Maraming nagsasabi na ang isyu sa Hacienda Luisita ang magiging pinakamalaking pagsubok sa sinseridad ng bagong luklok na Pangulong Benigno Aquino III. Anila, ang magiging tugon ni P-Noy sa isyu ang magpapatunay ng katapatan niya sa kaniyang mga binitiwang pangako noong panahong ng eleksiyon tungkol sa pagsasakatuparan ng hustisyang panlipunan sa Pilipinas. Totoo nga ba na ang isyu ng Hacienda Luisita ang magiging pagsubok sa panguluhan ni Noynoy Aquino? Marapat ba na asahan ng mga magsasaka na maisantabi ni Pangulong Aquino ang kaniyang pang-pamilyang interes at paboran ang matagal nang hiling ng mga manggagawang bukid sa Hacienda?
Personal na blog sa wikang Filipino. Talakayan sa kultura, politika, balita, tula, kuwento, negosyo, reklamo, at kung ano-ano pa.