Hindi lang pagtatmpisaw sa dagat o swimming pool ang kinasasabikan ng mga kabataan kapag tag-araw. Dahil nga summer at wala nang pasok sa eskuwelahan, inaasam-asam nila ang walang humpay na paglalaro nang halos buong araw. Noong kabataan ko, mga dekada otsenta iyon, naaalala ko pa ang mga karaniwang larong pambata na kinatutuwaan naming magkakapatid at magpipinsan. Madalas kaming maglaro ng tumbang-preso, taguan-pong, habulan o kampo-kampo, chato, sipa, turumpo, bahay-bahayan, luksong-tinik, luksong baka, chinese garter, at kung minsa’y basketbol o sopbol. Pansinin na halos lahat ng mga larong nabanggit ay may pagka-pisikal. Kailangan maliksi ka, mabilis tumakbo, madiskrate (o magulang din minsan), at kakailanganin mo ang sapat na lakas upang tumagal ka sa laro. Dahil kung lalampa-lampa ka, siguradong mababalagoong ka sa laban. Ikaw ang palaging magiging taya at tampulan ng pambubuska. Ngayon ay tag-araw na naman. Bakasyon na ang mga mag-aaral. Sa panahon ng mga makabagong g...
Personal na blog sa wikang Filipino. Talakayan sa kultura, politika, balita, tula, kuwento, negosyo, reklamo, at kung ano-ano pa.