I
Siya na plauta, siya
na lagi kong inibig.
Siya na alaala ng
tubig, sa uhaw kong isip.
Ang lunggati ng
lunggati,
Ang samyo ng
siphayo.
Siya na Hininga ng
bukangliwayway,
Alaala ng
kasaganahan ng ginapas na palay.
Usok ng piging ng
alaalang 'di magmaliw.
Siya ang lahat ng
kailanman,
Na hindi kailanman
magiging ngayon.
At nauunawaan ko ang
mga tala,
Sa kanilang
kalungkutan.
II
Kumusta na si
Chairman Gonzalo at Commander Zero?
Nagising na ba sila
sa pagkakahimbing sa hardin?
Tagay para kay Amado
Guerrero!
Tagay para kay
Armando Liwanag!
Pero huwag
kalilimutan-
Isang marangyang
tagay para kay Dagohoy,
At sa isangdaan taon
niyang pag-aaklas!
Naalala ko si
Hikmet, Neruda, at Uncle Ho-
Isang marangyang
piging sila ng pag-aalay sa sarili.
Sinta,
Hayaan akong
magtampisaw sa Ilog Lena
At tumula nang may
asupre sa bibig,
Asero sa dibdib,
At may pagpaslang sa
panaginip.
Pagdaka'y babagtasin
ang daan papuntang Yenan,
Inaawit ang iyong
pangalan na tila hibang.
Naaalala ang mga
baywang na iyan,
Ang mga baywang,
Na hinahaplos sa
bukangliwayway.
III
Pagkatapos ng
Rebolusyon,
Sa panahon ng
Rekonstruksiyon,
Nariyan ka pa kaya?
Maaalala mo pa kaya
tayong dalawa?
Mga manlalakbay ng
malay,
Mga pangahas ng
bukas?
-- George Tumaob
Calaor
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento