(Para sa mga biktima ng Pablo na binibiktima pa ng gobyerno)
I
Matagal na kaming nagtitimpi,
bago pa dumating si Pablo.
Matagal na kaming nangingimi,
bago pa manalakay ang delubyo.
Ang sabi niyo kami’y sanggano,
mga kawatang basag-ulo.
Ang sabi niyo kami’y nanggugulo,
sa “tuwid na daan” nitong gobyerno.
Ang sabi naman nami’y Putang Ina ‘Nyo!
Kami ang sinasanggano.
Kami ang binasagan ng ulo.
Kami ang dinudusta ng tampalasang gobyerno.
Dantaon na kaming sikil,
Daan-daan na rin ang pinatay sa amin.
Ngayon kami ay umaangil,
may gana pa kayong kami’y kutyain?
II
Kami ang mga Lumad,
na inagawan ng lupang pamana.
Unti-unti kaming kinaladkad,
sa kasuluk-sulukang gubat at tumana.
Ang lupa nami’y ninakaw,
upang konsesyon ng mina’t troso’y pagbigyan.
Itinaboy kaming parang langaw,
upang plantasyon ng saging at pinya’y payagan.
Kami ang mga magsasaka,
na dantaon na ring binusabos ng dusa.
Lupang para sa amin,
kinamkam ng mga kompanyang sakim.
Dantaon na ito, tandaan niyo.
Kayong nasa gobyerno.
Ang mga pandarambong na ito,
pawang may basbas ng mga pangulong hunyango.
Ang sabi nga ng matatanda,
salop ma’y napupuno rin.
At dahil kami’y punong-puno na,
marapat lamang na pang-aapi’y kalusin.
Ngayon, matatawag bang sanggano,
kaming pinagkaitan ng pangarap?
Masasabi bang pang-gugulo,
ang pagsungkit sa hustisyang aming hanap?
I
Matagal na kaming nagtitimpi,
bago pa dumating si Pablo.
Matagal na kaming nangingimi,
bago pa manalakay ang delubyo.
Ang sabi niyo kami’y sanggano,
mga kawatang basag-ulo.
Ang sabi niyo kami’y nanggugulo,
sa “tuwid na daan” nitong gobyerno.
Ang sabi naman nami’y Putang Ina ‘Nyo!
Kami ang sinasanggano.
Kami ang binasagan ng ulo.
Kami ang dinudusta ng tampalasang gobyerno.
Dantaon na kaming sikil,
Daan-daan na rin ang pinatay sa amin.
Ngayon kami ay umaangil,
may gana pa kayong kami’y kutyain?
II
Kami ang mga Lumad,
na inagawan ng lupang pamana.
Unti-unti kaming kinaladkad,
sa kasuluk-sulukang gubat at tumana.
Ang lupa nami’y ninakaw,
upang konsesyon ng mina’t troso’y pagbigyan.
Itinaboy kaming parang langaw,
upang plantasyon ng saging at pinya’y payagan.
Kami ang mga magsasaka,
na dantaon na ring binusabos ng dusa.
Lupang para sa amin,
kinamkam ng mga kompanyang sakim.
Dantaon na ito, tandaan niyo.
Kayong nasa gobyerno.
Ang mga pandarambong na ito,
pawang may basbas ng mga pangulong hunyango.
Ang sabi nga ng matatanda,
salop ma’y napupuno rin.
At dahil kami’y punong-puno na,
marapat lamang na pang-aapi’y kalusin.
Ngayon, matatawag bang sanggano,
kaming pinagkaitan ng pangarap?
Masasabi bang pang-gugulo,
ang pagsungkit sa hustisyang aming hanap?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento