Lumaktaw sa pangunahing content

Pagkukubli sa Relatibismo

Ano ang totoo, ano ang bulaan? Ano ang tama, ano ang mali? Malaon nang sinusuri ng mga paham at pilosopo ang ganitong mga pagtatanong. Laksang literatura na sa etika at pilosopiya ang nagtangkang sagutin at ipirmi ang pagtataya sa totoo at tama o bulaan at mali.

Sa nakararami, ang pinakamadaling landas upang maturol ang tama o mali sa isang bagay, pangyayari, ideya, at iba pa, ay ang pagkukubli sa relatibismo ng tama o mali.

Ang relatibismong ito ang madalas ding gawing silungan ng mga argumentong liberal. Ngunit kung susumahin, ang paggamit ng relatibismo ay maituturing na pag-iwas. Isa itong pag-iwas na maturol kung ano ang tumpak at tama o bulaan at mali sa isang umiiral na konteksto ng bagay, pangyayari, o ideya.



Tama Ako, Tama Ka: Sino ang Mali?

Nararapat linawin ang paggamit ng relatibismo, lalo na sa aplikasyon nito sa pagsusuri ng mga isyu at usaping panlipunan. Halimbawa, sa isang pagtatagisan ng ideya. Maaaring igiit ni Juan ang kaniyang haka sa isang bagay at sabihing ito ang katotohanan para sa kaniya. Sasalungatin siya ni Pedro at magbibigay ng isa pang kuro na taliwas sa sinasabi ni Juan.

Kung si Juan at Pedro ay parehong magkukubli sa tabing ng relatibismo, ang dalawa ay maaaring umangkin ng katotothanan. Ika nga, ang katotohanan para kay Juan ay kaniya lamang at maaaring sinasang-ayunan din ng ibang tao. Samakatuwid, Si Juan ay nagsasabi ng totoo at tama dahil iyan ay pinagtibay mismo ng paghahaka ni Juan at ng iba pang umaayon sa kaniya.

Gayon din naman ang mangyayari kung gagamitin ni Pedro ang relatibismo sa kaniyang mga argumento. Sino ba si Juan upang sabihin na si Pedro ay mali at bulaan? Mayroong sariling pagpapatotoo si Pedro na maaari din namang sinasang-ayunan ng iba pang tao.

Sa ganitong konteksto, sino ngayon ang makapagsasabi na tama si Juan at mali si Pedro? Kung ang parehong panig ay sumasandig sa mantra ng relatibismo, pareho silang tama. Subalit kung walang mali, paano magkakaroon ng tama?

Ito ngayon ang suliranin kapag ginamit na pangubli ang relatibismo ng tama at mali. Dahil kung walang mali, paano magkakaroon ng tama? Magpapaikot-ikot lamang ang pag-uusap hanggang sa lumabo na ng husto ang isang usaping nakahapag sa madla.

Relatibismo sa Tunay na Buhay

Sa isang lipunan na pinangingibabawan ng liberal na kaisipan, buhay at namamayagpag ang paggamit ng relatibismo sa pang-araw-araw na buhay pampolitika, sosyal, at ekonomiya. Dangan kasi ay nagsisilbi ang relatibismo bilang susing kawing sa pagpapanatili ng dominanteng kulturang liberal.

Pinanghahawakan ng kulturang ito ang unibersalidad ng lahat ng konseptong panlipunan -- mula sa mga pang-ekonomiyang usapin hanggang sa larangang pampolitika. Kailangan ang relatibismo upang manatiling matatatag ang isang lipunang liberal. Kung ang lahat nga naman ay sasang-ayon na ang bawat indibidwal ay may kaniyang sariling bersiyon ng tama at totoo, mapipigilan ang pagsulpot ng isang kultura at kaisipang direktang katunggali ng liberal na ideolohiya.

Sa ilalim ng rehimen ng relatibismo, ang bagong sumusulpot na kaisipan at kultura na salungat sa liberal na ideolohiya ay ituturing lamang na isang bahagi ng katotohanan at hindi ang ultimong katotohanan. Kabilang lamang ang bagong ideya sa malawak pang "pamilihan" ng iba't-ibang ideya.

Ang Problema ng Relatibismo

Sa unang tingin, tila napakaganda at kahanga-hanga ang relatibismo. Tila baga itinutulak nito at pinagtitibay ang pagsasang-ayunan, kompromiso, at payapang pakikipag-ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa. Subalit ang totoo, marahas ang relatibismo. Sagka ito sa pag-usad ng lipunan tungo sa isang mas maunlad na pagbabago.

Ang karahasan ng relatibismo ay makikita sa pagsupil nito ng katotohanan. Dahil tinatanggap ng relatibismo ang maliliit na katotohanan bilang tama, sa huling pagsusuma ay sinasagkaan at binubusalan nito ang pagtining ng tunay na katotohanan.

Ang pagbusal na ito ay may katangiang reaksyunaryo. Sa isang liberal na lipunan, itinuturing na extremista ang naggigiit ng tunay na katotohanan. At kapag nabingit na sa panganib ang kaayusang liberal, gagamit na ang rehimen ng pisikal na lakas upang lipulin o kitlin ang mga tagapagtaguyod ng bagong kaisipan.

Ang malaking tanong ngayon sa liberal na kultura ay ganito: kung naniniwala ang liberal na ideolohiya sa relatibismo, di baga dapat ay tumpak rin ang isang ideyang kasalungat ng liberalismo? Subalit bakit kung namemeligro na ang pag-iral ng liberal na kultura ay pupuksain na ang mga tagapagtaguyod ng bagong kultura at kaisipan? Hindi ba bulaan ang ganito?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon

Introduksiyon UPDATE: Ang librong Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon ay maaari nang mabili sa lokal na online shop ng JMP Creative Media. Sundan lamang ang link na ito: BUY NOW: MGA KUWENTONG BAYAN NG BUKIDNON.   Ang pagbabasa ng mga katutubong kuwentong bayan ang isa sa pinakamabisang paraan upang maunawaan ang kultura ng isang bansa. Ayon kay William Bascom, isang kilalang Amerikanong kuwentista at antropolohista, ang mga kuwentong bayan ay salamin ng mga katutubong kaugalian, tradisyon, ritwal, at kultura. Nilalaman ng mga katutubong kuwento ang buod ng pagkatao ng isang partikular na grupo sa lipunan. Ang paglalathala ng e-Book na ito ay isang pagtatangka na maibahagi sa buong daigdig ang ilang piling kuwentong bayan ng tribung Bukidnon sa Hilagang Mindanao, sa wikang madaling maintindihan ng kabataang Filipino. Sa gayon, magiging mas nakaaaliw ang kanilang pagbabasa. Marami na ang nalimbag na mga kuwentong bayan ng tribung Bukidnon. Subalit kadalasan, ang mga kuwento ay nakasu...

Forced Haircut in Schools is Corporal Punishment

Forced Haircut in Schools is Corporal Punishment (Why This Policy Is Unjust and Violates Basic Child Rights) Valencia City, BUKIDNON.  The Department of Education (DepEd) has a long-standing policy that governs good grooming. This includes prescribing a so-called proper haircut for male pupils in both private and public schools.  According to Undersecretary Yolanda Quijano, “the prescribed haircut for boys is at least one inch above the ear and three inches above the collar line.” Schools under the supervision of DepEd are required to follow such standard. Unfortunately, this “haircut policy” has no clear implementing guidelines.  As a general practice, school principals and administrators have the authority to define their own sets of rules on how to implement the policy, including the enforcement of disciplinary actions on erring pupils.

Untitled I

It's not about knowing you when we were there, wandering, in gardens of youthful freedom. What matters is that I've known you, as you are. It's not about seeing you transformed in full splendor palpably radiant and  blinding mortal  eyes. What matters is that I’ve seen you, as you are. It’s not about hearing you, angelic rhythm of imagined voices  wallowing in bitter-sweet laughter. What matters is that I’ve heard you, as you are. It is not about touching you in the deepest  recesses of your uncharted nakedness, utterly lost  in the celebration  of your beauty and passion. What matters most is that I’ve touched you, as you are. It is not about feeling your stormy thoughts and calm contemplations though these are far constellations reached only by stellar signals. What matters most is that I’ve felt you, as you are. ‘Tis not about loving you, sweet rose-p...