Linggo ng gabi nang huli kitang makita. Ginupo na ng sakit ang iyong dating sigla. Ang yayat mong katawan ay mistulang kandilang nauupos; umaandap sa pakikipaglaban sa kumakalat na dilim. Buong tatag kong ibinubulong sa iyo ang himig ng pagmamahal. Batid ko kasing naririnig mo pa rin ako, at nag-aalala sa aking kalagayan. Palagi ka naman kasing nag-aalala. Katangian mo na ang maging maaalalahanin. Tinangka kong ipanatag ka, kahit man lamang sa huling sandali ng iyong buhay, upang mayakap mo nang payapa ang liwanang na naghihintay sa dulo ng karimlan. Bago ako magpaalam ay isang mapait na luha ang nangilid sa aking mata. Pilit ko iyong iwinaksi. Nais ko kasing maghiwalay tayo nang may giliw, nang masaya… katulad noong tayo’y magkasama pa. Kasabay sa pagputol ng bidyo sa telepono ay ang ragasa ng laksang hinagpis. Iyon na ang huli nating pagkikita. Iyon na ang huli kong pakikipag-usap sa iyo. At bago maghating-gabi, ilang oras matapos kitang makita, ay iniwan mo na kami. Alam kong ma...
Personal na blog sa wikang Filipino. Talakayan sa kultura, politika, balita, tula, kuwento, negosyo, reklamo, at kung ano-ano pa.