Kapag lumalabas sa balita ang sinasabing Chinese incursions sa Scarborough Shoal o sa Spratlys Islands, nakamamangha rin ang naglalabasang mga komentaryo sa mga pahayagan, radyo, TV, at lalo na sa mga social media websites kagaya ng Facebook.
Sa totoo lang, parang kayraming makabayan ngayon. Tila ba sila ay handang-handang magpakamatay para labanan ang mga Intsik na nangmamaton sa Filipinas. Kumukulo talaga ang dugo; ang titindi ng angas.
Subalit karamihan ng mga "makabayang" komentaryo ay lagi at lagi na lang nagtatapos sa pahayag na: "kailangan talaga natin ang U.S. para labanan ang China," "...buti pa ang mga kano...," "...sa U.S. na ako kaysa sa Tsina," "kailangan natin ang alyadong Amerikano para hindi tayo pakialaman ng China," at marami pang katulad na mga kahunghangan.
"WAAH!!!" (ika nga ni Sen. Miriam), anong kagaguhan iyan? Ang tapang mong labanan ang isang maton, subalit hihimod ka sa tumbong ng mas malaking maton? Aasta kang makabayan sa pagsasaboy ng retorikang kontra-Intsik, pero mangangayupapa ka sa U.S. na batikan na sa panlalapastangan sa Filipinas mula noong 1898 hanggang ngayon.
Kung kumukulo ang dugo mo at nag-aasta kang makabayan, heto ang mga tanong sa iyo.
Kumukulo ba ang dugo mo kapag nakikita mo ang mga larawang ito:
Ilan lang iyan sa mga napakahabang listahan ng kahayupan at pamamaslang ng tinatawag nating "benevolent" U.S. noong panahon ng digmaang Filipino-Amerikano. Maaaring sabihin ng ilan na bakit kailangang ungkatin pa ang nakaraan, tapos naman iyon. Heto ang sagot sa mga kumukulo ang dugo diyan:
HINDI pa humihingi ng opisyal na paumanhin ang Estados Unidos sa mga nagawang karumaldumal na krimen ng mga tropa nito noong digmaang Fil-Amerikano.
Sa mga nag-aastang "makabayan," kumulo ba ang dugo niyo? Tanungin niyo ang sarili ngayon kung talagang kaibigan ba ng Filipinas ang U.S.
Hindi nagtatapos diyan ang mga katanungan. Heto pa:
Kumulo ba ang dugo mo nang may bariling bata ang tropang Amerikano na noo'y nakabase sa Clark at Subic?
Kumulo ba ang dugo mo nang may mapatay na sibilyan ang ilang tropang Amerikano sa Basilan dahil sa walang pakundangang pagmamaneho:
Kumulo ba ang dugo mo sa napabalitang pagpaslang kay Gregan Cardeno, isang Filipinong interpreter, sa loob ng pinagkakampuhan ng tropang Amerikano sa Marawi. Tingnan mo dito: http://www.karapatan.org/gregan-carde%C3%B1o-3mar10
Kumulo ba ang dugo mo nang ratratin ng bala ang isang Mosque sa Sulu ng pinagsanib na tropang AFP at U.S.Army:
Ngayon, sa mga umaastang "makabayan" at gigil na gigil tirisin ang mga Intsik, heto ang pag-isipan niyo:
Galit na galit ka sa isang maton, pero gusto mong patuloy na mangayupapa sa mga pumaslang, gumahasa, at dumambong sa maraming Filipino at Filipina. Anong klaseng kaisipan iyan. Pastilan.

At the height of the U.S. Bases in the Philippines, when a U.S. G.I. shot and killed a boy salvaging scraps from the garbage area of the U.S. base, the boy was suspected as a “pig.” Nobody knows if the boy’s relatives were ever compensated from the shooting. (http://www.mabuhayradio.com/jgl-eye/ph-should-be-wary-of-u-s-s-carrot-and-stick-diplomacy)Kumulo ba ang dugo mo nang itago ng U.S. sa kanilang embahada ang Marine na si D. Smith matapos mahatulang nagkasala sa kasong panggagahasa ng isang Filipina? Malamang hindi. Maaring ang iba'y kumutya pa sa biktima.
Kumulo ba ang dugo mo nang may mapatay na sibilyan ang ilang tropang Amerikano sa Basilan dahil sa walang pakundangang pagmamaneho:
...witnesses had told police investigators that they saw three vehicles bearing American soldiers running at a high speed toward Isabela City prior to the incident.
Kalbi said one of the vehicles, bearing license plates MIL-025 and was driven by Brown, overtook a passenger bus and encroached on the lane intended for motorcycles.
“When the driver overtook the bus, he narrowly missed the first motorbike, which fell into the ditch. But the pickup driver hit the next motorbike, being driven by Mallatin,” he said.
Kalbi said because of the impact, the Mallatin siblings were thrown several meters away from their motorbike.
He said Brown refused to be detained and rejected police efforts to impound his vehicle. (http://newsinfo.inquirer.net/17795/vfa-commission-probes-road-mishap-involving-us-soldier)
Kumulo ba ang dugo mo sa napabalitang pagpaslang kay Gregan Cardeno, isang Filipinong interpreter, sa loob ng pinagkakampuhan ng tropang Amerikano sa Marawi. Tingnan mo dito: http://www.karapatan.org/gregan-carde%C3%B1o-3mar10
Kumulo ba ang dugo mo nang ratratin ng bala ang isang Mosque sa Sulu ng pinagsanib na tropang AFP at U.S.Army:
The Philippine soldiers composed of Marines with the help of US Army stationed in Sulu, attacked the mosque (house of prayer) in Jolo, Sulu. (http://www.afrim.org.ph/minda-news-page.php?nid=6732)Kumulo ba ang dugo mo nang ginawang mistulang Bahay-Aliwan ng mga tropang Amerikano ang Filipinas noong mayroon pang base militar. At nag-iwan pa sila ng halos 30,000 Amerasian:
The phenomenon of Amerasian children, now estimated at 30,000 is another consequence of the US bases presence in the country. These children receive no assistance from the US and Philippine governments, save for the very minimal and oftentimes difficult to access educational grants from one American organization. Ingrained in the culture of colonialism are racist attitudes so that particularly the children of Afro American fathers and Filipino women are ostracized and seen more negatively than the light-skinned, light-haired counterparts. (http://catwap.wordpress.com/resources/speeches-papers/prostitution-and-the-bases-a-continuing-saga-of-exploitation/)Napakarami pang kaso nang pambubusabos ng U.S. sa Filipinas ang naitala na at mas marami marahil ang hindi naitala.
Ngayon, sa mga umaastang "makabayan" at gigil na gigil tirisin ang mga Intsik, heto ang pag-isipan niyo:
Galit na galit ka sa isang maton, pero gusto mong patuloy na mangayupapa sa mga pumaslang, gumahasa, at dumambong sa maraming Filipino at Filipina. Anong klaseng kaisipan iyan. Pastilan.
still.. gusto ko pa rin tirisin ang mga intsik!
TumugonBurahinHehe. alam ko kung bakit. ;-p
BurahinAng nangyayaring ngayon sa Spratly's ay walang iba kundi salpukan ng dalawang malaking bato na walang ibang maiipit o magiging kaawaawa kundi ang Pilipinas dahil pareho lang sila ng interes, dominasyon at pagtapak sa soberanya ng iba para umangat-- iba lang ang paraan, ang isa ay tahasang panlulupig (China) at isa ay kunwariang pagtulong ng U.S dahil hindi naman talaga pagtulong ang ginagawa ng U.S, andito sila para panatilihin neo-kolonya nila ang Pilipinas at hindi naman talaga pagtulong yun dahil ang lahat ng yon ay utang at patung-patong ang interes.
TumugonBurahinhttp://dugoangpanulat.blogspot.com/2012/04/una-sa-lahat-kung-nagbabasa-ang-bawat.html
MAHUSAY ANG IYONG PAGKASUSULAT, MABUHAY KA! :D