Noong Marso 29, 2009, ipinakilala sa publiko ni George T. Calaor ang kaniyang unang aklat: Ang Uyayi ng Himagsik.
Ang Uyayi ng Himagsik ay kalipunan ng mga makabayang tula na nagsasalamin ng mga karanasan ng may-akda bilang isang aktibong kalahok sa Pambansa Demokratikong pakikibaka.
Si G. Calaor ang kasalukuyang Tagapangulo ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa lalawigan ng Aklan. Bago siya manungkulan sa Bayan, si George ay matagal na naging lider kabataan sa Kalibo at aktibong kasapi ng College Editor's Guild of the Philippines.
Bakas na bakas ang diwang palaban ng may-akda sa kaniyang panulaan. Bunsod marahil ito ng kaniyang malawak na karanasan sa larangan ng legal na pakikibaka sa Isla ng Panay.
Hindi rin maikakaila ang taglay na optimismo ng may-akda para sa kaniyang ipinaglalaban. Sa di iilang mga tula sa Uyayi ng Himagsik, lagi at lagi itong tinatapos ni G. Calaor sa pananagumpay ng kaniyang adhikain.
Ang Uyayi ng Himagsik
Ang Uyayi ng Himagsik ay nahahati sa tatlong bahagi:
I. Uyayi ng Pag-ibig
II. Uyayi ng Himagsik
III. Ele-ele Ku Pagpakigsukoe
Ang unang bahagi, ang Uyayi ng Pag-ibig, ay nagsasalamin ng mga himutok ng damdamin ng may-akda sa konteksto ng kaniyang pakikibaka.
Ang mga naunsyaming pag-ibig, ang kaniyang marubdob na pananaw sa mga damdamin ng nakikibaka, ang paglalarawan ng makabuluhang pag-niniig sa gitna ng digma, ay naisalin ng may-akda sa kaniyang panulat.
Bakas sa mga tula ng may-akda ang kaniyang pagnanais na magmahal. Subalit siya ay bigo rito. Magkagayunman, humuhugot ng lakas ang may-akda sa kaniyang pinaninindigang adhikain upang ibangon ang sarili sa pagkabigo.
Nais buwagin ng mga tula sa Uyayi ng Pag-ibig ang karaniwang sanhi ng demoralisasyon ng nakikibaka. Pinagtitibay ng mga tula ni G. Calaor ang tumpak na paghawak sa kabiguan at paano ito gagamitin upang magpalakas ng sarili.
Technorati Tags: review,poems,tagalog poetry

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento