Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2017

HAIKUS

PAIN Like a lash, it hits. Tearing flesh from anguished soul. And I cried, red blood. MELANCHOLY On a night like this. When darkness embraces me. I long for moonlight. LEAVING Shall I say, farewell. To the petals of my dreams. And drift with the wind? Jay M. Pascual November 27, 2017

Higit sa Lahat, Maglingkod sa Bayan

(Talumpating binigkas sa okasyong Tribute to Parents ng College of Forestry and Environmental Science, Central Mindanao University , Maramag Bukidnon, Hunyo 18, 2017) Ang araw na ito ay okasyon upang bigyang papuri ang mga magulang. Ang mga nanay, mga tatay, at guardians na naglaan ng kanilang panahon, pagmamahal, at pag-aalaga upang masiguro na magkaroon ng magandang edukasyon ang ating mga anak. In behalf of the parents present now, malugod naming tinatanggap ang pagkilalang ito. Pagkakataon na rin ang okasyon ngayon upang magpasalamat sa mga mahuhusay na propesor ng kolehiyong ito. Sa mga panahong hindi natin kasama ang ating mga anak, ang mga propesor -- ang mga dalubguro ng kolehiyo ang nagsilbing ikalawang magulang. Sila ang naghubog sa ating mga anak mula sa pagiging mga batang jejemon nang unang pumasok sila sa unibersidad, at ngayon nga’y maituturing na rin na mga eksperto sa kani-kanilang larangan. Ngunit higit sa lahat, ang tunay na bida sa okasyong ito ay kayong mg...

Para sa aking Naneng, salamat.

Linggo ng gabi nang huli kitang makita. Ginupo na ng sakit ang iyong dating sigla. Ang yayat mong katawan ay mistulang kandilang nauupos; umaandap sa pakikipaglaban sa kumakalat na dilim. Buong tatag kong ibinubulong sa iyo ang himig ng pagmamahal. Batid ko kasing naririnig mo pa rin ako, at nag-aalala sa aking kalagayan. Palagi ka naman kasing nag-aalala. Katangian mo na ang maging maaalalahanin. Tinangka kong ipanatag ka, kahit man lamang sa huling sandali ng iyong buhay, upang mayakap mo nang payapa ang liwanang na naghihintay sa dulo ng karimlan. Bago ako magpaalam ay isang mapait na luha ang nangilid sa aking mata. Pilit ko iyong iwinaksi. Nais ko kasing maghiwalay tayo nang may giliw, nang masaya… katulad noong tayo’y magkasama pa. Kasabay sa pagputol ng bidyo sa telepono ay ang ragasa ng laksang hinagpis. Iyon na ang huli nating pagkikita. Iyon na ang huli kong pakikipag-usap sa iyo. At bago maghating-gabi, ilang oras matapos kitang makita, ay iniwan mo na kami. Alam kong ma...

Bagong Bonnet Gang

Naging bantog sa barangay ang ginawang pagsalakay ng kinatatakutang Bonnet Gang. Bahay ni Mang Igan, nilimas ang laman. Walang pinatawad, ultimong kalendaryong hubad. Matinding ligalig ang bumalot sa paligid. Usap-usapan ng mga ka-barangay, mga kawata’y muling sasalakay. At nagdilang anghel nga, ang mga matabil ang dila. Sa amin ay bumuluga, isa na namang balita. Sa dampa ni Mang Kadyo sa gilid ng estero, narinig ang mga putok, isa, dalawa, tatlo. Mga tambay nagpulasan, animo’y sinisilihan. Sila’y naghiyawan, “Bonnet Gang! Bonnet Gang! ‘Ayan na naman.” Mga tao’y nagkumpulan, sa pag-uusyoso’y nag-unahan. At kanilang nasaksihan, palahaw ng kawawang nilalang. Ang asawa ng matandang Kadyo, sapo-sapo ang sumabog na bungo. Naghahalo ang laway at dugo, Habang sinisigaw ang alboroto. “Naka-bonnet sila, naka-bonnet sila! Binalya pintuan naming nakasara. ‘Pulis kami, pulis kami, anila. Sabay dakma kay Kadyong tulog na.” “Hinila nila ang asawa ko. Ako nama’y tinutukan ng kuwarenta’y sing...