Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Politics

Ano Ba Ang Oligarchy

Sumambulat na naman sa bokabularyo ng maraming Filipino ang salitang oligarchy, oligarch, o sa atin pa ay oligarkiya, oligarko. Subukan mo lang pumunta sa Facebook at Twitter. Maraming balita, status, at comments ang bumabanggit ng salitang oligarch o oligarchy. Minsan mapapaisip tayo kung tunay nga bang naiintindihan ng mga tao ang mga terminolohiyang ito. Sa punto de bista ng political science, hindi simple ang pakahulugan sa oligarkiya. Marami itong sanga-sangang depenisyon. Magkagayunman, nakatutuwang makita ang tumataas na interes ng mga tao sa konsepto ng oligarchy / oligarkiya. Pansinin ang screenshot galing sa Google Trends. Makikita ang biglang paghirit ng interes sa search term na oligarchy noong mga nakaraang araw. Marahil dahil na rin ito sa pahayag ng panggulo ng Pilipinas na nabuwag na niya ang oligarkiya kahit walang Martial Law. Nagbunyi ang iba; ang iba nama’y napakamot ang ulo. Kaya pumunta sila sa Google para magsearch kung ano ba talaga ang ibig sabihin ...

Higit sa Lahat, Maglingkod sa Bayan

(Talumpating binigkas sa okasyong Tribute to Parents ng College of Forestry and Environmental Science, Central Mindanao University , Maramag Bukidnon, Hunyo 18, 2017) Ang araw na ito ay okasyon upang bigyang papuri ang mga magulang. Ang mga nanay, mga tatay, at guardians na naglaan ng kanilang panahon, pagmamahal, at pag-aalaga upang masiguro na magkaroon ng magandang edukasyon ang ating mga anak. In behalf of the parents present now, malugod naming tinatanggap ang pagkilalang ito. Pagkakataon na rin ang okasyon ngayon upang magpasalamat sa mga mahuhusay na propesor ng kolehiyong ito. Sa mga panahong hindi natin kasama ang ating mga anak, ang mga propesor -- ang mga dalubguro ng kolehiyo ang nagsilbing ikalawang magulang. Sila ang naghubog sa ating mga anak mula sa pagiging mga batang jejemon nang unang pumasok sila sa unibersidad, at ngayon nga’y maituturing na rin na mga eksperto sa kani-kanilang larangan. Ngunit higit sa lahat, ang tunay na bida sa okasyong ito ay kayong mg...

Ang Kuwentuhang Praybeyt Benjamin-Pnoy, at Kung Bakit Dapat 'Aliwin' ang Masa

Nitong nagdaang araw ay kinapanayam ni Vice Ganda si Pangulong Aquino. Nakaakit ng kapwa papuri at batikos ang panayam na ito. Sa katunayan, naging tampulan nga ito ng usapan sa Facebook at Twitter. Para sa mga hindi pamilyar sa showbiz ng Filipinas, si Vice Ganda ay isang sikat na komedyante, TV host, at artista. Laksang milyon ang mga tagahanga niya na karamiha'y karaniwang Filipino na kabilang sa masa ng mamamayan. Bagama't hindi ko napanood ang buong panayam ni Vice sa pangulo, nakita ko naman ang ilang piling clips na ipinalabas sa panggabing balita. Tunay ngang nakaaaliw ang panayam. Nakakatawa ito, magaan ang usapan, at tila baga ipinapakita ang 'karaniwang mukha' ng pangulo ng Filipinas - nakikipagbiruan, tumatawa, kumakanta, at nakikisabay sa pabirong pambabara. Sa punto de vista ng PR at pang-masang pakikipagkomunikasyon, isang tagumpay ang panayam na ito. Mahusay ang pagpapakete at nahawakang mabuti ang pakay na ipakita sa madla ang kagaanang loob ng pang...

Hindi Lang Islogan ang Burukrata Kapitalismo

Kung ikaw ay dating aktibista, o kaya'y nakaranas lumahok sa mga protesta sa lansangan, o nakisali sa mga ED (educational discussion) kasama ang mga aktibista, maaaring narinig mo na ang salitang Burukrata Kapitalismo. Ayon sa librong Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guerrero, ang Burukrata Kapitalismo ang isa sa batayang suliranin ng lipunang Filipino. Isa ito sa mga ugat na problemang nagpapahirap sa Filipinas. Marami akong kakilala -- mga kamag-anak, mga kaibigan, kababata, mga dating kasamahan sa unibersidad -- na napapangiwi kung mababanggit ang katagang Burukrata Kapitalismo. Anila, laos na ang konseptong ito at hindi na dapat ginagamit na islogan. Sa kainitan ng mga diskusyon at link posting ukol sa isyu ng pork barrel scam, may nabasa akong isang komento na animo'y nangungutya pa. Sabi ng nag-komento, ang iskandalo hinggil sa pangungulimbat ng mga mambabatas sa pondo ng gobyerno ang dapat gawing susing isyu na makapagpapakilos sa maraming Filipino. Dinugtungan n...

Anatomy of Vote Buying in the Philippines

Vote buying has always been a regular feature of Philippine elections. It has been successfully used by moneyed politicians, often belonging to political dynasties, local gentry classes, and traditional clans, to entice the electorate to vote or not to vote for specific candidates. In the recently concluded mid-term Philippine elections, quite a number of independent poll watchdogs observed that vote buying has become rampant compared to previous electoral exercises. Some analysts pointed out that the automation of Philippine elections forced many candidates, especially at the local levels, to buy votes to ensure victory. That is because with automation, the avenues for electoral cheating became limited and more expensive. Thus, moneyed politicians were compelled to re-focus their so-called “black operations” through vote buying.