May mga pangyayari sa ating buhay na hindi malilimutan, ultimong kaliitliitang detalye. Gaya nang panliligaw sa iyong mahal. O ang unang halik at yakap. O kaya’y ang araw ng iyong kasal. Ito ang mga pangyayaring nagkakaroon ng espesyal na puwang sa iyong isip. Nariyan lamang ang mga alaala, mistulang lumang larawan o bidyo na muli’t muli mong binabalikan kung gusto mong mangiti saglit o kiligin nang bahagya kaya. Kagaya noong mga panahong wala pang social media dahil hindi pa uso ang internet. Text message lang ang palitan ng mga ‘sweet nothings’ ika nga. Kailangan pang bumili ng call and text card sa halagang 300 para walang humpay ang pagtetext at tawagan sa gabi. Dahil kung nawalan ng load ang cellphone, paano maitetext ang isang tanong na nakapagpabago sa takbo ng buhay: “tayo na ba?” Na sinagot mo naman ng: “oo, tayo na.” Ganoong kasimple lang iyon. Pero bawat letra ng mensaheng iyon ay punong-puno ng emosyon. Ang simpleng tanong at sagot na iyon ay humantong di kalaunan sa altar....
Personal na blog sa wikang Filipino. Talakayan sa kultura, politika, balita, tula, kuwento, negosyo, reklamo, at kung ano-ano pa.