Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2012

Ranting about Writing or What Causes Writing Catatonia

Writing web content is an art form. You need to have a certain degree of talent to write engaging and effective content that will interest your audience. However, writing web content is also skill that can be learned. And like all skills that you've learned, you can easily unlearn web content writing. You can lose your groove, your rhythm, and, eventually, your confidence. A writer needs to write consistently, with regularity, in order to sharpen and improve his craft. If you will not make it a habit to put your thoughts into a coherent composition, then you will easily fall into the abyss of what I call, writing catatonia. People say that writers are moody; that they need a muse or an inspiration to get the words flowing. Most writers often nurture this impression. In fact, they cultivate such idea because of a mistaken notion that inspiration is the driving force that propels the creative spirit of every artist. Writers are artists, there is no debate about that. But you ...

Ang Tumpak na Pagkilala sa mga Pampolitikang Grupo sa Filipinas

Sa naunang blog post hinggil sa Dikotomiya ng Kaliwa-Kanan , ipinakita na ang bulagsak at iresponsableng paggamit ng politikal na kategorisasyon at ang maling pag-unawa sa konsepto ng pampolitikang ispektrum ay nagpapabansot sa pag-unlad ng kamalayang pampulitika ng mamamayang Filipino. Masakit mang aminin, mapurol pa rin ang pag-unawa ng mamamayan sa mga umiiral na grupong pampolitika sa bansa. Hindi natuturol ng taongbayan ang mga prinsipyo, paninindigan, plataporma, at programa ng iba't-ibang nagtutunggaling organisasyon, grupo, at partido sa larangan ng politika. Ang ganitong masaklap na katotohanan ay bunga ng maling interpretasyon ng mass media sa konsepto ng pampolitikang ispektrum at katamaran ng mga kritiko na magsaliksik at ihayag ang tunay na tunguhin ng mga pampolitikang grupo sa Filipinas. Dagdag pa dito, ang pambabansot sa kamalayang pampolitika ng mamamayan ay bunga rin ng sinadya at malisyosong pambabaluktot ng mga di-umano'y eksperto sa politika at ng masid...

Using Zoundry Raven Blogging Client

Zoundry Raven is a desktop blog editor compatible with Blogger and other popular blogging platforms. It is an open source project and currently in Beta mode. I'm going to try this software to see if it can simplify and fast track my blogging activities. Some of the best features of Zoundry Raven include Tabbed Editor, multiple blog support, a simplified interface, and an option for portable blogging. The user interface looks and feels like any common word processor. This could be good for newbie bloggers. The advanced options, however, such as one-click re-publishing, video insert, and ping back tools make this software suitable for power bloggers. I will try to evaluate the performance of Zoundry Raven after I use it for a couple of weeks. For more details about this desktop blogging client, please visit the official website of Zoundry Raven .

Mga Partylists na Asal Amo

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa inaasal ng 15 grupong partylists sa Mababang Kupulungan ng Kongreso ng Filipinas. Ayon sa mga ulat, pinangunahan ng grupong An Waray ang iba pang mga partylist sa isang di-umano'y "protesta" laban sa partidong Bayan Muna. Ayon sa An Waray, inaakusahan umano sila ng Bayan Muna (BM) na hindi kabilang sa mga grupong marjinalisado. Itinutulak din di-umano ng BM ang diskuwalipikasyon ng ibang partylists. Kaya ang ginawa ng An Waray at ng 14 na iba pang partylists: Isinara nila ang kanilang tanggapan, itinaboy ang kanilang mga constituents na humihingi ng tulong, at idinuldol sa Bayan Muna ang mga abang mamamayang nais makakuha ng suporta. Kakutya-kutya ang ganitong asal. Ipinapakita lamang ng An Waray at ng iba pang grupong partylist na kabatak nito ang kanilang tunay na kulay -- sila ay ASAL AMO. Ang pakiramdam siguro ng ganitong mga grupo ay panginoon sila, na karapatan nilang basta itigil ang pagbibigay serbisyo sa mamamayan.