Unang Bahagi Kaliwa, Kanan. Extreme Left, extreme Right, democratic Left, Leftist community, at kung anu-ano pang pagkakategoriyang pampolitika na animo'y mga direksiyon sa kalye. Sa agham pampolitika, ang mga katawagang ito ang kumakatawan sa partikular na politikang paninindigan ng isang tao, grupo ng mga tao, o organisasyon. Tinatawag itong political spectrum. Sa kasalukuyang konteksto ng politika sa Filipinas, naging kapansin-pansin nitong mga nakakaraang araw ang paglitaw muli ng ganitong uri ng pagkakategoriya. Pangunahin na rito ang bulagsak na paggamit sa mass media at sa social media ng katagang "extreme Left."
Personal na blog sa wikang Filipino. Talakayan sa kultura, politika, balita, tula, kuwento, negosyo, reklamo, at kung ano-ano pa.