Lumaktaw sa pangunahing content

Financial Planning Mo'ng Mukha Mo

Siyam sa bawat sampung Filipino ay palaging kapos sa pera. Dahil umano ito sa kahinaan ng nakararaming Pinoy na mag-plano ng pinansiya. Financial planning, ika nga; o di kaya'y budget management.

Ito ang headline sa diyaryo na nabasa ni Ambo habang naghihintay ng masasakyan papunta sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Si Ambo ay kontraktuwal na manggagawa sa isang pabrika ng garments sa Maynila. Sumasahod siya ng 350 piso kada araw. At dahil kontraktuwal, no-work no-pay ang kaniyang sitwasyon.

Naengganyo si Ambo na basahin ang artikulong kaniyang nakita sa diyaryo. Dama niya kasi ang binabanggit sa headline -- kapos lagi ang pinansiya ng kaniyang pamilya sa bawat buwan. Kailangan pa niyang mangutang o bumale upang maitawid ang isang buong buwan.

Kaya naman masusi niyang binasa ang artikulo upang malaman ang maaaring solusyon sa kaniyang problema. Gaya nga ng nabanggit sa headline, mayor na salik daw sa pagiging kapos sa pananalapi ay ang kawalang kaalaman sa pagpaplano ng pinansiya. Gusto niyang matuto nito nang sa gayo'y maitawid man lamang niya ang isang buwan nang hindi nangungutang.

Halos buong maghapong pinag-isipan ni Ambo ang tungkol sa financial planning. Habang nagtatabas siya ng tela ay unti-unti niyang binubuo sa isip ang paghahanay ng mga gastusin ng kaniyang pamilya sa isang buwan.

At nagplano na nga si Ambo...

Pagka-uwi sa bahay ay agad na naupo si Ambo sa sala at hinarap ang pagbabadyet. Hiniram niya ang calculator ng panganay na anak at inilatag sa harapan ang malinis na papel. Habang hawak ang lapis ay nagsimulang mag-isip si Ambo. Kinagat-kagat pa niya ang maikling pambura na nakausli sa dulo ng lapis.

Inisip ni Ambo na gawin munang arawan ang pagpaplano ng kanilang pinansya. At heto na nga:

1. Sahod sa isang araw: P350
2. Kita ni misis sa pagtitinda ng pisbol: P150

Kabuuang pumapasok na pera: P500

Ngayon, kailangan niyang kuwentahin ang gastusin sa araw-araw. Tatlo ang anak niya: dalawa ay nasa hayskul at grade 3 naman ang bunso. Kasama si misis, siya, at ang biyenang babae, anim silang lahat sa bahay.

3. Mga gastusin:

a. 1 1/2 kilong bigas - P60.00
b. Ulam - P100.00
c. baon ni Ambo Jr. - 30
d. baon ni Nene - 30
e. baon ni bunso - 15
f. baon ko - 75

(note: kasama na sa baon ang pamasahe, pangmeryenda/recess)

Kabuuang gastusin sa araw-araw: P310.00

Ayos! 500 minus 310 ay ekwals 190. May siyento-nubenta pang natira. Kung itatayms ito sa dalawampung araw na may suweldo at kita ay P3,800.

Pero naisip ni Ambo na may kulang pa sa kalkulasyon niya. Paano ang buwanang bayad sa kuryente? 600 ang bill sa karaniwan. Kung aawasin ito sa 3,800 ay matitirhan siya ng 3,200.

At nga pala, kailangan pang magbayad kay Ka Bising para sa upa sa bahay. 2,000 iyon. 3,200 - 2,000 = 1,200 na lang.

Teka nga pala ulit. Naisip bigla ni Ambo ang pambili ng groseri? Babaho ang pamilya niya kung walang sabon panligo, shampoo'ng mumurahin, sabon panlaba... ay naku ang bayad nga pala sa tubig, 200 piso din iyon!

May 1,000 pa para sa groseri. Mga sabon, asukal, kape, gatas ni bunso, napkin ni misis at ni Nene, pildoras pa pala, gamot sa hayblad ni nanay. Paano nga rin pala ang pambili ng mga gamit sa eskwela: papel, project, art paper, at kung anu-ano pang hinihingi sa eskwelahan.

Kasya na kaya ang isang libo para sa lahat ng nailista niya?

Magdamag na binalibaligtad ni Ambo ang listahan. Sinuring mabuti. Kinuwenta muli. Kapos talaga. Binaklas niya muli ang listahan ng gastusin. Pinag-isipan ni Ambo kung ano ang aalisin.

Huwag na lang kayang magkape? Huwag na ring mag-gatas ang mga bata. Mag-ayuno na lang kaya siya sa seks para di na bibili ng pildoras si misis. Naku mas delikado yun, baka madisgrasya pa at madagdagan ang anak niya.

Huwag na lang kayang painumin ng gamot si biyenan, tutal lagi namang hayblad yun? Napailing si Ambo, naaawa naman siya sa kalagayan ng ina ng asawa.

Bawasan kaya niya ang baon araw-araw? Pero halos pamasahe na lang talaga naman ang baon niya.

Dalawang beses na lang kaya sila kakain sa isang araw? At bawasan ang kanin para isang kilo na lang? O di kaya'y tuyo't dilis na lang araw-araw ang ulam at manghingi na lang ng dahon ng malunggay sa eskwelahan.

Napagod na si Ambo kaiisip at kakukuwenta. Tumitilaok na ang mga tandang ng kapitbahay niya.

Nahiga na si Ambo, nanlulumo. Wala talaga yata siyang abilidad sa financial planning. Simple lang naman daw pero bakit hindi pa niya mapagkasya ang pera.

Natulog na si Ambo subalit hanggang panaginip ay financial planning pa rin ang bida. Dinalaw siya ng yumaong tatay niya, sumalangit nawa.

Nagtaka si Ambo kung bakit parang galit ang tatay niya kaya tinanong niya ang matanda. Sinagot naman siya ng kaniyang tatay:

"Hindot ka Ambo! Sa tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa kutso-kutsong alamat ng mga kapitalista. Kapos ka sa pera, ikaw ang sinisisi dahil hindi ka marunong magplano ng pinansiya?"

"Financial Planning mo'ng mukha mo! Ang kailangan ng tulad mong manggagawa ay mataas na sahod at regular na trabaho. Hangga't binabarat ka ng kapitalista mo, kahit anong badyet ang gawin mo, nga-nga ka pa rin!"

Hindik na nagising si Ambo, hindi siya makahinga.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon

Introduksiyon UPDATE: Ang librong Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon ay maaari nang mabili sa lokal na online shop ng JMP Creative Media. Sundan lamang ang link na ito: BUY NOW: MGA KUWENTONG BAYAN NG BUKIDNON.   Ang pagbabasa ng mga katutubong kuwentong bayan ang isa sa pinakamabisang paraan upang maunawaan ang kultura ng isang bansa. Ayon kay William Bascom, isang kilalang Amerikanong kuwentista at antropolohista, ang mga kuwentong bayan ay salamin ng mga katutubong kaugalian, tradisyon, ritwal, at kultura. Nilalaman ng mga katutubong kuwento ang buod ng pagkatao ng isang partikular na grupo sa lipunan. Ang paglalathala ng e-Book na ito ay isang pagtatangka na maibahagi sa buong daigdig ang ilang piling kuwentong bayan ng tribung Bukidnon sa Hilagang Mindanao, sa wikang madaling maintindihan ng kabataang Filipino. Sa gayon, magiging mas nakaaaliw ang kanilang pagbabasa. Marami na ang nalimbag na mga kuwentong bayan ng tribung Bukidnon. Subalit kadalasan, ang mga kuwento ay nakasu...

Forced Haircut in Schools is Corporal Punishment

Forced Haircut in Schools is Corporal Punishment (Why This Policy Is Unjust and Violates Basic Child Rights) Valencia City, BUKIDNON.  The Department of Education (DepEd) has a long-standing policy that governs good grooming. This includes prescribing a so-called proper haircut for male pupils in both private and public schools.  According to Undersecretary Yolanda Quijano, “the prescribed haircut for boys is at least one inch above the ear and three inches above the collar line.” Schools under the supervision of DepEd are required to follow such standard. Unfortunately, this “haircut policy” has no clear implementing guidelines.  As a general practice, school principals and administrators have the authority to define their own sets of rules on how to implement the policy, including the enforcement of disciplinary actions on erring pupils.

Untitled I

It's not about knowing you when we were there, wandering, in gardens of youthful freedom. What matters is that I've known you, as you are. It's not about seeing you transformed in full splendor palpably radiant and  blinding mortal  eyes. What matters is that I’ve seen you, as you are. It’s not about hearing you, angelic rhythm of imagined voices  wallowing in bitter-sweet laughter. What matters is that I’ve heard you, as you are. It is not about touching you in the deepest  recesses of your uncharted nakedness, utterly lost  in the celebration  of your beauty and passion. What matters most is that I’ve touched you, as you are. It is not about feeling your stormy thoughts and calm contemplations though these are far constellations reached only by stellar signals. What matters most is that I’ve felt you, as you are. ‘Tis not about loving you, sweet rose-p...