(Talumpating binigkas sa okasyong Tribute to Parents ng College of Forestry and Environmental Science, Central Mindanao University, Maramag Bukidnon, Hunyo 18, 2017)
Ang araw na ito ay okasyon upang bigyang papuri ang mga magulang. Ang mga nanay, mga tatay, at guardians na naglaan ng kanilang panahon, pagmamahal, at pag-aalaga upang masiguro na magkaroon ng magandang edukasyon ang ating mga anak.
In behalf of the parents present now, malugod naming tinatanggap ang pagkilalang ito.
Pagkakataon na rin ang okasyon ngayon upang magpasalamat sa mga mahuhusay na propesor ng kolehiyong ito. Sa mga panahong hindi natin kasama ang ating mga anak, ang mga propesor -- ang mga dalubguro ng kolehiyo ang nagsilbing ikalawang magulang.
Sila ang naghubog sa ating mga anak mula sa pagiging mga batang jejemon nang unang pumasok sila sa unibersidad, at ngayon nga’y maituturing na rin na mga eksperto sa kani-kanilang larangan.
Ngunit higit sa lahat, ang tunay na bida sa okasyong ito ay kayong mga graduates. Sa inyo ang tagumpay.
Subalit ang graduation ay simula pa lamang. Lalabas na kayo ng unibersidad at haharapin ang mga tunay na hamon ng buhay.
Bilang mga Iskolar ng Bayan, tandaan ninyo sana na ang inyong obligasyon ay di lamang pansarili o pampamilya.
Gamitin ninyo ang talino at kasanayan upang paglingkuran ang sambayanan. To Serve the People, that should be foremost in your minds when you pursue your careers.
Sa huli, gusto kong ipaalaala sa inyo ang sinabi ng bayaning si Emilio Jacinto, na tulad ninyo ay isa ring kabataan na punong-puno ng idealismo. Ang paalaala niya sa atin ay ganito:
“Ang halaga ng isang tao ay wala sa kapangyarihan; wala sa tangus ng ilong o puti ng balat; wala sa pagkabanal, wala sa yaman, o posisyon sa pamahalaan. Ang tunay na mahalaga ay iyong may magandang asal, may isang salita, may dangal at puri, iyong hindi nagpapaapi at hindi nang-aapi, at iyong marunong magdamdam at may malasakit sa bayang tinubuan.”
Maraming Salamat po.
Jay M. Pascual
Hunyo 18, 2017

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento