[ni Jay Pascual, pagsasalin mula sa salin ng tula ni Pablo Neruda "If You Forget Me"] Nais kong matanto mo ang isang bagay. Batid mo na ito: kung aking tanawin ang maningning na buwan, sa matikas na sanga ng taglagas sa aking durungawan, at kung aking haplusin ang ningas ng apoy at dagitab ng baga sa kuluntoy na balat ng kahoy, ang lahat ay nag-aanyaya sa akin tungo sa iyo tila ba lahat ng nilalang, samyo, liwanag, asero, ay mga munting bangkang naglalayag tungo sa iyong mga pulong nakaantabay sa akin. At kung, unti-unti'y limutin mo akong mahalin, ika'y unti-unti ko ring lilimuting ibigin. Sakaling limutin mo ako huwag na akong hagapin, pagkat ika'y nalimot ko na rin. Kung sa iyong masalimuot na pag-iisip, na ang pagaspas ng hangi'y humahalik sa kaibuturan ng aking buhay, at kung maisipan mo'ng lisanin ako sa dalampasigang kinaluklukan n...
Personal na blog sa wikang Filipino. Talakayan sa kultura, politika, balita, tula, kuwento, negosyo, reklamo, at kung ano-ano pa.