Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Poetry

MONUMENTO SA TAKIPSILIM

Ito ang oras ng pag-aagawan binababag ng gabi ang umaga nilalamon ng dilim ang liwanag ng araw pinapupusyaw ng sinag ng buwan ang paghihingalo ng kanluran. Ito ang oras ng pagsisiksikan ng laksang nilalang sa mga estribo ng sasakyan dahil nais nang manaig ng pamamahinga sa kanilang katawang bugbog sa maghapong pagpapagod. ito ang oras ng pagsuong sa daluyong ng balisang talampakan na nag-aapurang makauwi dahil mahapdi na ang kalyong nakipagtunggali sa de-gomang sapatos. Ito ang oras ng paglipad ng mga bituin ng gabing naninirahan sa bahay alitaptap upang makipagbuno sa libog ng mga parokyanong naghahanap ng kaligtasan sa panandaling kaligayahan. Ito ang oras ng pagtalas ng mga mata ng buwitreng nakaunipormeng asul at may bota't silbato upang may pangmeryenda sa gagawing pagpupuyat. Ito ang oras na pumapailanlang ang mga makabagong agilang dumadagit ng cellphone at bag upang may maiuwing pantawid gutom o pantawid bisyo? Ito ang kasukalan sa ganitong oras pagbaba ng telon. May tamis ...

Walang Pamagat na Tula ni George Calaor

I Siya na plauta, siya na lagi kong inibig. Siya na alaala ng tubig, sa uhaw kong isip. Ang lunggati ng lunggati, Ang samyo ng siphayo. Siya na Hininga ng bukangliwayway, Alaala ng kasaganahan ng ginapas na palay. Usok ng piging ng alaalang 'di magmaliw. Siya ang lahat ng kailanman, Na hindi kailanman magiging ngayon. At nauunawaan ko ang mga tala, Sa kanilang kalungkutan. II Kumusta na si Chairman Gonzalo at Commander Zero? Nagising na ba sila sa pagkakahimbing sa hardin? Tagay para kay Amado Guerrero! Tagay para kay Armando Liwanag! Pero huwag kalilimutan- Isang marangyang tagay para kay Dagohoy, At sa isangdaan taon niyang pag-aaklas! Naalala ko si Hikmet, Neruda, at Uncle Ho- Isang marangyang piging sila ng pag-aalay sa sarili. Sinta, Hayaan akong magtampisaw sa Ilog Lena At tumula nang may asupre sa bibig, Asero sa dibdib, At may pagpaslang sa panaginip. Pagdaka'y babagtasin ang daan papuntang Yenan, I...

Enero Tres

ang iyong mga kaway ang indayog ng iyong munting kamay ay tagpas ng tabak sa aking dibdib papaalis ka na papaalis ka nang muli tungo sa dalampasigan ng iyong kamusmusan ang iyong ngiting sintamis ng umaga ay punglo sa aking dibdib ang iyong mga kaway ang iyong mga ngiti ay kumikitil sa puso kong namimighati

Sino Nga Ba Ang Sanggano

(Para sa mga biktima ng Pablo na binibiktima pa ng gobyerno) I Matagal na kaming nagtitimpi, bago pa dumating si Pablo. Matagal na kaming nangingimi, bago pa manalakay ang delubyo. Ang sabi niyo kami’y sanggano, mga kawatang basag-ulo. Ang sabi niyo kami’y nanggugulo, sa “tuwid na daan” nitong gobyerno. Ang sabi naman nami’y Putang Ina ‘Nyo! Kami ang sinasanggano. Kami ang binasagan ng ulo. Kami ang dinudusta ng tampalasang gobyerno. Dantaon na kaming sikil, Daan-daan na rin ang pinatay sa amin. Ngayon kami ay umaangil, may gana pa kayong kami’y kutyain? II Kami ang mga Lumad, na inagawan ng lupang pamana. Unti-unti kaming kinaladkad, sa kasuluk-sulukang gubat at tumana. Ang lupa nami’y ninakaw, upang konsesyon ng mina’t troso’y pagbigyan. Itinaboy kaming parang langaw, upang plantasyon ng saging at pinya’y payagan. Kami ang mga magsasaka, na dantaon na ring binusabos ng dusa. Lupang para sa amin, kinamkam ng mga kompanyang sakim. Dantaon na ito, tandaan niyo. Kayong nasa gobyerno. An...

Uyayi ng Himagsik by George T. Calaor

UPDATE:  George T. Calaor's first book of poetry, Uyayi ng Himagsik, is now available in several formats and ebook shops.  Here are your options: 1. Print Edition at Lulu (Perfect Bound Paperback, B/W): BUY THE BOOK HERE 2. Uyayi ng Himagsik at Smashwords 3. Uyayi ng Himagsik at Barnes and Noble 4. Uyayi ng Himagsik at Sony Reader Store My friend, George, recently published his first book of poetry, Uyayi ng Himagsik .  It was a compilation of his most militant poems about the "struggle of the Filipino masses for freedom and democracy." Clearly, it was a revolutionary book.  I will write a comprehensive review on Uyayi ng Himagsik and will publish it here. (See the first chapter review, Paghehele ng Isang Makata: Pagsusuri sa Uyayi ng Himagsik )

Mga Itim na Tagapagbando

Mga Itim na Tagapagbando Kayraming kasakit ng buhay, marubdob... hindi ko batid! Mga hampas na animo’y ngitngit ng langit; kung haharapin, ay tila ragasa ng lahat ng pagdurusang bumubukal sa kaibuturan ng diwa... hindi ko batid! Sila’y katiting lamang, subalit... Binubuksan nito ang maitim na trensera nang mababangis na hulagway at pinakamatitikas na gulugod. Marahil, sila ang mga bisiro ng mga barbaro o itim na tagapagbando ni Kamatayan. Sila ang matatarik na talon sa kaluluwa ng mga kristo, na sumamba sa nilapastangang Kapalaran. Iyang mga hampas na tigmak ng dugo ay hagupit ng nagbabagang tinapay na nalulusaw sa pugon. At ang sangkatauhan... Kalunos-lunos... kaawa-awa! Ibinaling niya ang paningin, mistulang tumutugon sa isang tapik sa balikat; itinitig ang nauulol na mata, at ang buod ng kaniyang buhay ay sumilay, animo’y lawa ng kasalanan, sa kaniyang gunita. Kayraming kasakit ng buhay, marubdob... hindi ko batid! Salin ni Jay Pascual July 21, 2011 The ...

Kuyom na Kaluluwa

Kuyom na Kaluluwa Nawala na sa atin ang dapithapon Walang nakapansin sa pagniniig ng ating mga palad Habang nilulukob ng gabi ang sanlibutan. Tanaw ko mula sa bintana Ang lagablab ng takipsilim sa matatayog na kabundukan. Ang kapirasong araw Ay mistulang baryang pumapaso sa aking kamay. Naalala kita habang nagkukuyom ang kaluluwa Sa gitna ng aking lumbay na tanging ikaw ang nakababatid. Nasaan ka na nga pala? Sino-sino pa ang naroroon? Ano ang inuusal? Kung bakit rumagasa ang laksang pag-ibig sa akin Sa panahon ng kalungkutan habang dama ko ang iyong paglayo. Nahulog na ang aklat na palagiang ipinipinid sa dapithapon At tulad ng hintakot na aso, ang bughaw na balabal ay bumalumbon sa aking mga paa. Palagi, palagi kang naglalaho sa gitna ng gabi Tungo sa dapithapong bumabaklas ng bantayog. Salin ni Jay Pascual  July 2011 Clenched Soul   We have lost even this twilight. No one saw us this evening hand in hand while the blue night dropped on t...

Untitled I

It's not about knowing you when we were there, wandering, in gardens of youthful freedom. What matters is that I've known you, as you are. It's not about seeing you transformed in full splendor palpably radiant and  blinding mortal  eyes. What matters is that I’ve seen you, as you are. It’s not about hearing you, angelic rhythm of imagined voices  wallowing in bitter-sweet laughter. What matters is that I’ve heard you, as you are. It is not about touching you in the deepest  recesses of your uncharted nakedness, utterly lost  in the celebration  of your beauty and passion. What matters most is that I’ve touched you, as you are. It is not about feeling your stormy thoughts and calm contemplations though these are far constellations reached only by stellar signals. What matters most is that I’ve felt you, as you are. ‘Tis not about loving you, sweet rose-p...

Ordinary

Dangan at usong-usong pag-usapan ngayon ang tungkol sa bus sa Maynila, minabuti kong halukayin ang aking baul. Naalaala ko kasi, mayroon akong isang tula dati tungkol sa bus.  Nang ako'y nagta-trabaho noon sa Maynila, madalas akong sumakay sa mga bus sa Edsa. Ayaw ko sa MRT, siksikan. Minsan ay mamalasin ka pang makadikit ang isang may malakas-lakas na power. Kaya bus na lang ako. Subalit hindi aircon na bus ang aking sinasakyan noon, gaya ng bus na nakita ng buong mundo na nagkalasog-lasog dahil sa pangmamaso ng MPD SWAT. Ordinary ang paborito kong sakyan dahil mura ang pasahe. Hindi lang mura, pwede ka pang magmeryenda habang bumibiyahe dahil halos lahat ng street vendor ay nakaaakyat sa mga ordinary na bus. Subalit para lamang sa may malalakas na sikmura ang ordinary na bus. Kapag sumakay ka sa ordinary, mamumulbos ka ng usok at alikabok; libre iyon. Kapag nakauwi ka na galing sa biyahe ay limahid ka na. Okay lang sa akin iyon dahil mura nang di hamak ang pamasahe sa ordinary...

Ode to a Naked Beauty by Pablo Neruda

With chaste heart, and pure eyes I celebrate you, my beauty, restraining my blood so that the line surges and follows your contour, and you bed yourself in my verse, as in woodland, or wave-spume: earth’s perfume, sea’s music. Nakedly beautiful, whether it is your feet, arching at a primal touch of sound or breeze, or your ears, tiny spiral shells from the splendor of America’s oceans. Your breasts also, of equal fullness, overflowing with the living light and, yes, winged your eyelids of silken corn that disclose or enclose the deep twin landscapes of your eyes. The line of your back separating you falls away into paler regions then surges to the smooth hemispheres of an apple, and goes splitting your loveliness into two pillars of burnt gold, pure alabaster, to be lost in the twin clusters of your feet, from which, once more, lifts and takes fire the double...

Sa mukha ng kawalang ngalang pag-ibig

This poem was written by my friend George T. Calaor.  George is the current Secretary General of Bagong Alyansang Makabayan (New Patriotic Alliance)in Aklan. George has a very colorful life, and not all of them are bright.  We shared many glooms and dark moments. I am reprinting this poem coz I find it lyrically beautiful. I'm going to translate this to English and post it later.  I hope you enjoy this poem: Sa mukha ng kawalang ngalang pag-ibig Ni: George T. Calaor Makiulayaw ka sa tibok ng puso     ng mga tagapaglikha ng kasaysayan... naroon lang ako’t naghihintay sa init ng iyong pag-anib Usalin mo ang bawat pintig sa dibdib     na kay laon nang iginapos sa tanikala ng pagkadukha     ako’y naro’n lang... dasal ay kalayaan Isatinig mo ang mga hiyaw ng damdaming     hitik sa pag-asam lubusang maangkin     ang dalisay-na-laya ng pagkatimawa ...

Kung Ako'y Malimot Mo

[ni Jay Pascual, pagsasalin mula sa salin ng tula ni Pablo Neruda "If You Forget Me"] Nais kong matanto mo ang isang bagay. Batid mo na ito: kung aking tanawin ang maningning na buwan, sa matikas na sanga ng taglagas sa aking durungawan, at kung aking haplusin ang ningas ng apoy at dagitab ng baga sa kuluntoy na balat ng kahoy, ang lahat ay nag-aanyaya sa akin tungo sa iyo tila ba lahat ng nilalang, samyo, liwanag, asero, ay mga munting bangkang naglalayag tungo sa iyong mga pulong nakaantabay sa akin. At kung, unti-unti'y limutin mo akong mahalin, ika'y unti-unti ko ring lilimuting ibigin. Sakaling limutin mo ako huwag na akong hagapin, pagkat ika'y nalimot ko na rin. Kung sa iyong masalimuot na pag-iisip, na ang pagaspas ng hangi'y humahalik sa kaibuturan ng aking buhay, at kung maisipan mo'ng lisanin ako sa dalampasigang kinaluklukan n...