Sa naunang blog post hinggil sa Dikotomiya ng Kaliwa-Kanan, ipinakita na ang bulagsak at iresponsableng paggamit ng politikal na kategorisasyon at ang maling pag-unawa sa konsepto ng pampolitikang ispektrum ay nagpapabansot sa pag-unlad ng kamalayang pampulitika ng mamamayang Filipino.
Masakit mang aminin, mapurol pa rin ang pag-unawa ng mamamayan sa mga umiiral na grupong pampolitika sa bansa. Hindi natuturol ng taongbayan ang mga prinsipyo, paninindigan, plataporma, at programa ng iba't-ibang nagtutunggaling organisasyon, grupo, at partido sa larangan ng politika.
Ang ganitong masaklap na katotohanan ay bunga ng maling interpretasyon ng mass media sa konsepto ng pampolitikang ispektrum at katamaran ng mga kritiko na magsaliksik at ihayag ang tunay na tunguhin ng mga pampolitikang grupo sa Filipinas. Dagdag pa dito, ang pambabansot sa kamalayang pampolitika ng mamamayan ay bunga rin ng sinadya at malisyosong pambabaluktot ng mga di-umano'y eksperto sa politika at ng masidhing paglulubid ng mapanirang propaganda ng mga pormal na institusyon ng Estado.
Kaya mahigpit ang pangangailangan na matukoy ang tumpak na pagkilala sa iba't-ibang pampolitikang grupo sa Filipinas. Mahalaga ito upang malinang at mapa-unlad ang pang-unawang pampolitika ng mamamayan. Kung matalas magsuri sa politika ang taongbayan, magiging epektibong behikulo sila ng tunay na pagbabagong panlipunan.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento