Maraming mga pangyayari ang hindi ko na maalaala. Mga pangyayari na parang panaginip na lamang, minsan nga ay halos hindi ko na matandaan maski kaunting detalye. Parang nabubura ito sa memorya.
Gayundin naman sa mga bagay. Hindi ko na matandaan ang mga naging libro ko, ano ang kulay ng bag ko noong kolehiyo, ano ba ang gamit kong pang-araw-araw noon. Nawala na lahat ang mga iyon sa memorya.
At ito rin ang sitwasyon sa mga taong nakasalamuha ko. maaaring natatandaan ko ang hitsura ng mga nakadaupang palad ko noon. Alam ko pa minsan ang kanilang mga pangalan. Pero ang mga bagay at mga pagkakataong pinagsaluhan ay mistulang nagiging malayong panaginip na lang. Malabo na ika nga.
Bakit ko nga ba naisusulat ito ngayon? Marahil ay nangungulila lamang ako sa aking ina. Dalawang taon na ang nakalipas nang lisanin na niya ang daigdig.
Sariwa pa naman ang alaala niya. At sino ba namang nilalang ang makakalimot sa kaniyang magulang. Subalit may mga pagkakataong nagiging mistulang malabong panaginip na lamang ang mga bagay at pagkakataong pinagsaluhan namin.
Katunayan, wala na sa aking gunita ang mga panahong pinagsaluhan namin noong ako'y bata pa. Paano ba niya ako binibihisan? Paano ba niya hinahanda ang gamit ko sa eskuwela? Hindi ko na matandaan ang mga ito.
Naaalala ko naman ang mga panahon ng pagbabakasyon ko sa Mindoro. Naroon kasi ang hanapbuhay ng aking mga magulang. May dalawang pagkakataon lang yata akong nakapagbakasyon noon sa kanila.
Ang hinding-hindi ko nalilimutan ay kung gaano kasarap ang mga lutong bahay na inihahanda ni Mommy. Paksiw na bangus, halabos na tilapiya, sinigang na hipon o sugpo, adobong talaba, menudo, at kung anu-ano pa.
Basta yata sa pagkain ay mahirap talagang malimutan ang ating mga ina. Talaga namang maingat niyang inihahanda ang bawat pagkaing pagsasaluhan namin. Kahit na iniihit na siya ng ubo sa pag-ihip sa de-kahoy na lutuan, ay di niya iyon alintana. Nakikita ko na nahihirapan siyang huminga minsan dahil sa kaniyang hika. Pero hindi iyon sagabal basta inihahanda niya ang ihahain sa amin.
Subalit parang isang gasgas na silent movie na lamang ang aking mga alaala. Malabo na sa gunita ang mga kakaiba at nakahahalinang amoy ng kaniyang niluluto. Hindi ko na nga rin maalala kung ano ang mga pinag-usapan namin habang tumutulong ako sa kaniya sa kusina. Silent movie na nga lang.
Ang pangamba ko, baka sa paglipas ng panahon; matapos ang marami pang taon, baka pati ang mala-silent movie na memorya ko ay lalo pang kumupas. Ayaw ko itong mangyari.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento