Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Higit sa Lahat, Maglingkod sa Bayan

(Talumpating binigkas sa okasyong Tribute to Parents ng College of Forestry and Environmental Science, Central Mindanao University , Maramag Bukidnon, Hunyo 18, 2017) Ang araw na ito ay okasyon upang bigyang papuri ang mga magulang. Ang mga nanay, mga tatay, at guardians na naglaan ng kanilang panahon, pagmamahal, at pag-aalaga upang masiguro na magkaroon ng magandang edukasyon ang ating mga anak. In behalf of the parents present now, malugod naming tinatanggap ang pagkilalang ito. Pagkakataon na rin ang okasyon ngayon upang magpasalamat sa mga mahuhusay na propesor ng kolehiyong ito. Sa mga panahong hindi natin kasama ang ating mga anak, ang mga propesor -- ang mga dalubguro ng kolehiyo ang nagsilbing ikalawang magulang. Sila ang naghubog sa ating mga anak mula sa pagiging mga batang jejemon nang unang pumasok sila sa unibersidad, at ngayon nga’y maituturing na rin na mga eksperto sa kani-kanilang larangan. Ngunit higit sa lahat, ang tunay na bida sa okasyong ito ay kayong mg...

Para sa aking Naneng, salamat.

Linggo ng gabi nang huli kitang makita. Ginupo na ng sakit ang iyong dating sigla. Ang yayat mong katawan ay mistulang kandilang nauupos; umaandap sa pakikipaglaban sa kumakalat na dilim. Buong tatag kong ibinubulong sa iyo ang himig ng pagmamahal. Batid ko kasing naririnig mo pa rin ako, at nag-aalala sa aking kalagayan. Palagi ka naman kasing nag-aalala. Katangian mo na ang maging maaalalahanin. Tinangka kong ipanatag ka, kahit man lamang sa huling sandali ng iyong buhay, upang mayakap mo nang payapa ang liwanang na naghihintay sa dulo ng karimlan. Bago ako magpaalam ay isang mapait na luha ang nangilid sa aking mata. Pilit ko iyong iwinaksi. Nais ko kasing maghiwalay tayo nang may giliw, nang masaya… katulad noong tayo’y magkasama pa. Kasabay sa pagputol ng bidyo sa telepono ay ang ragasa ng laksang hinagpis. Iyon na ang huli nating pagkikita. Iyon na ang huli kong pakikipag-usap sa iyo. At bago maghating-gabi, ilang oras matapos kitang makita, ay iniwan mo na kami. Alam kong ma...

Bagong Bonnet Gang

Naging bantog sa barangay ang ginawang pagsalakay ng kinatatakutang Bonnet Gang. Bahay ni Mang Igan, nilimas ang laman. Walang pinatawad, ultimong kalendaryong hubad. Matinding ligalig ang bumalot sa paligid. Usap-usapan ng mga ka-barangay, mga kawata’y muling sasalakay. At nagdilang anghel nga, ang mga matabil ang dila. Sa amin ay bumuluga, isa na namang balita. Sa dampa ni Mang Kadyo sa gilid ng estero, narinig ang mga putok, isa, dalawa, tatlo. Mga tambay nagpulasan, animo’y sinisilihan. Sila’y naghiyawan, “Bonnet Gang! Bonnet Gang! ‘Ayan na naman.” Mga tao’y nagkumpulan, sa pag-uusyoso’y nag-unahan. At kanilang nasaksihan, palahaw ng kawawang nilalang. Ang asawa ng matandang Kadyo, sapo-sapo ang sumabog na bungo. Naghahalo ang laway at dugo, Habang sinisigaw ang alboroto. “Naka-bonnet sila, naka-bonnet sila! Binalya pintuan naming nakasara. ‘Pulis kami, pulis kami, anila. Sabay dakma kay Kadyong tulog na.” “Hinila nila ang asawa ko. Ako nama’y tinutukan ng kuwarenta’y sing...

Enero Tres

ang iyong mga kaway ang indayog ng iyong munting kamay ay tagpas ng tabak sa aking dibdib papaalis ka na papaalis ka nang muli tungo sa dalampasigan ng iyong kamusmusan ang iyong ngiting sintamis ng umaga ay punglo sa aking dibdib ang iyong mga kaway ang iyong mga ngiti ay kumikitil sa puso kong namimighati. -- Jay M. Pascual, 2003

Open Live Writer Test Post

This is a test post using the open source blogging client, Open Live Writer. OLW is the so-called “spiritual reincarnation” of Microsoft-abandoned blogging client, Windows Live Writer. Let’s see how images will render: Of course, I’d like to see if the formatting tools will work: Bold Face Underline Italic HEADING 1 Centered Text Right Aligned In case you want to try Open Live Writer, just download the installation file HERE .

MONUMENTO SA TAKIPSILIM

Ito ang oras ng pag-aagawan binababag ng gabi ang umaga nilalamon ng dilim ang liwanag ng araw pinapupusyaw ng sinag ng buwan ang paghihingalo ng kanluran. Ito ang oras ng pagsisiksikan ng laksang nilalang sa mga estribo ng sasakyan dahil nais nang manaig ng pamamahinga sa kanilang katawang bugbog sa maghapong pagpapagod. ito ang oras ng pagsuong sa daluyong ng balisang talampakan na nag-aapurang makauwi dahil mahapdi na ang kalyong nakipagtunggali sa de-gomang sapatos. Ito ang oras ng paglipad ng mga bituin ng gabing naninirahan sa bahay alitaptap upang makipagbuno sa libog ng mga parokyanong naghahanap ng kaligtasan sa panandaling kaligayahan. Ito ang oras ng pagtalas ng mga mata ng buwitreng nakaunipormeng asul at may bota't silbato upang may pangmeryenda sa gagawing pagpupuyat. Ito ang oras na pumapailanlang ang mga makabagong agilang dumadagit ng cellphone at bag upang may maiuwing pantawid gutom o pantawid bisyo? Ito ang kasukalan sa ganitong oras pagbaba ng telon. May tamis ...

Walang Pamagat na Tula ni George Calaor

I Siya na plauta, siya na lagi kong inibig. Siya na alaala ng tubig, sa uhaw kong isip. Ang lunggati ng lunggati, Ang samyo ng siphayo. Siya na Hininga ng bukangliwayway, Alaala ng kasaganahan ng ginapas na palay. Usok ng piging ng alaalang 'di magmaliw. Siya ang lahat ng kailanman, Na hindi kailanman magiging ngayon. At nauunawaan ko ang mga tala, Sa kanilang kalungkutan. II Kumusta na si Chairman Gonzalo at Commander Zero? Nagising na ba sila sa pagkakahimbing sa hardin? Tagay para kay Amado Guerrero! Tagay para kay Armando Liwanag! Pero huwag kalilimutan- Isang marangyang tagay para kay Dagohoy, At sa isangdaan taon niyang pag-aaklas! Naalala ko si Hikmet, Neruda, at Uncle Ho- Isang marangyang piging sila ng pag-aalay sa sarili. Sinta, Hayaan akong magtampisaw sa Ilog Lena At tumula nang may asupre sa bibig, Asero sa dibdib, At may pagpaslang sa panaginip. Pagdaka'y babagtasin ang daan papuntang Yenan, I...

Uri ng Mga Adobo sa Filipinas

Adobo ang isa sa mga pinakapaboritong ulam ng mga Filipino. Ayon sa ilang pananaliksik, ang adobo ay mula sa salitang Kastilang "adobar," na ang ibig sabihin sa Ingles ay "to marinade." Subalit bago pa man sakupin ng mga Kastila ang Filipinas, nag-aadobo na ang mga Filipino. Dahil lubhang mainit sa bansa at madaling mapanis o mabulok ang mga di-lutong pagkain, natutunan ng mga katutubo na ibabad sa suka at asin ang kanilang pagkain at pagkatapos ay pakukuluan hanggang maluto. Napakatagal ng shelf-life ng mga pagkaing dumaan sa ganitong paraan ng pagluluto. Ngayon nga ay bantog pa rin ang adobo sa Filipinas at halos bawat rehiyon ay may kani-kaniyang bersiyon nito. Sa kabutihang palad, natikman ko na halos lahat ng iba't-ibang uri ng adobo sa Filipinas at natutunan na rin kung paano ito lutuin. Adobong Manok / Adobong Baboy / Adobong manok at baboy - Bersiyong Tagalog Manok o baboy ang karaniwang pangunahing sangkap ng adobo. Minsa'y pinaghahalo ang dalaw...

Alaala

Maraming mga pangyayari ang hindi ko na maalaala. Mga pangyayari na parang panaginip na lamang, minsan nga ay halos hindi ko na matandaan maski kaunting detalye. Parang nabubura ito sa memorya. Gayundin naman sa mga bagay. Hindi ko na matandaan ang mga naging libro ko, ano ang kulay ng bag ko noong kolehiyo, ano ba ang gamit kong pang-araw-araw noon. Nawala na lahat ang mga iyon sa memorya. At ito rin ang sitwasyon sa mga taong nakasalamuha ko. maaaring natatandaan ko ang hitsura ng mga nakadaupang palad ko noon. Alam ko pa minsan ang kanilang mga pangalan. Pero ang mga bagay at mga pagkakataong pinagsaluhan ay mistulang nagiging malayong panaginip na lang. Malabo na ika nga. Bakit ko nga ba naisusulat ito ngayon? Marahil ay nangungulila lamang ako sa aking ina. Dalawang taon na ang nakalipas nang lisanin na niya ang daigdig. Sariwa pa naman ang alaala niya. At sino ba namang nilalang ang makakalimot sa kaniyang magulang. Subalit may mga pagkakataong nagiging mistulang malabong...

Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon

Introduksiyon UPDATE: Ang librong Mga Kuwentong Bayan ng Bukidnon ay maaari nang mabili sa lokal na online shop ng JMP Creative Media. Sundan lamang ang link na ito: BUY NOW: MGA KUWENTONG BAYAN NG BUKIDNON.   Ang pagbabasa ng mga katutubong kuwentong bayan ang isa sa pinakamabisang paraan upang maunawaan ang kultura ng isang bansa. Ayon kay William Bascom, isang kilalang Amerikanong kuwentista at antropolohista, ang mga kuwentong bayan ay salamin ng mga katutubong kaugalian, tradisyon, ritwal, at kultura. Nilalaman ng mga katutubong kuwento ang buod ng pagkatao ng isang partikular na grupo sa lipunan. Ang paglalathala ng e-Book na ito ay isang pagtatangka na maibahagi sa buong daigdig ang ilang piling kuwentong bayan ng tribung Bukidnon sa Hilagang Mindanao, sa wikang madaling maintindihan ng kabataang Filipino. Sa gayon, magiging mas nakaaaliw ang kanilang pagbabasa. Marami na ang nalimbag na mga kuwentong bayan ng tribung Bukidnon. Subalit kadalasan, ang mga kuwento ay nakasu...

Ang Kuwentuhang Praybeyt Benjamin-Pnoy, at Kung Bakit Dapat 'Aliwin' ang Masa

Nitong nagdaang araw ay kinapanayam ni Vice Ganda si Pangulong Aquino. Nakaakit ng kapwa papuri at batikos ang panayam na ito. Sa katunayan, naging tampulan nga ito ng usapan sa Facebook at Twitter. Para sa mga hindi pamilyar sa showbiz ng Filipinas, si Vice Ganda ay isang sikat na komedyante, TV host, at artista. Laksang milyon ang mga tagahanga niya na karamiha'y karaniwang Filipino na kabilang sa masa ng mamamayan. Bagama't hindi ko napanood ang buong panayam ni Vice sa pangulo, nakita ko naman ang ilang piling clips na ipinalabas sa panggabing balita. Tunay ngang nakaaaliw ang panayam. Nakakatawa ito, magaan ang usapan, at tila baga ipinapakita ang 'karaniwang mukha' ng pangulo ng Filipinas - nakikipagbiruan, tumatawa, kumakanta, at nakikisabay sa pabirong pambabara. Sa punto de vista ng PR at pang-masang pakikipagkomunikasyon, isang tagumpay ang panayam na ito. Mahusay ang pagpapakete at nahawakang mabuti ang pakay na ipakita sa madla ang kagaanang loob ng pang...

Enero Tres

ang iyong mga kaway ang indayog ng iyong munting kamay ay tagpas ng tabak sa aking dibdib papaalis ka na papaalis ka nang muli tungo sa dalampasigan ng iyong kamusmusan ang iyong ngiting sintamis ng umaga ay punglo sa aking dibdib ang iyong mga kaway ang iyong mga ngiti ay kumikitil sa puso kong namimighati

Financial Planning Mo'ng Mukha Mo

Siyam sa bawat sampung Filipino ay palaging kapos sa pera. Dahil umano ito sa kahinaan ng nakararaming Pinoy na mag-plano ng pinansiya. Financial planning, ika nga; o di kaya'y budget management. Ito ang headline sa diyaryo na nabasa ni Ambo habang naghihintay ng masasakyan papunta sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Si Ambo ay kontraktuwal na manggagawa sa isang pabrika ng garments sa Maynila. Sumasahod siya ng 350 piso kada araw. At dahil kontraktuwal, no-work no-pay ang kaniyang sitwasyon. Naengganyo si Ambo na basahin ang artikulong kaniyang nakita sa diyaryo. Dama niya kasi ang binabanggit sa headline -- kapos lagi ang pinansiya ng kaniyang pamilya sa bawat buwan. Kailangan pa niyang mangutang o bumale upang maitawid ang isang buong buwan. Kaya naman masusi niyang binasa ang artikulo upang malaman ang maaaring solusyon sa kaniyang problema. Gaya nga ng nabanggit sa headline, mayor na salik daw sa pagiging kapos sa pananalapi ay ang kawalang kaalaman sa pagpaplano ng pinansiya. Gust...

Kamatayan, Paglalakbay, at Paglaya

Sa unang taong anibersaryo ng pagyao ng aking ina, muli kong ilalathala ang artikulong ito bilang pag-alaala sa kaniya: Kamatayan, Paglalakbay, at Paglaya Sa panahon ng pagdadalamhati, naging kaulayaw ko na ang mga piling sanaysay at tula ng aking mga paboritong manunulat. Tila baga pampamanhid ng kirot ang kanilang mga berso. Ang mga pangungusap at talata ay mistulang pampa-ampat ng nagdurugong damdamin. Mabisang lunas sa kalungkutan ang pinagdugtong-dugtong na titik. Naipaliliwanag nila ang dahilan ng mga bagay. Nabubuksan ng mga pangungusap ang pag-unawa sa mga pangyayaring mahirap matanto, at mahirap tanggapin. Katulad sa usapin ng kamatayan. Sino ba sa atin ang hindi nagdadalamhati kapag ang isang mahal sa buhay ay pumanaw? Likas sa tao ang mag-asam na makapiling nang habambuhay ang mga pinakamamahal. Subalit walang nilalang ang maaaring mabuhay magpakailanman. Ito ang isa sa mga pinakamsaklap na katotohanan ng buhay. Ang lahat ay matatapos; ang lahat ay mapupugto. Sinum...

Hindi Lang Islogan ang Burukrata Kapitalismo

Kung ikaw ay dating aktibista, o kaya'y nakaranas lumahok sa mga protesta sa lansangan, o nakisali sa mga ED (educational discussion) kasama ang mga aktibista, maaaring narinig mo na ang salitang Burukrata Kapitalismo. Ayon sa librong Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guerrero, ang Burukrata Kapitalismo ang isa sa batayang suliranin ng lipunang Filipino. Isa ito sa mga ugat na problemang nagpapahirap sa Filipinas. Marami akong kakilala -- mga kamag-anak, mga kaibigan, kababata, mga dating kasamahan sa unibersidad -- na napapangiwi kung mababanggit ang katagang Burukrata Kapitalismo. Anila, laos na ang konseptong ito at hindi na dapat ginagamit na islogan. Sa kainitan ng mga diskusyon at link posting ukol sa isyu ng pork barrel scam, may nabasa akong isang komento na animo'y nangungutya pa. Sabi ng nag-komento, ang iskandalo hinggil sa pangungulimbat ng mga mambabatas sa pondo ng gobyerno ang dapat gawing susing isyu na makapagpapakilos sa maraming Filipino. Dinugtungan n...

Zoundry Raven 2 Go

This is a test blog post from the new Zoundry Raven 2 Go. A portable blogging client which you can carry anywhere. With this app, you will able to post to and manage your blogs from anywhere. UPDATE: The first post using the Zoundry Raven 2 Go published without any glitch. This time I'm try to use the built-in Ping and Tagging tools to see if they will work. This is a cool app suitable for bloggers on the go. I have included this image to see how this blogging client handles image uploads and rendering. UPDATE The image upload didn't render correctly. Technorati : blogging client Del.icio.us : blogging client Zooomr : blogging client Flickr : blogging client

Anatomy of Vote Buying in the Philippines

Vote buying has always been a regular feature of Philippine elections. It has been successfully used by moneyed politicians, often belonging to political dynasties, local gentry classes, and traditional clans, to entice the electorate to vote or not to vote for specific candidates. In the recently concluded mid-term Philippine elections, quite a number of independent poll watchdogs observed that vote buying has become rampant compared to previous electoral exercises. Some analysts pointed out that the automation of Philippine elections forced many candidates, especially at the local levels, to buy votes to ensure victory. That is because with automation, the avenues for electoral cheating became limited and more expensive. Thus, moneyed politicians were compelled to re-focus their so-called “black operations” through vote buying.

Mga Tradisyunal na Larong Pambata: Nasaan Na?

Hindi lang pagtatmpisaw sa dagat o swimming pool ang kinasasabikan ng mga kabataan kapag tag-araw. Dahil nga summer at wala nang pasok sa eskuwelahan, inaasam-asam nila ang walang humpay na paglalaro nang halos buong araw. Noong kabataan ko, mga dekada otsenta iyon, naaalala ko pa ang mga karaniwang larong pambata na kinatutuwaan naming magkakapatid at magpipinsan.  Madalas kaming maglaro ng tumbang-preso, taguan-pong, habulan o kampo-kampo, chato, sipa, turumpo, bahay-bahayan, luksong-tinik, luksong baka, chinese garter, at kung minsa’y basketbol o sopbol. Pansinin na halos lahat ng mga larong nabanggit ay may pagka-pisikal. Kailangan maliksi ka, mabilis tumakbo, madiskrate (o magulang din minsan), at kakailanganin mo ang sapat na lakas upang tumagal ka sa laro. Dahil kung lalampa-lampa ka, siguradong mababalagoong ka sa laban. Ikaw ang palaging magiging taya at tampulan ng pambubuska. Ngayon ay tag-araw na naman. Bakasyon na ang mga mag-aaral. Sa panahon ng mga makabagong g...

Sino Nga Ba Ang Sanggano

(Para sa mga biktima ng Pablo na binibiktima pa ng gobyerno) I Matagal na kaming nagtitimpi, bago pa dumating si Pablo. Matagal na kaming nangingimi, bago pa manalakay ang delubyo. Ang sabi niyo kami’y sanggano, mga kawatang basag-ulo. Ang sabi niyo kami’y nanggugulo, sa “tuwid na daan” nitong gobyerno. Ang sabi naman nami’y Putang Ina ‘Nyo! Kami ang sinasanggano. Kami ang binasagan ng ulo. Kami ang dinudusta ng tampalasang gobyerno. Dantaon na kaming sikil, Daan-daan na rin ang pinatay sa amin. Ngayon kami ay umaangil, may gana pa kayong kami’y kutyain? II Kami ang mga Lumad, na inagawan ng lupang pamana. Unti-unti kaming kinaladkad, sa kasuluk-sulukang gubat at tumana. Ang lupa nami’y ninakaw, upang konsesyon ng mina’t troso’y pagbigyan. Itinaboy kaming parang langaw, upang plantasyon ng saging at pinya’y payagan. Kami ang mga magsasaka, na dantaon na ring binusabos ng dusa. Lupang para sa amin, kinamkam ng mga kompanyang sakim. Dantaon na ito, tandaan niyo. Kayong nasa gobyerno. An...