Maraming mga pangyayari ang hindi ko na maalaala. Mga pangyayari na parang panaginip na lamang, minsan nga ay halos hindi ko na matandaan maski kaunting detalye. Parang nabubura ito sa memorya. Gayundin naman sa mga bagay. Hindi ko na matandaan ang mga naging libro ko, ano ang kulay ng bag ko noong kolehiyo, ano ba ang gamit kong pang-araw-araw noon. Nawala na lahat ang mga iyon sa memorya. At ito rin ang sitwasyon sa mga taong nakasalamuha ko. maaaring natatandaan ko ang hitsura ng mga nakadaupang palad ko noon. Alam ko pa minsan ang kanilang mga pangalan. Pero ang mga bagay at mga pagkakataong pinagsaluhan ay mistulang nagiging malayong panaginip na lang. Malabo na ika nga. Bakit ko nga ba naisusulat ito ngayon? Marahil ay nangungulila lamang ako sa aking ina. Dalawang taon na ang nakalipas nang lisanin na niya ang daigdig. Sariwa pa naman ang alaala niya. At sino ba namang nilalang ang makakalimot sa kaniyang magulang. Subalit may mga pagkakataong nagiging mistulang malabong...
Personal na blog sa wikang Filipino. Talakayan sa kultura, politika, balita, tula, kuwento, negosyo, reklamo, at kung ano-ano pa.