Lumaktaw sa pangunahing content

Dikotomiya ng Kaliwa-Kanan: Isang Pagtutuwid

Unang Bahagi


Kaliwa, Kanan. Extreme Left, extreme Right, democratic Left, Leftist community, at kung anu-ano pang pagkakategoriyang pampolitika na animo'y mga direksiyon sa kalye. Sa agham pampolitika, ang mga katawagang ito ang kumakatawan sa partikular na politikang paninindigan ng isang tao, grupo ng mga tao, o organisasyon. Tinatawag itong political spectrum.

Sa kasalukuyang konteksto ng politika sa Filipinas, naging kapansin-pansin nitong mga nakakaraang araw ang paglitaw muli ng ganitong uri ng pagkakategoriya. Pangunahin na rito ang bulagsak na paggamit sa mass media at sa social media ng katagang "extreme Left."



Bulagsak dahil ginagamit ang katawagang "extreme Left" nang walang pakundangan. Ibig sabihin, malinaw na hindi batid ng nagsasalita (o nagsusulat) kung ano ang kaniyang sinasabi. Sa payak na pagsusuri, kapag ang isang mamamahayag ay gumamit ng salitang "extreme Left," malamang na ang kaniyang pinatutungkulan ay ang mga organisasyong Pambansang Demokratiko (National Democrats). At dahil may nakadikit na salitang "extreme" sa Left, nangangahulugan ito ng direkta o di-direktang ugnay sa armadong kilusan ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA).

Sa kabilang panig naman, ginagamit ang katawagang "democratic Left" sa mga grupong katunggali ng mga Pambansang Demokarata. Ito anila ang mga "mababait" na kaliwa, mga mainstream at moderate sa ispektrum na maka-kaliwa.

Ang bulagsak na pagkakategoriya sa mga puwersang pampolitika ay hindi nakatutulong upang maitaas ang antas ng kamulatang pampolitika ng mga Filipino, laluna ang mga botanteng Filipino. Dahil iresponsable ang paggamit ng kategorisasyon, mas lalong nahihirapan ang karamihan sa mamamayang Filipino na kilalanin ang iba't-ibang uri ng puwersang pampolitika sa bansa.

Mahalaga ang pagpapaunlad ng kamalayang pampolitika ng mamamayan upang mapaunlad rin ang kanilang aktibong partisipasyon sa buhay politika ng lipunan. Kailangang linangin ang tumpak na kamalayan upang maging mas mapanuri at responsable ang mga mamamayan. Hindi mangyayari ito kung palaging naglulubid ng baluktot na pagkakategoriya ang mga mamamahayag, kritiko, at mga di-umano'y eksperto sa politika.

Sa pampolitikang diskurso, ginagamit ang Kaliwa-Kanan na dikotomiya upang kilalanin ang paninindigan at prinsipiyo ng iba't-ibang partido, organisasyon, at indibidwal. Ang pagtatakda sa ispektrum pampulitka ay naka-ugat sa praktika ng mga mambabatas na Pranses sa panahon ng rebolusyonaryong Pransiya noong 1789-1796. Sa parliyamento, nakaupo sa gawing kaliwa ng Ispiker ang mga commoner. Sila ang mga tagapagtaguyod ng diwa ng republikanismo, sekularismo, at liberalismo. Dahil nakaupo ang mga mambabatas sa kaliwang panig, naging katawagan sa kanila ang pagiging Kaliwa o left-wing sa wikang Ingles.

Sa kanang panig naman ng Ispiker nakaupo ang mga mambabatas na nagtataguyod ng ancien regime. Sila ay mula sa aristokrasya ng Pransiya, mga panginoong may-lupa, mga relihiyoso, at mga partidong nagnanais ibalik ang monarkiya sa kapangyarihan. Tinatawag silang maka-Kanan o ang right-wing ng Parliyamento.

Kahit lumipas na ang ilang siglo, madalas pa ring gamitin ang Kaliwa-Kanan na dikotomiya upang tipak-tipakin ang iba't-ibang pwersang pampulitika. Sa kasamaang palad, at bunga ng masinsin at malawakang propaganda ng Estados Unidos noong panahon ng cold-war, tuluyan nang napalabo ang simpleng kategorisasyon ng pampulitikang ispektrum.

Sa kasagsagan ng anti-komunistang histerya sa Estados Unidos matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigidig, ang kategoryang Kaliwa o Left ay lubhang pinapangit at ginawang diyablo. Itinuring ang Kaliwa na mga taong hindi naniniwala sa diyos, mga kaaway ng pamahalaan, at kung anu-ano pang paninira.

Tumagos sa Filipinas at sa mga Filipino ang ganitong uri ng kategorisasyon. Magpahanggang ngayon, ginagamit ang salitang Kaliwa, partikular ang katagang "extreme Left," bilang instrumento ng paninira o pananakot. Ang masaklap pa, mapanganib sa Filipinas na mabansagang maka-kaliwa. Patunay nito ang libu-libong aktibistang pinaslang, nawala, o tinortyur dahil sila ay nabansagang kabilang sa Kaliwa o "extreme Left."

Ang resulta: nabansot ang kamalayang pampolitika ng mamamayang Filipino hinggil sa mga umiiral na pwersang pampulitika sa bansa. Nawalan ng kakayahan ang mga mamamayan na suriin ang politikal na paninindigan at prinsipyo ng mga umiiral na partido at organisasyon sa bansa. Naikahon sa makikitid na kategoriya ang mga pampolitikang grupo.

Susunod - Ikalawang Bahagi: Ang Tumpak na Pagkilala sa mga Pampolitikang Grupo sa Filipinas

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon

Introduksiyon UPDATE: Ang librong Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon ay maaari nang mabili sa lokal na online shop ng JMP Creative Media. Sundan lamang ang link na ito: BUY NOW: MGA KUWENTONG BAYAN NG BUKIDNON.   Ang pagbabasa ng mga katutubong kuwentong bayan ang isa sa pinakamabisang paraan upang maunawaan ang kultura ng isang bansa. Ayon kay William Bascom, isang kilalang Amerikanong kuwentista at antropolohista, ang mga kuwentong bayan ay salamin ng mga katutubong kaugalian, tradisyon, ritwal, at kultura. Nilalaman ng mga katutubong kuwento ang buod ng pagkatao ng isang partikular na grupo sa lipunan. Ang paglalathala ng e-Book na ito ay isang pagtatangka na maibahagi sa buong daigdig ang ilang piling kuwentong bayan ng tribung Bukidnon sa Hilagang Mindanao, sa wikang madaling maintindihan ng kabataang Filipino. Sa gayon, magiging mas nakaaaliw ang kanilang pagbabasa. Marami na ang nalimbag na mga kuwentong bayan ng tribung Bukidnon. Subalit kadalasan, ang mga kuwento ay nakasu...

Forced Haircut in Schools is Corporal Punishment

Forced Haircut in Schools is Corporal Punishment (Why This Policy Is Unjust and Violates Basic Child Rights) Valencia City, BUKIDNON.  The Department of Education (DepEd) has a long-standing policy that governs good grooming. This includes prescribing a so-called proper haircut for male pupils in both private and public schools.  According to Undersecretary Yolanda Quijano, “the prescribed haircut for boys is at least one inch above the ear and three inches above the collar line.” Schools under the supervision of DepEd are required to follow such standard. Unfortunately, this “haircut policy” has no clear implementing guidelines.  As a general practice, school principals and administrators have the authority to define their own sets of rules on how to implement the policy, including the enforcement of disciplinary actions on erring pupils.

Untitled I

It's not about knowing you when we were there, wandering, in gardens of youthful freedom. What matters is that I've known you, as you are. It's not about seeing you transformed in full splendor palpably radiant and  blinding mortal  eyes. What matters is that I’ve seen you, as you are. It’s not about hearing you, angelic rhythm of imagined voices  wallowing in bitter-sweet laughter. What matters is that I’ve heard you, as you are. It is not about touching you in the deepest  recesses of your uncharted nakedness, utterly lost  in the celebration  of your beauty and passion. What matters most is that I’ve touched you, as you are. It is not about feeling your stormy thoughts and calm contemplations though these are far constellations reached only by stellar signals. What matters most is that I’ve felt you, as you are. ‘Tis not about loving you, sweet rose-p...