Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Kultura

Higit sa Lahat, Maglingkod sa Bayan

(Talumpating binigkas sa okasyong Tribute to Parents ng College of Forestry and Environmental Science, Central Mindanao University , Maramag Bukidnon, Hunyo 18, 2017) Ang araw na ito ay okasyon upang bigyang papuri ang mga magulang. Ang mga nanay, mga tatay, at guardians na naglaan ng kanilang panahon, pagmamahal, at pag-aalaga upang masiguro na magkaroon ng magandang edukasyon ang ating mga anak. In behalf of the parents present now, malugod naming tinatanggap ang pagkilalang ito. Pagkakataon na rin ang okasyon ngayon upang magpasalamat sa mga mahuhusay na propesor ng kolehiyong ito. Sa mga panahong hindi natin kasama ang ating mga anak, ang mga propesor -- ang mga dalubguro ng kolehiyo ang nagsilbing ikalawang magulang. Sila ang naghubog sa ating mga anak mula sa pagiging mga batang jejemon nang unang pumasok sila sa unibersidad, at ngayon nga’y maituturing na rin na mga eksperto sa kani-kanilang larangan. Ngunit higit sa lahat, ang tunay na bida sa okasyong ito ay kayong mg...

MONUMENTO SA TAKIPSILIM

Ito ang oras ng pag-aagawan binababag ng gabi ang umaga nilalamon ng dilim ang liwanag ng araw pinapupusyaw ng sinag ng buwan ang paghihingalo ng kanluran. Ito ang oras ng pagsisiksikan ng laksang nilalang sa mga estribo ng sasakyan dahil nais nang manaig ng pamamahinga sa kanilang katawang bugbog sa maghapong pagpapagod. ito ang oras ng pagsuong sa daluyong ng balisang talampakan na nag-aapurang makauwi dahil mahapdi na ang kalyong nakipagtunggali sa de-gomang sapatos. Ito ang oras ng paglipad ng mga bituin ng gabing naninirahan sa bahay alitaptap upang makipagbuno sa libog ng mga parokyanong naghahanap ng kaligtasan sa panandaling kaligayahan. Ito ang oras ng pagtalas ng mga mata ng buwitreng nakaunipormeng asul at may bota't silbato upang may pangmeryenda sa gagawing pagpupuyat. Ito ang oras na pumapailanlang ang mga makabagong agilang dumadagit ng cellphone at bag upang may maiuwing pantawid gutom o pantawid bisyo? Ito ang kasukalan sa ganitong oras pagbaba ng telon. May tamis ...

Walang Pamagat na Tula ni George Calaor

I Siya na plauta, siya na lagi kong inibig. Siya na alaala ng tubig, sa uhaw kong isip. Ang lunggati ng lunggati, Ang samyo ng siphayo. Siya na Hininga ng bukangliwayway, Alaala ng kasaganahan ng ginapas na palay. Usok ng piging ng alaalang 'di magmaliw. Siya ang lahat ng kailanman, Na hindi kailanman magiging ngayon. At nauunawaan ko ang mga tala, Sa kanilang kalungkutan. II Kumusta na si Chairman Gonzalo at Commander Zero? Nagising na ba sila sa pagkakahimbing sa hardin? Tagay para kay Amado Guerrero! Tagay para kay Armando Liwanag! Pero huwag kalilimutan- Isang marangyang tagay para kay Dagohoy, At sa isangdaan taon niyang pag-aaklas! Naalala ko si Hikmet, Neruda, at Uncle Ho- Isang marangyang piging sila ng pag-aalay sa sarili. Sinta, Hayaan akong magtampisaw sa Ilog Lena At tumula nang may asupre sa bibig, Asero sa dibdib, At may pagpaslang sa panaginip. Pagdaka'y babagtasin ang daan papuntang Yenan, I...

Uri ng Mga Adobo sa Filipinas

Adobo ang isa sa mga pinakapaboritong ulam ng mga Filipino. Ayon sa ilang pananaliksik, ang adobo ay mula sa salitang Kastilang "adobar," na ang ibig sabihin sa Ingles ay "to marinade." Subalit bago pa man sakupin ng mga Kastila ang Filipinas, nag-aadobo na ang mga Filipino. Dahil lubhang mainit sa bansa at madaling mapanis o mabulok ang mga di-lutong pagkain, natutunan ng mga katutubo na ibabad sa suka at asin ang kanilang pagkain at pagkatapos ay pakukuluan hanggang maluto. Napakatagal ng shelf-life ng mga pagkaing dumaan sa ganitong paraan ng pagluluto. Ngayon nga ay bantog pa rin ang adobo sa Filipinas at halos bawat rehiyon ay may kani-kaniyang bersiyon nito. Sa kabutihang palad, natikman ko na halos lahat ng iba't-ibang uri ng adobo sa Filipinas at natutunan na rin kung paano ito lutuin. Adobong Manok / Adobong Baboy / Adobong manok at baboy - Bersiyong Tagalog Manok o baboy ang karaniwang pangunahing sangkap ng adobo. Minsa'y pinaghahalo ang dalaw...

Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon

Introduksiyon UPDATE: Ang librong Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon ay maaari nang mabili sa lokal na online shop ng JMP Creative Media. Sundan lamang ang link na ito: BUY NOW: MGA KUWENTONG BAYAN NG BUKIDNON.   Ang pagbabasa ng mga katutubong kuwentong bayan ang isa sa pinakamabisang paraan upang maunawaan ang kultura ng isang bansa. Ayon kay William Bascom, isang kilalang Amerikanong kuwentista at antropolohista, ang mga kuwentong bayan ay salamin ng mga katutubong kaugalian, tradisyon, ritwal, at kultura. Nilalaman ng mga katutubong kuwento ang buod ng pagkatao ng isang partikular na grupo sa lipunan. Ang paglalathala ng e-Book na ito ay isang pagtatangka na maibahagi sa buong daigdig ang ilang piling kuwentong bayan ng tribung Bukidnon sa Hilagang Mindanao, sa wikang madaling maintindihan ng kabataang Filipino. Sa gayon, magiging mas nakaaaliw ang kanilang pagbabasa. Marami na ang nalimbag na mga kuwentong bayan ng tribung Bukidnon. Subalit kadalasan, ang mga kuwento ay nakasu...

Mga Tradisyunal na Larong Pambata: Nasaan Na?

Hindi lang pagtatmpisaw sa dagat o swimming pool ang kinasasabikan ng mga kabataan kapag tag-araw. Dahil nga summer at wala nang pasok sa eskuwelahan, inaasam-asam nila ang walang humpay na paglalaro nang halos buong araw. Noong kabataan ko, mga dekada otsenta iyon, naaalala ko pa ang mga karaniwang larong pambata na kinatutuwaan naming magkakapatid at magpipinsan.  Madalas kaming maglaro ng tumbang-preso, taguan-pong, habulan o kampo-kampo, chato, sipa, turumpo, bahay-bahayan, luksong-tinik, luksong baka, chinese garter, at kung minsa’y basketbol o sopbol. Pansinin na halos lahat ng mga larong nabanggit ay may pagka-pisikal. Kailangan maliksi ka, mabilis tumakbo, madiskrate (o magulang din minsan), at kakailanganin mo ang sapat na lakas upang tumagal ka sa laro. Dahil kung lalampa-lampa ka, siguradong mababalagoong ka sa laban. Ikaw ang palaging magiging taya at tampulan ng pambubuska. Ngayon ay tag-araw na naman. Bakasyon na ang mga mag-aaral. Sa panahon ng mga makabagong g...