Today is the interment of former President Corazon C. Aquino. Here is a fitting article that analyzed her legacy as a president and as a symbol of protest among Filipinos. You can read the full article HERE.
According to Kenneth Roland A. Guda of Pinoy Weekly Online:
Sa kabila ng malinaw na mga limitasyon ng kanyang panunungkulan, kinatawan ni Aquino ang ideya ng demokrasya na ito (sic). Sa pagsuporta niya sa sinupil na asawang si Ninoy Aquino noong Batas Militar, nahasa ang katapangan ni Aquino na humarap sa tiraniya. Sabi sa mga kuwento, sinabi ni Aquino sa bangkay ng kanyang pinaslang na asawa: “Ipagpapatuloy ko ang laban mo.”
Ipinagpatuloy nga niya, at napagwagian. Magmula noon, naging simbolo na siya ng katapangan (sic) ito. Higit sa lahat, pinakamaningning na ambag ni Aquino sa kasaysayan ng sambayanang Pilipino ang pagkatawan sa paglabang ito.
Higit sa pamumuno sa gobyerno ng bansa, naging simbolo siya ng lumalabang sambayanan. Naging mukha ng paglaban sa diktadura—at pagharap sa lahat ng pagsubok sa gitna ng paglabang ito.
Ito marahil ang mas matimbang na maaaring maging pamana ng isang lider ng bayan tulad ni Cory Aquino.
You can read the full article at Pinoy Weekly Online.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento