Lumaktaw sa pangunahing content

Kung Ako'y Malimot Mo

[ni Jay Pascual, pagsasalin mula sa salin ng tula ni Pablo Neruda "If You Forget Me"]
Nais kong matanto mo
ang isang bagay.

Batid mo na ito:
kung aking tanawin
ang maningning na buwan, sa matikas na sanga
ng taglagas sa aking durungawan,
at kung aking haplusin
ang ningas ng apoy
at dagitab ng baga
sa kuluntoy na balat ng kahoy,
ang lahat ay nag-aanyaya sa akin tungo sa iyo
tila ba lahat ng nilalang,
samyo, liwanag, asero,
ay mga munting bangkang
naglalayag
tungo sa iyong mga pulong nakaantabay sa akin.

At kung,
unti-unti'y limutin mo akong mahalin,
ika'y unti-unti ko ring lilimuting ibigin.

Sakaling
limutin mo ako
huwag na akong hagapin,
pagkat ika'y nalimot ko na rin.

Kung sa iyong masalimuot na pag-iisip,
na ang pagaspas ng hangi'y
humahalik sa kaibuturan ng aking buhay,
at kung maisipan mo'ng
lisanin ako sa dalampasigang
kinaluklukan ng aking damdamin,
alalahanin mo,
na sa araw na iyon,
at sa oras ding iyo'y,
ididipa ko ang aking bisig
upang ang aking kaibutura'y maglayag
tungo sa ibang pook.

Subalit,
sa bawat araw,
sa bawat saglit,
na madama mo'ng ika'y akin pa rin
sa di mahinuhang tamis ng pagsamo,
kung sa bawat sandaling ang bulaklak
ay manahan sa iyong mga labi upang ako'y apuhapin,
aking sinta, aking giliw,
lahat ng lagablab na iya'y nadarama ko rin,
walang napugto, walang nalimot
ang pag-ibig ko'y binubuhay ng pagsinta mo, giliw,
at habang ika'y nabubuhay lahat ng iya'y nasa iyo
at di rin lilisan sa akin.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon

Introduksiyon UPDATE: Ang librong Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon ay maaari nang mabili sa lokal na online shop ng JMP Creative Media. Sundan lamang ang link na ito: BUY NOW: MGA KUWENTONG BAYAN NG BUKIDNON.   Ang pagbabasa ng mga katutubong kuwentong bayan ang isa sa pinakamabisang paraan upang maunawaan ang kultura ng isang bansa. Ayon kay William Bascom, isang kilalang Amerikanong kuwentista at antropolohista, ang mga kuwentong bayan ay salamin ng mga katutubong kaugalian, tradisyon, ritwal, at kultura. Nilalaman ng mga katutubong kuwento ang buod ng pagkatao ng isang partikular na grupo sa lipunan. Ang paglalathala ng e-Book na ito ay isang pagtatangka na maibahagi sa buong daigdig ang ilang piling kuwentong bayan ng tribung Bukidnon sa Hilagang Mindanao, sa wikang madaling maintindihan ng kabataang Filipino. Sa gayon, magiging mas nakaaaliw ang kanilang pagbabasa. Marami na ang nalimbag na mga kuwentong bayan ng tribung Bukidnon. Subalit kadalasan, ang mga kuwento ay nakasulat

Forced Haircut in Schools is Corporal Punishment

Forced Haircut in Schools is Corporal Punishment (Why This Policy Is Unjust and Violates Basic Child Rights) Valencia City, BUKIDNON.  The Department of Education (DepEd) has a long-standing policy that governs good grooming. This includes prescribing a so-called proper haircut for male pupils in both private and public schools.  According to Undersecretary Yolanda Quijano, “the prescribed haircut for boys is at least one inch above the ear and three inches above the collar line.” Schools under the supervision of DepEd are required to follow such standard. Unfortunately, this “haircut policy” has no clear implementing guidelines.  As a general practice, school principals and administrators have the authority to define their own sets of rules on how to implement the policy, including the enforcement of disciplinary actions on erring pupils.

Untitled I

It's not about knowing you when we were there, wandering, in gardens of youthful freedom. What matters is that I've known you, as you are. It's not about seeing you transformed in full splendor palpably radiant and  blinding mortal  eyes. What matters is that I’ve seen you, as you are. It’s not about hearing you, angelic rhythm of imagined voices  wallowing in bitter-sweet laughter. What matters is that I’ve heard you, as you are. It is not about touching you in the deepest  recesses of your uncharted nakedness, utterly lost  in the celebration  of your beauty and passion. What matters most is that I’ve touched you, as you are. It is not about feeling your stormy thoughts and calm contemplations though these are far constellations reached only by stellar signals. What matters most is that I’ve felt you, as you are. ‘Tis not about loving you, sweet rose-petal of dreams,