Kung ikaw ay dating aktibista, o kaya'y nakaranas lumahok sa mga protesta sa lansangan, o nakisali sa mga ED (educational discussion) kasama ang mga aktibista, maaaring narinig mo na ang salitang Burukrata Kapitalismo. Ayon sa librong Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guerrero, ang Burukrata Kapitalismo ang isa sa batayang suliranin ng lipunang Filipino. Isa ito sa mga ugat na problemang nagpapahirap sa Filipinas. Marami akong kakilala -- mga kamag-anak, mga kaibigan, kababata, mga dating kasamahan sa unibersidad -- na napapangiwi kung mababanggit ang katagang Burukrata Kapitalismo. Anila, laos na ang konseptong ito at hindi na dapat ginagamit na islogan. Sa kainitan ng mga diskusyon at link posting ukol sa isyu ng pork barrel scam, may nabasa akong isang komento na animo'y nangungutya pa. Sabi ng nag-komento, ang iskandalo hinggil sa pangungulimbat ng mga mambabatas sa pondo ng gobyerno ang dapat gawing susing isyu na makapagpapakilos sa maraming Filipino. Dinugtungan n...
Personal na blog sa wikang Filipino. Talakayan sa kultura, politika, balita, tula, kuwento, negosyo, reklamo, at kung ano-ano pa.