Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Translation

Mga Itim na Tagapagbando

Mga Itim na Tagapagbando Kayraming kasakit ng buhay, marubdob... hindi ko batid! Mga hampas na animo’y ngitngit ng langit; kung haharapin, ay tila ragasa ng lahat ng pagdurusang bumubukal sa kaibuturan ng diwa... hindi ko batid! Sila’y katiting lamang, subalit... Binubuksan nito ang maitim na trensera nang mababangis na hulagway at pinakamatitikas na gulugod. Marahil, sila ang mga bisiro ng mga barbaro o itim na tagapagbando ni Kamatayan. Sila ang matatarik na talon sa kaluluwa ng mga kristo, na sumamba sa nilapastangang Kapalaran. Iyang mga hampas na tigmak ng dugo ay hagupit ng nagbabagang tinapay na nalulusaw sa pugon. At ang sangkatauhan... Kalunos-lunos... kaawa-awa! Ibinaling niya ang paningin, mistulang tumutugon sa isang tapik sa balikat; itinitig ang nauulol na mata, at ang buod ng kaniyang buhay ay sumilay, animo’y lawa ng kasalanan, sa kaniyang gunita. Kayraming kasakit ng buhay, marubdob... hindi ko batid! Salin ni Jay Pascual July 21, 2011 The ...

Kuyom na Kaluluwa

Kuyom na Kaluluwa Nawala na sa atin ang dapithapon Walang nakapansin sa pagniniig ng ating mga palad Habang nilulukob ng gabi ang sanlibutan. Tanaw ko mula sa bintana Ang lagablab ng takipsilim sa matatayog na kabundukan. Ang kapirasong araw Ay mistulang baryang pumapaso sa aking kamay. Naalala kita habang nagkukuyom ang kaluluwa Sa gitna ng aking lumbay na tanging ikaw ang nakababatid. Nasaan ka na nga pala? Sino-sino pa ang naroroon? Ano ang inuusal? Kung bakit rumagasa ang laksang pag-ibig sa akin Sa panahon ng kalungkutan habang dama ko ang iyong paglayo. Nahulog na ang aklat na palagiang ipinipinid sa dapithapon At tulad ng hintakot na aso, ang bughaw na balabal ay bumalumbon sa aking mga paa. Palagi, palagi kang naglalaho sa gitna ng gabi Tungo sa dapithapong bumabaklas ng bantayog. Salin ni Jay Pascual  July 2011 Clenched Soul   We have lost even this twilight. No one saw us this evening hand in hand while the blue night dropped on t...

Kung Ako'y Malimot Mo

[ni Jay Pascual, pagsasalin mula sa salin ng tula ni Pablo Neruda "If You Forget Me"] Nais kong matanto mo ang isang bagay. Batid mo na ito: kung aking tanawin ang maningning na buwan, sa matikas na sanga ng taglagas sa aking durungawan, at kung aking haplusin ang ningas ng apoy at dagitab ng baga sa kuluntoy na balat ng kahoy, ang lahat ay nag-aanyaya sa akin tungo sa iyo tila ba lahat ng nilalang, samyo, liwanag, asero, ay mga munting bangkang naglalayag tungo sa iyong mga pulong nakaantabay sa akin. At kung, unti-unti'y limutin mo akong mahalin, ika'y unti-unti ko ring lilimuting ibigin. Sakaling limutin mo ako huwag na akong hagapin, pagkat ika'y nalimot ko na rin. Kung sa iyong masalimuot na pag-iisip, na ang pagaspas ng hangi'y humahalik sa kaibuturan ng aking buhay, at kung maisipan mo'ng lisanin ako sa dalampasigang kinaluklukan n...