami na akong nakita at natikmang mga kakaibang uri ng adobo.
Halimbawa, sa Tarlac ay natikman ko ang adobong Camaro, na isang uri ng kuliglig o cricket.
Sa Bicol ay may adobo sa gata; napakaanghang nito. Puting adobo naman ang natikman ko sa isang karinderya sa Masbate.
Samu't-saring adobong gulay naman ang naipatikim sa akin ng mga nakadaupang palad ko sa Capiz, Antique, at Timog Iloilo. Minsan nga ay nakakain pa ako ng adobong tengang-daga (black mushroom) at isang exotic na ibon na inadobo.
Mukhang napahaba ang blog post na ito. Marahil sa susunod ay iisa-isahin ko ang mga kakaibang lutong adobo, kabilang na ang niluto ng aking bunsong anak: Adobong Dulog (Salagubang), nakupo!
Dagdag kaalaman: kung nagnanais matutunan kung paano intindihin ang Nutrition Facts Label, maaaring pag-aralan ang artikulong "Facts on Nutrition Labels - INFOGRAPHIC." Sundan lamang ang link na iyan. Salamat.
Unknownnoreply@blogger.com0Philippines12.879721 121.774017-43.978422344828346 51.461517000000029 69.737864344828353 -167.91348300000004tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-3377567151274636152015-01-15T02:41:00.001+08:002015-01-15T09:08:13.215+08:00AlaalaMaraming mga pangyayari ang hindi ko na maalaala. Mga pangyayari na parang panaginip na lamang, minsan nga ay halos hindi ko na matandaan maski kaunting detalye. Parang nabubura ito sa memorya.
Gayundin naman sa mga bagay. Hindi ko na matandaan ang mga naging libro ko, ano ang kulay ng bag ko noong kolehiyo, ano ba ang gamit kong pang-araw-araw noon. Nawala na lahat ang mga iyon sa memorya.
At ito rin ang sitwasyon sa mga taong nakasalamuha ko. maaaring natatandaan ko ang hitsura ng mga nakadaupang palad ko noon. Alam ko pa minsan ang kanilang mga pangalan. Pero ang mga bagay at mga pagkakataong pinagsaluhan ay mistulang nagiging malayong panaginip na lang. Malabo na ika nga.
Bakit ko nga ba naisusulat ito ngayon? Marahil ay nangungulila lamang ako sa aking ina. Dalawang taon na ang nakalipas nang lisanin na niya ang daigdig.
Sariwa pa naman ang alaala niya. At sino ba namang nilalang ang makakalimot sa kaniyang magulang. Subalit may mga pagkakataong nagiging mistulang malabong panaginip na lamang ang mga bagay at pagkakataong pinagsaluhan namin.
Katunayan, wala na sa aking gunita ang mga panahong pinagsaluhan namin noong ako'y bata pa. Paano ba niya ako binibihisan? Paano ba niya hinahanda ang gamit ko sa eskuwela? Hindi ko na matandaan ang mga ito.
Naaalala ko naman ang mga panahon ng pagbabakasyon ko sa Mindoro. Naroon kasi ang hanapbuhay ng aking mga magulang. May dalawang pagkakataon lang yata akong nakapagbakasyon noon sa kanila.
Ang hinding-hindi ko nalilimutan ay kung gaano kasarap ang mga lutong bahay na inihahanda ni Mommy. Paksiw na bangus, halabos na tilapiya, sinigang na hipon o sugpo, adobong talaba, menudo, at kung anu-ano pa.
Basta yata sa pagkain ay mahirap talagang malimutan ang ating mga ina. Talaga namang maingat niyang inihahanda ang bawat pagkaing pagsasaluhan namin. Kahit na iniihit na siya ng ubo sa pag-ihip sa de-kahoy na lutuan, ay di niya iyon alintana. Nakikita ko na nahihirapan siyang huminga minsan dahil sa kaniyang hika. Pero hindi iyon sagabal basta inihahanda niya ang ihahain sa amin.
Subalit parang isang gasgas na silent movie na lamang ang aking mga alaala. Malabo na sa gunita ang mga kakaiba at nakahahalinang amoy ng kaniyang niluluto. Hindi ko na nga rin maalala kung ano ang mga pinag-usapan namin habang tumutulong ako sa kaniya sa kusina. Silent movie na nga lang.
Ang pangamba ko, baka sa paglipas ng panahon; matapos ang marami pang taon, baka pati ang mala-silent movie na memorya ko ay lalo pang kumupas. Ayaw ko itong mangyari. Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-90217417718523743712015-01-14T16:55:00.001+08:002020-07-05T12:43:56.715+08:00Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon
Introduksiyon
UPDATE: Ang librong Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon ay maaari nang
mabili sa lokal na online shop ng JMP Creative Media. Sundan lamang ang
link na ito: BUY NOW: MGA KUWENTONG BAYAN NG BUKIDNON.
Ang pagbabasa ng mga katutubong kuwentong bayan ang isa sa pinakamabisang paraan upang maunawaan ang kultura ng isang bansa. Ayon kay William Bascom, isang kilalang Amerikanong kuwentista at antropolohista, ang mga kuwentong bayan ay salamin ng mga katutubong kaugalian, tradisyon, ritwal, at kultura. Nilalaman ng mga katutubong kuwento ang buod ng pagkatao ng isang partikular na grupo sa lipunan.
Ang paglalathala ng e-Book na ito ay isang pagtatangka na maibahagi sa buong daigdig ang ilang piling kuwentong bayan ng tribung Bukidnon sa Hilagang Mindanao, sa wikang madaling maintindihan ng kabataang Filipino. Sa gayon, magiging mas nakaaaliw ang kanilang pagbabasa.
Marami na ang nalimbag na mga kuwentong bayan ng tribung Bukidnon. Subalit kadalasan, ang mga kuwento ay nakasulat sa wikang English. Tampok sa mga aklat na ito ang kalipunang binuo ni Mable Cook Cole, ang Philippine Folk Tales, na nalathala sa Chicago, USA noong taong 1916.
Limang kuwento sa e-Book na ito ay nagmula sa aklat ni Cole at isinalin sa wikang Filipino upang mapakinabangan at mapag-aralan ng mga kabataang Filipino.
Isa pang mahalagang koleksiyon ng mga popular na kuwentong bayan sa Filipinas ay binuo naman ni Dean S. Fansler. Ang libro ni Fansler ay pinamagatang Filipino Popular Tales na inilathala ng American Folk-Lore Society sa New York, USA noong taong 1921.
Nasusulat rin sa wikang English ang kuwentong bayan ng tribung Bukidnon hinggil sa paglikha ng daigdig. Ang kuwentong How the World Begun - A Popular Bukidnon Folktale Retold, ay kasama sa aklat na Philippine Literature nina Lourdes M. Ribo at Linda D. Reyes.
Natatangi naman ang manuskrito ni Michelle V. Datuin ng Mindanao State University - Iligan Institute of Technology (MSU-IIT). Ang likha ni Datuin ay pinamagatang Pagsasalin sa Filipino ng mga Piling Kwentong Bayan ng Tribung Bukidnon para Instruksyunal Materyal. Matatagpuan ang koleksiyong ito sa School of Graduate Studies ng MSU-IIT.
Tanging ang manuskrito lamang ni Datuin ang nagtangkang maglahad ng mga kuwentong bayan ng tribung Bukidnon sa wikang Filipino.
Kamakailan lamang ay nilathala ng Kitanglad Integrated NGOs ang serye ng mga Komiks na naglalaman ng mga katutubong tradisyon ng tribung Bukidnon. Inilunsad sa publiko ang serye ng mga Komiks noong Mayo 2013. Binubuo ang serye ng apat na bolyum: 1) Bukidnon tale of creation; 2) Traditional Marriage practices of the Bukidnon Tribe in Mt. Kitanglad; 3) Maternal and Child Care; 4) Responsible Parenthood.
Ang mga Komiks na nabanggit ay nakasulat sa wikang Binukid, ang katutubong wika ng tribung Bukidnon, at mayroong katumbas na salin sa wikang English.
English pa rin ang wikang ginamit sa pagsasalin. Wala namang masama kung pangunahing nasa wikang English ang pagsasalin ng mga katutubong kuwento at tradisyon ng tribung Bukidnon. Subalit magiging mas mayaman ang kultura ng Filipinas kung ang mga katutubong kuwento ay maisasalin sa wikang Filipino. Dagdag pa, mas madaling maiintindihan ng mga mamamayan kung ang mga kuwentong bayan ay nakasulat sa sariling wika.
Ang mga ito ang pangunahing dahilan sa pagbuo ng e-Book na inyong binabasa ngayon.
Ang Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon ay isang independiyenteng pagtatangka na mailarawan ng malinaw ang mga tradisyunal na kuwento ng tribung Bukidnon sa wikang Filipino.
Ang e-Book ay binubuo ng anim na kuwento:
Paano Nilikha ang Daigdig
Paano Nagkaroon ng Buwan at mga Bituin
Ang Malaking Baha
Paano Naging Unggoy ang mga Batang Paslit
Si Magbangal
Si Bulanawan at Si Aguio
Ang unang kuwento, Paano Nilikha ang Daigdig, ay ibinatay sa bersiyong English na How the World Begun, nina Ribo at Reyes sa aklat na Philippine Literature. Ang limang kuwentong bayan sa kalipunang ito ay hinalaw naman sa bersiyong English ni Mable Cook Cole sa aklat na Philippine Folk Tales.
Hindi na isinama sa e-Book na ito ang mga bersiyong nakasulat sa English. Layon lamang ng e-Book na makapagbigay aliw sa mga mambabasa. Sa pagsasalin sa wikang Filipino, umaasa rin ang tagasalin na makatutulong ang edisyong ito na mabalikang muli ng mga kabataang Filipino ang mga sinaunang kuwento ng katutubong tribo ng Bukidnon.
Jay M. Pascual
UPDATE: Ang librong Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon ay maaari nang mabili sa lokal na online shop ng JMP Creative Media. Sundan lamang ang link na ito: BUY NOW: MGA KUWENTONG BAYAN NG BUKIDNON.
Unknownnoreply@blogger.com0Philippines12.879721 121.774017-43.177398944889134 51.461517 68.936840944889127 -167.91348299999999tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-15324133572886744632015-01-05T23:58:00.001+08:002015-01-05T23:58:27.069+08:00Ang Kuwentuhang Praybeyt Benjamin-Pnoy, at Kung Bakit Dapat 'Aliwin' ang Masa
Nitong nagdaang araw ay kinapanayam ni Vice Ganda si Pangulong Aquino. Nakaakit ng kapwa papuri at batikos ang panayam na ito. Sa katunayan, naging tampulan nga ito ng usapan sa Facebook at Twitter.
Para sa mga hindi pamilyar sa showbiz ng Filipinas, si Vice Ganda ay isang sikat na komedyante, TV host, at artista. Laksang milyon ang mga tagahanga niya na karamiha'y karaniwang Filipino na kabilang sa masa ng mamamayan.
Bagama't hindi ko napanood ang buong panayam ni Vice sa pangulo, nakita ko naman ang ilang piling clips na ipinalabas sa panggabing balita.
Tunay ngang nakaaaliw ang panayam. Nakakatawa ito, magaan ang usapan, at tila baga ipinapakita ang 'karaniwang mukha' ng pangulo ng Filipinas - nakikipagbiruan, tumatawa, kumakanta, at nakikisabay sa pabirong pambabara.
Sa punto de vista ng PR at pang-masang pakikipagkomunikasyon, isang tagumpay ang panayam na ito. Mahusay ang pagpapakete at nahawakang mabuti ang pakay na ipakita sa madla ang kagaanang loob ng pangulo ng Filipinas.
May mangilan-ngilan akong taong nakausap na nakapanood ng panayam ni Vice Ganda kay Pnoy. Halos lahat sila ay naaliw. Natutuwa silang makita ang 'mukhang nakangiti' ni Pinoy. Sa ganitong reaksiyon pa lamang ay masasabing nagkamit na ng malaking 'poging-puntos' ang pangulo. Tagumpay rin ito ng mga namamahala sa PR ni Aquino.
Subalit bakit nga ba talaga ginawa ang panayam na ito ni Vice kay Aquino? Simple lang naman ang sagot dito: Upang aliwin ang masa ng mamamayang Filipino.
Ang taktika ng pang-aaliw sa mamamayan ay singtanda na ng kasaysayan ng sangkatauhan.
Noong panahon ng kasibulan ng Emperyong Romano, madalas nagdadaos ng pampublikong pagtatanghal ang Emperador ng Roma sa Koloseyum. Umaangkat pa ang mga Romano ng alipin upang ipakin sa mga mababangis na hayop.
Ang mga sinaunang Romano rin ang nagpasimuno sa pagtatanghal ng mga labanan upang gawing aliwan. Noon ay nagtatagisan ng lakas hanggang kamatayan ang mga gladiator.
Tuwang-tuwa naman ang mga mamamayan ng Emperyo sa ganitong mga palabas. Naaaliw sila at puspos na nagpapasalamat pa sa kanilang Emperador.
Noon namang panahon ng Middle Ages ay may mga pa-torneo ang iba't-ibang kaharian na pinagbibidahan ng mga de-kabayong Knights.
Sa modernong praktika ng pang-aaliw sa mamamayan, tumampok na ang paggamit ng mass media. Itinatanghal na sa mga sinehan at telebisyon ang mga nakaaaliw na palabas. May mga boksing, MMA, wrestling, basketbol, at iba't-ibang uri ng timpalak palakasan.
Aliw na aliw ang mga tao sa mga palabas na ito.
Sa Estados Unidos halimbawa, makailang beses naging bisita si Pangulong Barack Obama sa mga panggabing palabas na komedi. Kinakapanayam siya ng mga komedyanteng komentarista.
Aliw na aliw din ang mga Amerikano sa ganitong palabas.
At heto nga si Vice Ganda, isang komedyante, isang artistang kilala bilang Praybeyt Benjamin, nagpapatawa, nang-aaliw. Kinapanayam niya si Aquino sa isang pag-uusap na mistulang simpleng huntahan lamang o kuwentuhan ng dalawang magkaibigan.
Patok na patok at bentang benta ang palabas na ito sa mamamayan. Naaliw at tumawa ang masang Filipino.
At bakit nga ba kailangang aliwin ang masa ng mamamayan? Bakit kailangan silang patawanin? Lantad na lantad ang dahilan: Pagtakpan ang kabulukan ng pamamahala.
Minsan nang sinabi ni Karl Marx na 'ang simbahan ay nagsisilbing opyo ng masang manggagawa.' Ngayong panahon, kung hihiramin ang kaisipang ito ni Marx, maaaring sabihin na ginagamit na opyo para sa mamamayang Filipino ang kuwentuhang Vice Ganda-Pnoy.
Tinuturukan ng nakaaaliw na palabas ang kamalayan ng mamamayang Filipino upang malimutan nila na ang kanilang pangulo ang naglulublob sa Filipinas sa putik ng kabulukan ng pamamahala.
Pinatawa tayo ni Vice Ganda at Pangulong Aquino upang malimutan ang nagpapatuloy na paglala ng kawalang hanapbuhay sa Filipinas. Upang malimutan na barya-barya pa rin ang sahod ng manggagawa. Upang malimutan na tumaas na pala ang pamasahe sa MRT at LRT. Upang malimutan ang kriminal na kapabayaan ng gobyerno ni Aquino sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Sa kabuuan, ang taktika ng pang-aaliw ay taktika ng panunupil sa mamamayan. Isa itong marahas na taktika na binalutan ng minatamis na suman na may halo pang ube at leche flan.
Ang taktika ng pang-aaliw, ang nakakatawang panayam ni Vice kay Pnoy ay pormalinang nagnanais sumagka sa galit ng mamayan.
Hindi ito nakakatawa. Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-17232692251769648932014-06-18T22:14:00.001+08:002014-06-18T22:14:47.655+08:00Enero Tres
ang iyong mga kaway
ang indayog ng iyong munting kamay
ay tagpas ng tabak sa aking dibdib
papaalis ka na
papaalis ka nang muli
tungo sa dalampasigan ng iyong kamusmusan
ang iyong ngiting
sintamis ng umaga
ay punglo sa aking dibdib
ang iyong mga kaway
ang iyong mga ngiti
ay kumikitil
sa puso kong
namimighati
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-30494477432546342772014-06-02T20:25:00.000+08:002014-06-02T20:25:18.621+08:00Financial Planning Mo'ng Mukha MoSiyam sa bawat sampung Filipino ay palaging kapos sa pera. Dahil umano ito sa kahinaan ng nakararaming Pinoy na mag-plano ng pinansiya. Financial planning, ika nga; o di kaya'y budget management.
Ito ang headline sa diyaryo na nabasa ni Ambo habang naghihintay ng masasakyan papunta sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Si Ambo ay kontraktuwal na manggagawa sa isang pabrika ng garments sa Maynila. Sumasahod siya ng 350 piso kada araw. At dahil kontraktuwal, no-work no-pay ang kaniyang sitwasyon.
Naengganyo si Ambo na basahin ang artikulong kaniyang nakita sa diyaryo. Dama niya kasi ang binabanggit sa headline -- kapos lagi ang pinansiya ng kaniyang pamilya sa bawat buwan. Kailangan pa niyang mangutang o bumale upang maitawid ang isang buong buwan.
Kaya naman masusi niyang binasa ang artikulo upang malaman ang maaaring solusyon sa kaniyang problema. Gaya nga ng nabanggit sa headline, mayor na salik daw sa pagiging kapos sa pananalapi ay ang kawalang kaalaman sa pagpaplano ng pinansiya. Gusto niyang matuto nito nang sa gayo'y maitawid man lamang niya ang isang buwan nang hindi nangungutang.
Halos buong maghapong pinag-isipan ni Ambo ang tungkol sa financial planning. Habang nagtatabas siya ng tela ay unti-unti niyang binubuo sa isip ang paghahanay ng mga gastusin ng kaniyang pamilya sa isang buwan.
At nagplano na nga si Ambo...
Pagka-uwi sa bahay ay agad na naupo si Ambo sa sala at hinarap ang pagbabadyet. Hiniram niya ang calculator ng panganay na anak at inilatag sa harapan ang malinis na papel. Habang hawak ang lapis ay nagsimulang mag-isip si Ambo. Kinagat-kagat pa niya ang maikling pambura na nakausli sa dulo ng lapis.
Inisip ni Ambo na gawin munang arawan ang pagpaplano ng kanilang pinansya. At heto na nga:
1. Sahod sa isang araw: P350
2. Kita ni misis sa pagtitinda ng pisbol: P150
Kabuuang pumapasok na pera: P500
Ngayon, kailangan niyang kuwentahin ang gastusin sa araw-araw. Tatlo ang anak niya: dalawa ay nasa hayskul at grade 3 naman ang bunso. Kasama si misis, siya, at ang biyenang babae, anim silang lahat sa bahay.
3. Mga gastusin:
a. 1 1/2 kilong bigas - P60.00
b. Ulam - P100.00
c. baon ni Ambo Jr. - 30
d. baon ni Nene - 30
e. baon ni bunso - 15
f. baon ko - 75
(note: kasama na sa baon ang pamasahe, pangmeryenda/recess)
Kabuuang gastusin sa araw-araw: P310.00
Ayos! 500 minus 310 ay ekwals 190. May siyento-nubenta pang natira. Kung itatayms ito sa dalawampung araw na may suweldo at kita ay P3,800.
Pero naisip ni Ambo na may kulang pa sa kalkulasyon niya. Paano ang buwanang bayad sa kuryente? 600 ang bill sa karaniwan. Kung aawasin ito sa 3,800 ay matitirhan siya ng 3,200.
At nga pala, kailangan pang magbayad kay Ka Bising para sa upa sa bahay. 2,000 iyon. 3,200 - 2,000 = 1,200 na lang.
Teka nga pala ulit. Naisip bigla ni Ambo ang pambili ng groseri? Babaho ang pamilya niya kung walang sabon panligo, shampoo'ng mumurahin, sabon panlaba... ay naku ang bayad nga pala sa tubig, 200 piso din iyon!
May 1,000 pa para sa groseri. Mga sabon, asukal, kape, gatas ni bunso, napkin ni misis at ni Nene, pildoras pa pala, gamot sa hayblad ni nanay. Paano nga rin pala ang pambili ng mga gamit sa eskwela: papel, project, art paper, at kung anu-ano pang hinihingi sa eskwelahan.
Kasya na kaya ang isang libo para sa lahat ng nailista niya?
Magdamag na binalibaligtad ni Ambo ang listahan. Sinuring mabuti. Kinuwenta muli. Kapos talaga. Binaklas niya muli ang listahan ng gastusin. Pinag-isipan ni Ambo kung ano ang aalisin.
Huwag na lang kayang magkape? Huwag na ring mag-gatas ang mga bata. Mag-ayuno na lang kaya siya sa seks para di na bibili ng pildoras si misis. Naku mas delikado yun, baka madisgrasya pa at madagdagan ang anak niya.
Huwag na lang kayang painumin ng gamot si biyenan, tutal lagi namang hayblad yun? Napailing si Ambo, naaawa naman siya sa kalagayan ng ina ng asawa.
Bawasan kaya niya ang baon araw-araw? Pero halos pamasahe na lang talaga naman ang baon niya.
Dalawang beses na lang kaya sila kakain sa isang araw? At bawasan ang kanin para isang kilo na lang? O di kaya'y tuyo't dilis na lang araw-araw ang ulam at manghingi na lang ng dahon ng malunggay sa eskwelahan.
Napagod na si Ambo kaiisip at kakukuwenta. Tumitilaok na ang mga tandang ng kapitbahay niya.
Nahiga na si Ambo, nanlulumo. Wala talaga yata siyang abilidad sa financial planning. Simple lang naman daw pero bakit hindi pa niya mapagkasya ang pera.
Natulog na si Ambo subalit hanggang panaginip ay financial planning pa rin ang bida. Dinalaw siya ng yumaong tatay niya, sumalangit nawa.
Nagtaka si Ambo kung bakit parang galit ang tatay niya kaya tinanong niya ang matanda. Sinagot naman siya ng kaniyang tatay:
"Hindot ka Ambo! Sa tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa kutso-kutsong alamat ng mga kapitalista. Kapos ka sa pera, ikaw ang sinisisi dahil hindi ka marunong magplano ng pinansiya?"
"Financial Planning mo'ng mukha mo! Ang kailangan ng tulad mong manggagawa ay mataas na sahod at regular na trabaho. Hangga't binabarat ka ng kapitalista mo, kahit anong badyet ang gawin mo, nga-nga ka pa rin!"
Hindik na nagising si Ambo, hindi siya makahinga.
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-13025079339287861712014-01-15T13:00:00.000+08:002014-01-15T13:28:14.377+08:00Kamatayan, Paglalakbay, at PaglayaSa unang taong anibersaryo ng pagyao ng aking ina, muli kong ilalathala ang artikulong ito bilang pag-alaala sa kaniya:
Kamatayan, Paglalakbay, at Paglaya
Sa panahon ng pagdadalamhati, naging kaulayaw ko na ang mga piling sanaysay at tula ng aking mga paboritong manunulat. Tila baga pampamanhid ng kirot ang kanilang mga berso. Ang mga pangungusap at talata ay mistulang pampa-ampat ng nagdurugong damdamin.
Mabisang lunas sa kalungkutan ang pinagdugtong-dugtong na titik. Naipaliliwanag nila ang dahilan ng mga bagay. Nabubuksan ng mga pangungusap ang pag-unawa sa mga pangyayaring mahirap matanto, at mahirap tanggapin.
Katulad sa usapin ng kamatayan. Sino ba sa atin ang hindi nagdadalamhati kapag ang isang mahal sa buhay ay pumanaw? Likas sa tao ang mag-asam na makapiling nang habambuhay ang mga pinakamamahal.
Subalit walang nilalang ang maaaring mabuhay magpakailanman. Ito ang isa sa mga pinakamsaklap na katotohanan ng buhay. Ang lahat ay matatapos; ang lahat ay mapupugto. Sinuman sa atin ay hindi ligtas sa batas ng kalikasan.
Ngayon nga ay pumanaw na ang aking ina, halos mahigit isang taon at kalahati matapos lumisan ang aking ama. Sa iskema ng mga bagay-bagay, halos magkasabay silang lumisan. Naulila nila ang pitong magkakapatid at sampung apo.
Natural na makaramdam ng pighati ang isang anak na hindi nagkaroon ng pagkakataong masilayan ang huling sandali ng mga magulang. Isa ba itong ganti ng langit sa matabil at lagalag na anak?
Sa mga panahong katulad ngayon; sa gitna ng dalamhati, kasakit, at pighati, lagi at lagi kong naitatanong sa sarili kung ano ba talaga ang saysay ng kamatayan. Kung bakit may pumapanaw na tahimik at matiwsay? Bakit may pumapanaw na naghihirap? At bakit may pumapanaw nang marahas?
Sa ganang akin, anuman ang uri ng paglisan ng isang tao sa daigdig, iisa lamang ang kahulugan nito. Ang kamatayan ay paglaya. Paglaya mula sa kahirapan, paglaya mula sa sakit, sa dalamhati, sa suliranin, at sa mga pasaning krus na ipinataw ng daigdig ng mga tao.
Ang kamatayan ay hindi dapat pagluluksa. Totoo, tayo ay mangungulila sapagkat hindi na natin makakapiling ang pumanaw na mahal sa buhay. Subalit hindi tayo dapat malungkot dahil sa huling pagsusuri, ang taong namamatay ay lumalaya sa mga suliraning kakaharapin pa ng mga nabubuhay.
Sa panahon ng kamatayan, tunay na lalaya ang isang nilalang mula sa pagkakapiit sa katawang lupa. Napakamakabuluhan ang mga iniwang salita ni Khalil Gibran ukol dito. Sa kaniyang tulang The Prophet, inarok ni Gibran ang tunay na kahulugan ng kamatayan at ang saysay nito sa bawat nilalang:
"For what is it to die but to stand naked in the wind and to melt into the sun?
And what is to cease breathing, but to free the breath from its restless tides, that it may rise and expand and seek God unencumbered?
Only when you drink form the river of silence shall you indeed sing.
And when you have reached the mountain top, then you shall begin to climb.
And when the earth shall claim your limbs, then shall you truly dance." (The Prophet, K. Gibran)
Makapagsisimula lamang tayong pumaimbulog patungo sa buhay na walang hanggan matapos mapugto ang buhay ng ating katawang lupa. Masisimulan lamang ang tunay na paglalakbay matapos nating marating ang rurok ng buhay. Ito ang tunay na paglaya. Ito ang tunay na paglalakbay.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-52907494762402663012013-09-09T16:17:00.000+08:002013-09-09T16:18:56.655+08:00Hindi Lang Islogan ang Burukrata Kapitalismo
Kung ikaw ay dating aktibista, o kaya'y nakaranas lumahok sa mga protesta sa lansangan, o nakisali sa mga ED (educational discussion) kasama ang mga aktibista, maaaring narinig mo na ang salitang Burukrata Kapitalismo.
Ayon sa librong Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guerrero, ang Burukrata Kapitalismo ang isa sa batayang suliranin ng lipunang Filipino. Isa ito sa mga ugat na problemang nagpapahirap sa Filipinas.
Marami akong kakilala -- mga kamag-anak, mga kaibigan, kababata, mga dating kasamahan sa unibersidad -- na napapangiwi kung mababanggit ang katagang Burukrata Kapitalismo. Anila, laos na ang konseptong ito at hindi na dapat ginagamit na islogan.
Sa kainitan ng mga diskusyon at link posting ukol sa isyu ng pork barrel scam, may nabasa akong isang komento na animo'y nangungutya pa. Sabi ng nag-komento, ang iskandalo hinggil sa pangungulimbat ng mga mambabatas sa pondo ng gobyerno ang dapat gawing susing isyu na makapagpapakilos sa maraming Filipino. Dinugtungan niya pa ang komento na: "hindi na dapat 'ismo-ismo' ang isinisigaw ngayon," wala naman daw katuturan ang mga iyon at laos na.
Hindi ko alam kung tanga lang talaga ang taong nagkomentong iyon o malisyoso lang siya at nais lamang tudyuhin at kutyain ang kilusang Pambansa Demokratiko. Sa palagay ko ay pareho. Tanga siya sa tunay na kalagayang pampolitika ng bansa at malisyoso rin na nagnanais lamang mangutya ng mga aktibista.
Ang konseptong Burukrata Kapitalismo ay hindi lamang simpleng islogan na maaaring patok sa isang takdang panahon at nalalaos kapag lumaon. Ang ideyang ito ay pinatining sa pamamagitan ng praktikal na pagsusuri at pagsisiyasat sa mga kongkretong kalagayan ng lipunang Filipino, lalo na sa larangan ng politika, burukrasya, at pamamahala.
Kung hihimayin, mayroong dalawang pangunahing pampolitikang konsepto ang sistemang Burukrata Kapitalismo.
Una, ang konsepto ng burukrasya at mga kaakibat na burukrata. Pinatutungkulan nito ang sistema ng pamamahala sa isang modernong estado na pinangungunahan ng mga burukrata. Sila ang mga matataas na opisyal ng gobyerno -- halal man o hindi.
Ikalawa ay ang konsepto ng kapitalismo, na batid nating isang sistemang pang-ekonomiko. Sa sistemang kapitalismo, namamayani ang pag-iral ng kapital at tubo. Sa madaling salita ay pagnenegosyo at pagkamal ng ganansiyang pinansiyal.
Kapag ang interes ng mga burukrata ay nakabalangkas sa sistema ng pagnenegosyo, iiral ang sistemang Burukrata Kapitalismo -- ang pagturing sa gobyerno bilang isang malaking empresa o negosyo. Sa 'negosyong' ito, natural na ang mga burukrata ay maghahangad ng ganansyang pinansiyal.
Samakatuwid, imbes na ang burukrasya ay ituring na instrumento ng pagsisilbi sa mamamayan, itinuturing ng mga burukrata kapitalista ang gobyerno bilang instrumento na makapagbibigay sa kanila ng personal na yaman, prestihiyo, at kapangyarihan.
(Hindi pa tapos ang sanaysay na ito. Durugtungan pa sa susunod na mga araw.)
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-54930037031750807112013-09-09T13:59:00.000+08:002013-09-09T14:21:28.743+08:00Zoundry Raven 2 GoThis is a test blog post from the new Zoundry Raven 2 Go. A portable blogging client which you can carry anywhere. With this app, you will able to post to and manage your blogs from anywhere.
UPDATE:
The first post using the Zoundry Raven 2 Go published without any glitch. This time I'm try to use the built-in Ping and Tagging tools to see if they will work. This is a cool app suitable for bloggers on the go.
I have included this image to see how this blogging client handles image uploads and rendering.
UPDATE
The image upload didn't render correctly.
Technorati : blogging client
Del.icio.us : blogging client
Zooomr : blogging client
Flickr : blogging client
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-63143214034582497792013-05-22T00:39:00.000+08:002013-05-22T00:39:01.467+08:00Anatomy of Vote Buying in the PhilippinesVote buying has always been a regular feature of Philippine elections. It has been successfully used by moneyed politicians, often belonging to political dynasties, local gentry classes, and traditional clans, to entice the electorate to vote or not to vote for specific candidates.
In the recently concluded mid-term Philippine elections, quite a number of independent poll watchdogs observed that vote buying has become rampant compared to previous electoral exercises.
Some analysts pointed out that the automation of Philippine elections forced many candidates, especially at the local levels, to buy votes to ensure victory. That is because with automation, the avenues for electoral cheating became limited and more expensive. Thus, moneyed politicians were compelled to re-focus their so-called “black operations” through vote buying.
A Closer Look at Vote Buying
There are different forms of vote buying in the Philippines. This type of “transactional politics” has evolved through several decades, and entrenched political operators have “perfected” the practice. Some of the most common forms of vote buying include:
1. Actual monetary rewards – Individual voters are given cash in return for their votes. In some cases, politicians buy votes to prevent “unfriendly” voters from casting their ballots. This is done to weaken the bailiwicks of a rival candidate.
2. Providing goods and services – In many areas in the Philippines, politicians distribute grocery items, food stuff, rice, school supplies, gift cards, and other consumer goods to entice the people to vote for them. The goods are often made available during campaign sorties.
The practice of providing goods and merchandise has been deemed illegal by the Philippine Commission on Elections. To get around the law, politicians distribute coupons instead. These coupons can be redeemed by voters from a local village leader or from a known political operator.
3. The vote or “gabot” practice. Gabot is a Visayan term which means to uproot. The “vote or gabot” practice is usually employed by politicians who own large tracts of urban lands where informal settlers can be found. Because these politicians own the land, they can intimidate residents to vote for them or for their chosen candidates. If the voters defy the land owner, then they will be uprooted, literally, from their places of residence after elections. Thus, the term “gabot” came about. Although this practice has elements of intimidation and coercion, it can still be considered a form of vote buying albeit in a more violent way.
There are still other “creative” forms of vote buying that Philippine politicians employ during election season. The most prevalent practice, however, is the distribution of cash for voters. Giving out cash is discreet, less cumbersome, and can be quickly implemented. It also provides instant gratification for the target voters. Most important of all, politicians can always deny that they provided money to buy voters because the transactions are undocumented with no paper trail.
The Process of Vote Buying in the Philippines
A successful vote buying operation is primarily dependent on the existing political organizations of politicians. Without an organization, a candidate will never be able to launch a massive vote buying operation that will have an impact during election proper.
The process of buying votes follows a four-step approach: (a) mapping; (b) preparation; (c) operation; (d) monitoring.
A. Mapping
This is the planning stage. During a mapping session, a candidate will gather his or her trusted village leaders, political operators, organizers, and influential local contacts. These personalities are usually village officials such as the barangay (village) chairman or select councilors.
The mapping stage can be considered as a strategy session. Each local leader will give a general assessment of the strength of the running candidates in his area of jurisdiction. The local leader will then provide a detailed description of each political block existing in the village. The blocks will be divided into (a) sure voters; (b) vacillating/undecided voters; (c) “enemy” voters; and (d) uncompromising/straight voters.
Note that the last category (the uncompromising voters) are usually described in these sessions as “can not be bought.” In the village level, these are the politically conscious voters block. Politicians usually have separate campaign strategies for this block. If the number of uncompromising voters is negligible, they will be ignored in the planning process.
Vote buying operations will be focused on the vacillating/undecided voter block. In any given village, this block is usually in the majority especially at the first stages of the campaign. The budget for buying votes, therefore, will be pegged on the actual number of undecided voters. The leaders will also brief the running politician on how much money would be required to sway these voters.
In the case of “enemy” voters, political operators usually employ two kinds of strategies. First, if the “enemy” is stronger that the sure voters, a vote-suppression operation will be adopted. This means that vote buying activities will focus on preventing the “enemies” from casting their ballots. This is the maximum target. The minimum target would be to allow the “enemy” voters to go to the polls but with a rider that they will not vote for the rival politician.
Another strategy to overcome “enemy” votes is to outbid the rival politician. If the other party is offering P300 per voter, the political operators will try to offer more in order to sway these so-called “enemy” voters.
For the sure voters, they are given incentives like cash, free transportation to and from the polling precincts, free lunch and snacks, and other largesse. These sure voters are cultivated by politicians and their operators.
Take note that the mapping stage is not just a single event. Several meetings will be held during the entire stretch of the election campaign season. These meetings serve as intelligence gathering sessions. Plans and projections are adjusted based on fresh data and information gathered by the local village leaders and operators.
B. Preparation
One week before election day, a politician will set-up his or her so-called “war room.” This war room will serve as the nerve center of the vote buying operation. It is a discreet place where money will be counted and prepared in time for the special operation stage. Only the most trusted individuals are allowed inside the war room.
A typical “war room” is just an ordinary room within the campaign headquarters of a politician. It is devoid of any furniture except for a table, a filing cabinet, and a couple of chairs. The stacks of cash, usually in P50 and P100 denominations, are hidden inside the war room.
There is always a guard at the door, two to three assistants, and one operator who acts as a trusted supervisor. The guard ensures that no one will stray into the secret room. The assistants are responsible for putting money and the sample ballots in the pre-marked ordinary white envelopes. The operator/supervisor ensures that everything is in order and running smoothly. He is also responsible for ensuring that no pilferage will occur.
The envelopes with money are sorted per village. They will be placed into a marked box. These pre-marked boxes are given to local village leaders who are responsible for distribution to individual voters or families. It only takes a couple of days to prepare the money needed to buy votes.
C. Operations
Special operations are conducted on the eve of election day. Local leaders usually distribute money during the night or at the wee hours of the morning. This stage is a simple distribution operation. The special operations groups are normally divided into teams in order to facilitate faster distribution. The teams are provided with transportation. Local leaders are also rewarded with extra cash as compensation for their efforts.
D. Monitoring
If there are no unforeseen events during the closing days of the campaign period, this stage will not be given much attention. However, there are times when a rival candidate will try to out-buy a contender. In this case, the local leader will alert his campaign headquarters and brief his principal about the situation on the ground. If the counter-operation of a rival candidate will affect the outcome of the elections, a second wave of vote buying operation will be set in motion. Depending on the financial capability of a candidate, another set of envelopes will be prepared. This time, the amount of money given to the voters will be greater so as to ensure electoral victory.
Such massive vote buying operations are conducted in a highly discreet manner. At the village level, however, these operations are an open-secret. People are aware that special operations are ongoing but no one has been prosecuted for this kind of illegal election activity.
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-74001130740236311022013-04-05T01:58:00.000+08:002013-04-05T09:56:03.672+08:00Mga Tradisyunal na Larong Pambata: Nasaan Na?Hindi lang pagtatmpisaw sa dagat o swimming pool ang kinasasabikan ng mga kabataan kapag tag-araw. Dahil nga summer at wala nang pasok sa eskuwelahan, inaasam-asam nila ang walang humpay na paglalaro nang halos buong araw.
Noong kabataan ko, mga dekada otsenta iyon, naaalala ko pa ang mga karaniwang larong pambata na kinatutuwaan naming magkakapatid at magpipinsan. Madalas kaming maglaro ng tumbang-preso, taguan-pong, habulan o kampo-kampo, chato, sipa, turumpo, bahay-bahayan, luksong-tinik, luksong baka, chinese garter, at kung minsa’y basketbol o sopbol.
Pansinin na halos lahat ng mga larong nabanggit ay may pagka-pisikal. Kailangan maliksi ka, mabilis tumakbo, madiskrate (o magulang din minsan), at kakailanganin mo ang sapat na lakas upang tumagal ka sa laro. Dahil kung lalampa-lampa ka, siguradong mababalagoong ka sa laban. Ikaw ang palaging magiging taya at tampulan ng pambubuska.
Ngayon ay tag-araw na naman. Bakasyon na ang mga mag-aaral. Sa panahon ng mga makabagong gadgets, kompyuter, at Internet, tila baga unti-unting nababaon sa limot ang mga tradisyunal na larong pambatang nakagisnan ng aming henerasyon.
Dito sa lugar namin ay napakaraming mga bata. Subalit hindi na tradisyunal na laro ang pinagkakaabalahan nila. Kadalasan, haharap sila sa kompyuter o laptop at maglalaro ng video games. Kapag nagsawa, bibisitahin nila ang website na YouTube at manonood ng mga kinaaaliwan nilang bidyo.
Minsa’y naghahabulan o nagtataguan din naman ang mga batang nakikita ko. Ngunit hindi sila nakatatagal sa ganitong uri ng paglalaro. Matapos siguro ang dalawa o tatlong serye ng pagtatayaan ay pagod na sila. Sasalampak na sila sa harap ng telebisyon at manonood ng cartoons sa cable channel.
Kapag nainip sa panonood at wala na silang magawa, tatakbo ang ilan sa malapit na Internet shop at doon maglalaro ng DOTA, Counter Strike, Crossfire, at iba pang mga bagong online games na kadalasa’y giyera ang tema.
Nakalulungkot isipin na sa pagyabong ng mga makabagong uri ng aliwan ay kasabay ring nababaon sa limot ang mga tradisyunal na larong pambata. Hindi ito nalalayo sa paglimot ng maraming kabataan sa mga makabuluhang gawi at kulturang pamana pa ng ating mga ninuno. Sino ba ngayon ang nanghaharana pa? Wala na marahil sapagkat isang text message lang ay makakabolahan mo na ang iyong nililigawan.
Nakalulungkot sapagkat ang mga tradisyunal na larong pambata ay may sariling kakanyahan. May halaga silang naidudulot at naituturo sa mga kabataan. Ang mga larong pambata noong araw ay nagpapalakas ng katawan. Pinauunlad nila ang lusog at liksi hindi lamang ng katawan kundi pati isipan. Bagaman may mga nagsasabi na ang mga makabagong tipo ng aliwan ay may buti ring naidudulot, malayong malayo pa rin sila sa kalidad ng tradisyunal na paglalaro.
Halimbawa sa larong sipa. Nangangailangan ang larong ito ng ekstra-ordinaryong kasanayan at husay upang ikaw ay manalo. Kailangan ng mahusay na koordinasyon ng mata, paa, at balakang upang ang pitsa ng sipa ay hindi malaglag sa lupa. Sa larong ito, halos buong katawan mo ang gumagalaw. Kailangan din ang masidhing konsentrasyon upang hindi mawaglit sa paningin mo ang pitsa. At habang sumisipa ka, kailangan mo na eksaktong matantos ang bilang ng iyong pagsipa.
Ibig sabihin, ang simpleng larong sipa ay magpapatalas ng iyong koordinasyon, talas ng isip, talim ng paningin, at liksi ng pagkilos. Pinauunlad rin nito ang resistensiya ng isang bata upang hindi siya kaagad mapagod. Mahalaga ang mga kasanayang nabanggit sa pagharap ng isang bata sa pang-araw-araw niyang buhay.
Bilis ng isip at husay sa diskarte naman ang maaaring ituro ng larong taguan-pong. Kailangang matuto ang taya na mag-isip kaparehas sa kaniyang mga kalaro upang madali niyang matanto kung saan nagtatago ang mga kalaban. Ang mga nagtatago nama’y kailangan din ng bilis ng isip at kakaibang pagdiskrate upang makakita ng wastong pagtataguan. Tandaan na sa larong ito, binibigyan lamang ng sampusng segundo ang mga kalahok upang makapagtago. Kung maiiwang nakalantad ang isang bata ay siguradong mapo-pong siya.
Estratehiya naman ang kailangan ng larong patintero. Ang mga magkakampi na lulusob sa mga linya ay kailangan ng mahigpit na pagtutulungan. Pisikal ang larong ito. Kailangan ng bilis at liksi. Subalit mas mahalaga sa patintero ang pagkatuto ng mga bata sa konsepto ng pagtutulungan ng pangkat (team work). Kung walang team work ang isang grupo ay hindi sila makalulusot sa mga nagbabantay sa linya. Dagdag pa, matututo rin ang isang bata kung paano lansihin ang kaniyang katunggali sa pamamagitan ng iba’t-ibang pagkilos ng katawan. Koordinasyon din ito ng talas ng isip at liksi ng galaw.
Purong lakas naman ang pinauunlad ng mga larong luksong-baka at habulang kampo-kampo. Samantala, ang larong tumbang preso ay humahasa sa kakayanan ng isang bata sa pag-asinta. Upang mapatumba ang lata sa gitna ng “presuhan,” kailangang matuto ang naglalaro sa wastong paraan ng pagtantiya ng distansiya. Sa pamamagitan ng larong ito, matututo ang isang bata na kalkulahin ang relasyon sa pagitan ng distansiya, anggulo ng target, at lakas ng paghagis. Pansinin na ang mga kasanayang ito ay mga prinsipyo ring ginagamit sa pag-aaral ng pisika.
Sosyolohikal naman ang leksiyon na maaaring maituro sa mga bata kung maglalaro sila ng bahay-bahayan. Sa larong ito, Umaakto ang mga kalahok bilang isang pamilya. May ama, may ina, may mga anak, at minsan ay may iba pang dagdag na tauhan kagaya ng “kumpare” ni “tatay”, ang “kumare” ni “nanay,” ang “siga sa komunidad,” ang “kura-paroko,” ang “pulis” at marami pang ibang makukulay na karakter. Sa pamamagitan ng larong bahay-bahayan natututunan ng mga bata ang mga ispisipikong tungkulin ng bawat tao sa komunidad. Pinauunlad rin ng larong ito ang kaisipang pang-sibiko. At siyempre, natututo ng tamang pakikisalimuha ang mga bata kapag umaarte na silang parang matatanda.
Hindi masama ang pagkakaroon ng makabago at modernong uri ng aliwan. Imposible kasing itatwa at ipagkait sa mga bata ang bagong teknolohiya na namamayagpag ngayon sa lipunan. Ang nakalulungkot lamang ay ang unti-unting pagbaon sa limot ng mga tradisyunal na paglalaro. Nawawala na sila sa kamalayan ng mga kabataan ngayon. Kasama na ring naibabaon sa limot ang panlipunang kahalagahan ng mga tradisyunal na porma ng pag-aaliw.
Para sa mga magulang na katulad ko, at sa mga lolo at lola na rin, mahalaga na mabigyan natin ng panahon ang mga bata at maituro sa kanila ang mayayamang pamana ng nakaraan. Makipaglaro tayo sa mga bata at ipakilala muli sa kanila ang ating mga nakagisnang laro. Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6547545030336254581.post-57457693277703050152013-02-28T00:50:00.001+08:002013-03-18T06:25:02.546+08:00Sino Nga Ba Ang Sanggano(Para sa mga biktima ng Pablo na binibiktima pa ng gobyerno)
I
Matagal na kaming nagtitimpi,
bago pa dumating si Pablo.
Matagal na kaming nangingimi,
bago pa manalakay ang delubyo.
Ang sabi niyo kami’y sanggano,
mga kawatang basag-ulo.
Ang sabi niyo kami’y nanggugulo,
sa “tuwid na daan” nitong gobyerno.
Ang sabi naman nami’y Putang Ina ‘Nyo!
Kami ang sinasanggano.
Kami ang binasagan ng ulo.
Kami ang dinudusta ng tampalasang gobyerno.
Dantaon na kaming sikil,
Daan-daan na rin ang pinatay sa amin.
Ngayon kami ay umaangil,
may gana pa kayong kami’y kutyain?
II
Kami ang mga Lumad,
na inagawan ng lupang pamana.
Unti-unti kaming kinaladkad,
sa kasuluk-sulukang gubat at tumana.
Ang lupa nami’y ninakaw,
upang konsesyon ng mina’t troso’y pagbigyan.
Itinaboy kaming parang langaw,
upang plantasyon ng saging at pinya’y payagan.
Kami ang mga magsasaka,
na dantaon na ring binusabos ng dusa.
Lupang para sa amin,
kinamkam ng mga kompanyang sakim.
Dantaon na ito, tandaan niyo.
Kayong nasa gobyerno.
Ang mga pandarambong na ito,
pawang may basbas ng mga pangulong hunyango.
Ang sabi nga ng matatanda,
salop ma’y napupuno rin.
At dahil kami’y punong-puno na,
marapat lamang na pang-aapi’y kalusin.
Ngayon, matatawag bang sanggano,
kaming pinagkaitan ng pangarap?
Masasabi bang pang-gugulo,
ang pagsungkit sa hustisyang aming hanap?Unknownnoreply@blogger.com0