Paano Ba Gumawa ng Tsaang Malunggay / Homemade Moringa Tea Karaniwan nang makita ang puno ng malunggay sa mga bakuran ng bahay, lalo na sa mga probinsya. Madali kasi itong itanim at patubuin. Hindi rin nangangailangan ng matinding pag-aalaga ang punong ito. Kahit iwan mo lang at diligan paminsan-minsan ay yayabong na siya nang kusa. Sa mga palengke, limang piso hanggang sampung piso ang isang bungkos ng dahon ng malunggay. Dito sa amin, pupunta lang kami sa likod bahay at pipitas ng dahon. Ayos na. Puwede na magluto ng sinabawang ulam na may malunggay. Tulad ng ibang gulay, maraming mabuting naidudulot sa kalusugan ang dahon ng malunggay. Maganda itong ipainom sa may sakit, sa mga sinisipon, sa mga may lagnat. Marami na rin kasing pag-aaral na nagpapatunay na nakatutulong ang malunggay sa pagpapalakas ng katawan. Kaya naman naisipan kong gumawa ng tsaa gamit ang dahon ng malunggay. Madali lang naman gawin ito. Kukuha ka lang ng dahon at patutuyuin. Dudurugin ang pinatuyong daho...
Personal na blog sa wikang Filipino. Talakayan sa kultura, politika, balita, tula, kuwento, negosyo, reklamo, at kung ano-ano pa.