Ito ang oras ng pag-aagawan
binababag ng gabi ang umaga
nilalamon ng dilim ang liwanag ng araw
pinapupusyaw ng sinag ng buwan
ang paghihingalo ng kanluran.
Ito ang oras ng pagsisiksikan
ng laksang nilalang
sa mga estribo ng sasakyan
dahil nais nang manaig ng pamamahinga
sa kanilang katawang bugbog sa maghapong pagpapagod.
ito ang oras ng pagsuong
sa daluyong ng balisang talampakan
na nag-aapurang makauwi
dahil mahapdi na ang kalyong
nakipagtunggali sa de-gomang sapatos.
Ito ang oras ng paglipad
ng mga bituin ng gabing
naninirahan sa bahay alitaptap
upang makipagbuno sa libog ng mga parokyanong
naghahanap ng kaligtasan sa panandaling kaligayahan.
Ito ang oras ng pagtalas
ng mga mata ng buwitreng
nakaunipormeng asul
at may bota't silbato
upang may pangmeryenda sa gagawing pagpupuyat.
Ito ang oras na pumapailanlang
ang mga makabagong agilang
dumadagit ng cellphone at bag
upang may maiuwing
pantawid gutom o pantawid bisyo?
Ito ang kasukalan
sa ganitong oras pagbaba ng telon.
May tamis na malalasap
sa kumukulapol na maitim na usok.
May pait na matitikman
sa maling akala ng pulutong
na sila'y makapagpapahinga na
ng payapa.
-Jay M. Pascual
Ang Monumento sa Takipsilim ay bahagi ng kalipunan ng mga tula na libreng mada-download sa SmashWords. Mangyari lamang sundan ang link na ito: MGA TULA SA BAUL ni Jay M. Pascual
Format: ePub, PDF, RTF, Mobi, Text, Online

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento