Adobo ang isa sa mga pinakapaboritong ulam ng mga Filipino. Ayon sa ilang pananaliksik, ang adobo ay mula sa salitang Kastilang "adobar," na ang ibig sabihin sa Ingles ay "to marinade." Subalit bago pa man sakupin ng mga Kastila ang Filipinas, nag-aadobo na ang mga Filipino. Dahil lubhang mainit sa bansa at madaling mapanis o mabulok ang mga di-lutong pagkain, natutunan ng mga katutubo na ibabad sa suka at asin ang kanilang pagkain at pagkatapos ay pakukuluan hanggang maluto. Napakatagal ng shelf-life ng mga pagkaing dumaan sa ganitong paraan ng pagluluto. Ngayon nga ay bantog pa rin ang adobo sa Filipinas at halos bawat rehiyon ay may kani-kaniyang bersiyon nito. Sa kabutihang palad, natikman ko na halos lahat ng iba't-ibang uri ng adobo sa Filipinas at natutunan na rin kung paano ito lutuin. Adobong Manok / Adobong Baboy / Adobong manok at baboy - Bersiyong Tagalog Manok o baboy ang karaniwang pangunahing sangkap ng adobo. Minsa'y pinaghahalo ang dalaw...
Sumambulat na naman sa bokabularyo ng maraming Filipino ang salitang oligarchy, oligarch, o sa atin pa ay oligarkiya, oligarko. Subukan mo lang pumunta sa Facebook at Twitter. Maraming balita, status, at comments ang bumabanggit ng salitang oligarch o oligarchy. Minsan mapapaisip tayo kung tunay nga bang naiintindihan ng mga tao ang mga terminolohiyang ito. Sa punto de bista ng political science, hindi simple ang pakahulugan sa oligarkiya. Marami itong sanga-sangang depenisyon. Magkagayunman, nakatutuwang makita ang tumataas na interes ng mga tao sa konsepto ng oligarchy / oligarkiya. Pansinin ang screenshot galing sa Google Trends. Makikita ang biglang paghirit ng interes sa search term na oligarchy noong mga nakaraang araw. Marahil dahil na rin ito sa pahayag ng panggulo ng Pilipinas na nabuwag na niya ang oligarkiya kahit walang Martial Law. Nagbunyi ang iba; ang iba nama’y napakamot ang ulo. Kaya pumunta sila sa Google para magsearch kung ano ba talaga ang ibig sabihin ...