Maraming nagsasabi na ang isyu sa Hacienda Luisita ang magiging pinakamalaking pagsubok sa sinseridad ng bagong luklok na Pangulong Benigno Aquino III.
Anila, ang magiging tugon ni P-Noy sa isyu ang magpapatunay ng katapatan niya sa kaniyang mga binitiwang pangako noong panahong ng eleksiyon tungkol sa pagsasakatuparan ng hustisyang panlipunan sa Pilipinas.
Totoo nga ba na ang isyu ng Hacienda Luisita ang magiging pagsubok sa panguluhan ni Noynoy Aquino? Marapat ba na asahan ng mga magsasaka na maisantabi ni Pangulong Aquino ang kaniyang pang-pamilyang interes at paboran ang matagal nang hiling ng mga manggagawang bukid sa Hacienda?
Matagal nang tinimbang si Benigno Aquino III hinggil sa isyu ng Hacienda Luisita. Kahit sabihin pa na ang pagtimbang na ito'y maaaring simulan lamang noong siya ay naging kasapi ng Kamara.
Tinimbang na si Noynoy Aquino sa usapin ng Hacienda Luisita ngunit siya'y kulang. Sinubok na ang kaniyang paninindigan sa usapin ng repormang agraryo; at siya'y napatunayang hungkag.
Kung babalikan ang madugong Hacienda Luisita masaker noong 2004, matingkad ang ginawang pagyurak ni Noynoy Aquino sa protesta ng mga manggagawang bukid.
Matapos ang masaker, walang kakurapkurap na sinabi ni Aquino na ang "welga ay ilegal dahil walang strike vote na nangyari." Ibig sabihin ba nito na mayroon nang karapatan ang estado ng paslangin ang mga manggagawa?
Di pa nasiyahan si Aquino noon. Idinagdag pa niya na ang kaguluhan at unang putok ay nagmula sa panig ng mga welgista.
Pinaulanan aniya ng "sniper fire" ang mga pulis at sundalo "mula sa kanugnog na baranggay." Magkagayon, sabihin mang ang panaginip na ito ay may katotohanan, kung sa kabilang baranggay pala naggaling ang putok, bakit ang binuweltahan ay ang mga manggagawang nasa tarangkahan ng Hacienda?
Kahit paano pagbalibaligtarin ang mga pangyayari, ang inasal ni Noynoy Aquino matapos ang masaker ay malinaw na panlilinlang sa publiko. Ang masaklap pa, ni kurot ng pagsisisi sa ginawang krimen laban sa mga magsasaka ay di kinakitaan ang taong ito, na siya ngayong umaastang Tagapagligtas ng Pilipinas.
Hindi lamang iyan. Sabi ni noo'y Kongresman Noynoy Aquino, ang mga manggagawa ay nasulsulan ng mga maka-kaliwang grupo. Klasikong kaisipan ng isang asendero ito. Kapag ang kasama ay lumaban, malamang ito'y nalason ang isip. Bakit? Tatalab ba ang paliwanag ng Kaliwa kung hindi dama ng mga manggagawa at manggagawang bukid ng Hacienda Luisita ang kahirapan at pagsasamantala?
Kaya mayroon bang dapat asahan ang mga manggagawa at manggagawang bukid ng Hacienda Luisita kay Noynoy Aquino? Mayroon. Asahan na nila na ang pangulong ito ay di papanig sa kanila.
Ngayon na muling natampok ang isyu sa Hacienda Luisita, malinaw ang tindig ni Noynoy Aquino. "Wala ako diyan pare; labas ako diyan. Hayaan na lang ang Korte Suprema na magdesisyon dyan. Pribadong usapin iyan e."
Kung natatawa ka sa malambot na tindig ni Pangulong Aquino sa usapin ng Hacienda Luisita; huwag. Huwag kang matawa. Dahil dapat ay maiyak ka sa galit.
Ang repormang agraryo ay isang usaping panlipunan. Hindi ito dapat ipagkibit balikat ng isang pangulo, na para bagang siya'y si Ponsyo Pilato na naghuhugas ng kamay. Ang masaklap pa nito, hindi ba't ang pinigilang pamamahagi ng lupa na nakabinbin sa Korte Suprema ay kaso ng gobyerno.
Bilang pangulo ng gobyerno, dapat siya ang pinakaunang magsusulong na maipanalo ito. Pero ano ang ginagawa ni P-Noy? Imbes magbigay ng malinaw na mandato sa kaniyang mga taga-usig, ay nanlalambot pa.
Ang masakit pa, alam na ni Pangulong Aquino ang nilulutong "kasunduan" sa Hacienda Luisita. Hindi ba malinaw na pag-traydor ito sa kaso ng DAR na nakabinbin sa Korte Suprema?
Kung hihimay-himayin ang mga naging aksyon, pahayag, at ang pananahimik ni Pangulong Noynoy Aquino hinggil sa usapin ng Hacienda Luisita, baka humaba lamang ng humaba ang blog post na ito.
Isa lamang ang dapat tandaan ng karamihan. May maaasahan ba ang mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita kay Pangulong Aquino? Malinaw ang sagot dito: Wala.
Matagal nang tinimbang si Noynoy sa usapin ng Hacienda Luisita at siya ay kulang sa bigat.
Nang magbitiw siya ng pahayag na "Kayo ang Boss Ko!", marahil ang tinutukoy niya ay ang kaniyang mga kamag-anak na Cojuangco-Aquino.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento