Kuyom na Kaluluwa
Nawala na sa atin ang dapithapon
Walang nakapansin sa pagniniig ng ating mga palad
Habang nilulukob ng gabi ang sanlibutan.
Tanaw ko mula sa bintana
Ang lagablab ng takipsilim sa matatayog na kabundukan.
Ang kapirasong araw
Ay mistulang baryang pumapaso sa aking kamay.
Naalala kita habang nagkukuyom ang kaluluwa
Sa gitna ng aking lumbay na tanging ikaw ang nakababatid.
Nasaan ka na nga pala?
Sino-sino pa ang naroroon?
Ano ang inuusal?
Kung bakit rumagasa ang laksang pag-ibig sa akin
Sa panahon ng kalungkutan habang dama ko ang iyong paglayo.
Nahulog na ang aklat na palagiang ipinipinid sa dapithapon
At tulad ng hintakot na aso, ang bughaw na balabal ay bumalumbon sa aking mga paa.
Palagi, palagi kang naglalaho sa gitna ng gabi
Tungo sa dapithapong bumabaklas ng bantayog.
Salin ni Jay Pascual
July 2011
Clenched Soul
We have lost even this twilight.
No one saw us this evening hand in hand
while the blue night dropped on the world.
I have seen from my window
the fiesta of sunset in the distant mountain tops.
Sometimes a piece of sun
burned like a coin in my hand.
I remembered you with my soul clenched
in that sadness of mine that you know.
Where were you then?
Who else was there?
Saying what?
Why will the whole of love come on me suddenly
when I am sad and feel you are far away?
The book fell that always closed at twilight
and my blue sweater rolled like a hurt dog at my feet.
Always, always you recede through the evenings
toward the twilight erasing statues.
--Pablo Neruda
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento