Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa inaasal ng 15 grupong partylists sa Mababang Kupulungan ng Kongreso ng Filipinas. Ayon sa mga ulat, pinangunahan ng grupong An Waray ang iba pang mga partylist sa isang di-umano'y "protesta" laban sa partidong Bayan Muna.
Ayon sa An Waray, inaakusahan umano sila ng Bayan Muna (BM) na hindi kabilang sa mga grupong marjinalisado. Itinutulak din di-umano ng BM ang diskuwalipikasyon ng ibang partylists.
Kaya ang ginawa ng An Waray at ng 14 na iba pang partylists: Isinara nila ang kanilang tanggapan, itinaboy ang kanilang mga constituents na humihingi ng tulong, at idinuldol sa Bayan Muna ang mga abang mamamayang nais makakuha ng suporta.
Kakutya-kutya ang ganitong asal. Ipinapakita lamang ng An Waray at ng iba pang grupong partylist na kabatak nito ang kanilang tunay na kulay -- sila ay ASAL AMO. Ang pakiramdam siguro ng ganitong mga grupo ay panginoon sila, na karapatan nilang basta itigil ang pagbibigay serbisyo sa mamamayan.
Baka nakakalimutan ng An Waray at ng iba pang grupong partylist na ang kanilang puwesto sa Kongreso ay utang nila sa taumbayan. Iniluklok sila ng mamamayan sa poder upang maglingkod ng walang patid at walang kondisyon.
At bakit ngayo'y isinasara nila ang kanilang pintuan sa kanilang mga constituents? Dahil lang may gusot sila sa Bayan Muna ay may karapatan na silang talikuran ang kanilang mga pinaglilingkuran.
Ang ganitong gawi at pag-iisip ay mistulang Amo o Bosing, kung sa salitang kalye pa. Pakiramdam ng An Waray at ibang partylist na sila ay mga Bosing, na ang mandato nila ay hindi galing sa tao. Tulad din ito ng pag-uugali ng isang Panginoong Maylupa. Kapag sinumpong at nag-alburoto ang Amo, ay tatalikuran na lang ng walang pakundangan ang mga tauhan. Sisigawan pa sila na "Doon kayo sa iba pumunta at humingi ng tulong! Mga SinVerguenza!"
Iyan. Ganyang-ganyan ang inaasal ngayon ng An Waray partylist sa pamamagitan ng kinatawan nito na si Florencio Bam (bum) Noel. Ganyang-ganyan ang kaisipan ng iba pang grupong partylist na nagsipagsara ng kanilang opisina para lamang kastiguhin ang Bayan Muna.
Ang tanong kay congressman Noel, sa An Waray at sa 14 na partido ay ganito: Kung tunay kayong kinatawan ng mahihirap na mamamayan, bakit ninyo nasisikmurang talikuran sila at pagkaitan ng serbisyo?
Kung tunay na ang inyong puso at damdamin ay para sa mamamayan, bakit ninyo parurusahan at pagdudusahin ang taumbayan para lamang maihayag ang inyong protesta. Ang mamamayan ba ang inyong kalaban?
Ang inaaasal ng An Waray at iba pang partylist na nag-aalburoto ay Asal ng mga Panginoon. Ito ay Asal Amo. Asal Bosing:
Hindi nga kayo karapat-dapat na maging kinatawan ng mahihirap.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento