Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2014

Enero Tres

ang iyong mga kaway ang indayog ng iyong munting kamay ay tagpas ng tabak sa aking dibdib papaalis ka na papaalis ka nang muli tungo sa dalampasigan ng iyong kamusmusan ang iyong ngiting sintamis ng umaga ay punglo sa aking dibdib ang iyong mga kaway ang iyong mga ngiti ay kumikitil sa puso kong namimighati

Financial Planning Mo'ng Mukha Mo

Siyam sa bawat sampung Filipino ay palaging kapos sa pera. Dahil umano ito sa kahinaan ng nakararaming Pinoy na mag-plano ng pinansiya. Financial planning, ika nga; o di kaya'y budget management. Ito ang headline sa diyaryo na nabasa ni Ambo habang naghihintay ng masasakyan papunta sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Si Ambo ay kontraktuwal na manggagawa sa isang pabrika ng garments sa Maynila. Sumasahod siya ng 350 piso kada araw. At dahil kontraktuwal, no-work no-pay ang kaniyang sitwasyon. Naengganyo si Ambo na basahin ang artikulong kaniyang nakita sa diyaryo. Dama niya kasi ang binabanggit sa headline -- kapos lagi ang pinansiya ng kaniyang pamilya sa bawat buwan. Kailangan pa niyang mangutang o bumale upang maitawid ang isang buong buwan. Kaya naman masusi niyang binasa ang artikulo upang malaman ang maaaring solusyon sa kaniyang problema. Gaya nga ng nabanggit sa headline, mayor na salik daw sa pagiging kapos sa pananalapi ay ang kawalang kaalaman sa pagpaplano ng pinansiya. Gust...

Kamatayan, Paglalakbay, at Paglaya

Sa unang taong anibersaryo ng pagyao ng aking ina, muli kong ilalathala ang artikulong ito bilang pag-alaala sa kaniya: Kamatayan, Paglalakbay, at Paglaya Sa panahon ng pagdadalamhati, naging kaulayaw ko na ang mga piling sanaysay at tula ng aking mga paboritong manunulat. Tila baga pampamanhid ng kirot ang kanilang mga berso. Ang mga pangungusap at talata ay mistulang pampa-ampat ng nagdurugong damdamin. Mabisang lunas sa kalungkutan ang pinagdugtong-dugtong na titik. Naipaliliwanag nila ang dahilan ng mga bagay. Nabubuksan ng mga pangungusap ang pag-unawa sa mga pangyayaring mahirap matanto, at mahirap tanggapin. Katulad sa usapin ng kamatayan. Sino ba sa atin ang hindi nagdadalamhati kapag ang isang mahal sa buhay ay pumanaw? Likas sa tao ang mag-asam na makapiling nang habambuhay ang mga pinakamamahal. Subalit walang nilalang ang maaaring mabuhay magpakailanman. Ito ang isa sa mga pinakamsaklap na katotohanan ng buhay. Ang lahat ay matatapos; ang lahat ay mapupugto. Sinum...